Kanta
"Kain ka muna lugaw girl", nilapag ni Latrelle ang burger at juice sa mesa.
Inayos ni Jez ang buhok ko para sa talent portion. Natulala ako sa harap ng salamin dahil sa kagandahan ko. Hindi ko akalain na may ibubuga pala ako sa mga ganitong patimpalak.
Muntik akong matapilok kanina pero buti na lang at na balanse ko agad ang paa ko. Mataas kasi ang pinasuot na heels sa akin si Jez. Maganda raw iyon para sa postura at height ng katawan ko.
"Salamat ha." Sabi ko.
"Bakit parang labag sa loob mo ang tanggapin yan?" ngumuso siya na parang bata.
"Babawiin ko na lang" Nang hinawakan niya ang burger ay hinawakan kong mabilis ang braso niya.
"Binigay mo 'di ba? Wala ng bawian"
Wala naman siyang nagawa sa sinabi ko kaya humalukipkip siya sa tabi ni Marcus na kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Wyn.
"Paano na yan? May alam ba ng linya rito ni Aviel?" kumamot sa ulo si Jez ng nagtanong sa mga kaklase kong nandito sa dressing room para i-cheer ako.
"Hindi ba Latrelle palagi kang nasa practice nina Kaoree? Baka alam mo?"
Inayos ni Latrelle ang collar ng kanyang polo. Sandali siyang nag-isip. "Hindi ko masyadong saulo 'yun"
"Sino bang gumawa nu'ng kanta?" bumaling sa akin si Jez.
"Labas muna kayo boys magpapalit si Kaoree ng damit", sumunod ang mga lalaki sa sinabi ni Melissa.
Tinulungan niya kong palitan ang damit ko ng simpleng floral dress.
Tumalikod si Jez habang inaayos ang hago ng sapatos niya. Pagkatapos nito ay ipagluluto ko sila ng foreign food bilang pasasalamat. Malalim ang paghinga ni Jez kumpara kanina. Kahit maglagay ng BB cream at liptint na kinagawain niya ay hindi nito magawa dahil sa pag-aasikaso sa akin.
Kahit si Melissa ay sandali lang din ang kain dahil sa pag-alala.
"Salamat ha! Hindi niyo talaga ko matiis" hinalikan ko ang likod ng kamay niya.
"Wala ito! Saka ano pa't naging magkaklase at kaibigan tayo?", sabi ni Melissa sa repleksyon ko sa salamin.
Yumuko siya ng konti. "Nasaan si T.H?", bulong niya saka tinignan si Jez kung nakikinig sa amin.
"May klase yata siya ngayon", wala naman akong pakialam kung pumunta siya o hindi. Ang mahalaga may sumusuporta pa rin sa akin kahit wala siya.
Hindi naman siya kawalan.
"Sayang! I go for Wyn and Latrelle na lang", hagikhik niya. Nilagyan niya ng bagong lipstick ang labi ko.
"Ang malisyosa mo"
"Sus! Gusto mo rin!" humalakhak ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi ma-contact si Aviel? Sino bang gumawa ng kanta?" para bang sinabong ng manok si Jez dahil sa ayos ng buhok nito.
Sa totoo, konti lang ang naitulong ko sa paggawa ng kanta. 'Yung babaeng part ay akin samantalang ang tono at lyrics ng lalaki ay si Aviel ang nag-asikaso. Sumabay lang ako sa ginawa niya.
"Hati kami pero siya ang halos gumawa. Wala naman kaming ibang katulong dyan"
Kinagat ni Jez ang ibabang labi nito. Lugmok ang mga mata niya.
"Huy! Ano ka ba? Cheer up! Kaya ko naman mag-isa!" nilapitan ko siya saka niyakap. "I'm okay"
"Anong okay? Hindi okay 'yun. Pang duet ang kanta hindi bagay na mag-isa ka sa stage"
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...