Field
Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa blangkong papel na bigay ni Wanwan.
Ngayon ay quiz namin sa General Mathematics. Akala ko pa naman ay madali lang dahil half day kami ngayong araw. Mayroon kasing seminar ang faculty ng aming department.
Bawat mahinang paghampas ng mga kaklase ko sa arm rest nila ay rinig na rinig. Luminga-linga ako para maghanap ng sagot kaso lang ay bigo ako. One seat apart ang siste namin ngayon.
Ang professor ko ay parang isang manok na naghahanap ng paglilimliman dahil paikot-ikot siya sa bawat upuan niyang madaanan.
"Congratulations nga pala, Miss Kaoree", sabi ng lalaking mahaba ang balbas na kasing haba ng neck tie niya.
"Salamat po, Sir. First runner-up lang naman po iyon" pilit akong ngumiti habang tinakpan ang papel ko.
Mabuti na lang at hindi nag-abala si Sir na tignan iyon.
Huminga ako ng malalim ng bumalik ang atensyon ko sa Math problem na nakasulat sa unahan. Ang hirap sa subject na ito, gagawa siya ng problemang hindi niya naman kayang resolbahin.
Mayamaya lang ay sandaling may tumawag kay Sir. Maliit na babae na nakaunipormeng pangguro, mahaba ang buhok at pulang-pula ang sapatos.
Pagkakataon ko na to'.
Luminga ako kay Wanwan pero abala siya sa pagsasagot. Si Sasha naman ay nahuli kong kumulbit kay Drianne.
Nang magtagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ko ng kilay. Ilang araw na ang nakalipas simula ng nangyari ang contest ay hindi pa rin kami nagpapansinan.
Mainit ang dugo niya sa akin pero ako naman ay walang init ng dugo ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakalipas na iyon saka isa pa pinalitan naman ni Wyn ng bago.
Si Jez naman ay dinamdam ang nangyari dahil ilang araw nilang pinagpuyatan iyon. Kaya naman pagtuwing makakasalubong niya si Sasha sa hallway ay hindi maiwasan na magsukatan ng titig ang dalawa.
"Psst!" mabilis pa sa segundo ang paglingon ko ng marinig ang boses ni Melissa.
Nagkunwari siyang pumunta sa CR saka nilaglag ang piraso ng papel sa tagiliran ng upuan ko.
Pagbalik niya sa kanyang pwesto ay sumenyas ako ng pasasalamat.
Mabuti na lang at nakaabot ako before magtime kung hindi ay may minus points ako. Ayaw ng professor kong ito na late kaming makatapos kaya naman binilisan ko. Kulang na lang ay magbigkas ako ng magic spell para lang magkaroon ako ng sagot.
"May nakita ako kanina halos walang maisagot dahil puro paganda lang ang kaya niyang gawin" pagpasaring ni Sasha mula sa kinauupuan niya ng umalis ang professor namin.
Ayoko na lang magsalita. Siya nga kanina gano'n din kay Drianne.
"Paano pala tayo sa Arts Appreciation? Kailan ba kayo magbabati ni Sasha?" tanong ni Bruno.
Tumingin ako sa babaeng tinukoy niya na nagsusuklay ng buhok habang nilalagyan ng liptint ni Vanna.
"Wala naman akong sama ng loob sa kanya. Siya na lang ang kausapin mo" pagod kong sambit habang inayos ang gamit ko.
"Ang kapal ng mukha ng Sasha na yan. Siya na nga ang gumipit sayo. Siya pa ang matapang", aniya Melissa na ngayon ay nakasukbit na ang bag sa kanyang likuran.
Hindi naman ako umimik sa sinabi niya. Nilapitan ko si Wanwan matapos ng ginawa ko. Naglagay siya ng pulbos bago ako inalok ng pabango niya.
"Sasabay ka ba sa amin Wan?"
Ngumuso siya. "Hindi eh. May gagawin kasi kami nina Bruno"
Nagkibit-balikat ako.
Sa huli ay umuwi na lang akong mag-isa dahil may gagawin rin si Melissa.
Pagod kong sinalampak ang sarili ko sa higaan. Hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit ay agad akong humiga.
Tinitigan ko sa side table ang trophy ko. Hindi ko akalain na makakakuha pa ko ng Best in Talent bukod sa pagiging runner-up. Kung hindi lang dahil kay T.H ay baka kahit runner-up ay hindi ako makakuha.
Sabagay, unang round palang ng pageant alam kong napusuan ako ng mga judge kaya malaki talaga ang tsansang manalo ako.
Marcus
Kaoree, makikisuyo naman. Wala kasi ako sa bahay. May inuutos si Latrelle. Nakalimutan niya 'yung sports bag sa kwarto niya. Pwede bang dalhin mo sa campus nila?Ilang beses akong kumurap.
Uhm. Sige.
-SentKung alam ko lang na mangyayari ito. Sana pala ay kumain muna ako ng tanghalian. Nagmadali akong kunin ang bag ni Latrelle na nasa kama niya. Sinipa ko ang ilang piraso ng papel pati ang nagkalat niyang mga sapatos sa sahig.
Sandali akong nagcommute. Nang makarating ako sa campus nila ay laglag ang panga ko. Higante ang itim nitong gate pati ang mga buildings ay tanaw sa labas.
"I.D mo?" bungad sa akin ng guard.
Kumamot ako sa ulo. "Manong, hindi kasi ako rito nag-aaral. Kailangan kasi ng..."
"Papasukin mo na siya, Manong" halos tumulo ang laway ko ng makita kung sino ang lalaking nasa harap ko. Nakasalamin siya, naka button shirt na pitis sa kanya kaya naman depinado ang katawan nito.
"Sir Tendery, hindi kasi—"
"Ako ng bahala, Manong guard" nginitian ko siya bilang pasasalamat.
Nang makarating ako sa field na sinabi ni Marcus ay tila ba panaginip ito. Ano bang klaseng lugar ito? Puno ng mga magaganda at gwapong nilalang.
Sampung minuto akong nakatayo sa field malapit sa hanay ng mga bleachers pero hindi ko makita kung nasaan si Latrelle. Ngalay na rin ang mga braso ko dahil sa bigat ng bag niya.
Ubos na ang tissue ko dahil sa kakapunas ng pawis sa noo ko.
Isang babae ang napansin kong kumakain. Malintik ang pilik-mata nito na parang pusa ang mga mata.
"May kilala po ba kayong Latrelle?"
Hindi naman siya nagpatumpik-tumpik sa pagsagot. "Ayon! Lumapit ka lang do'n"
Tinuro niya ang grupo ng kalalakihan na nagpapasahan ng bola.
Hindi naman gano'n kalayo kaya mabilis akong nakarating.
"Salamat sa pagbitbit ng gamit ko ha", sarkastiko iyon. Kukunin niya sana ang gamit niya sa akin pero iba ang kumuha nito.
Dahil sa matinding sinag ng araw ay hindi ko nakilala ang lalaking nasa harap ko. Kung hindi ko pa hinarang ang kamay ko sa aking noo upang takpan ang sikat ng araw ay hindi ko siya makilala.
"Anong ginagawa mo rito, T.H?" pagod kong tanong ng tinignan ko ang singkit niyang mga mata na walang emosyon.
----#HIOR----
![](https://img.wattpad.com/cover/243940343-288-k783263.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...