Bra
Abala sa kanya-kanyang ginagawa ang tatlong lalaki. Si T.H ay kasalukuyang nasa likod bahay pinapaliguan ang aso nitong kamukha si Polgoso.
German shepherd yata yun. Syempre joke!
Sina Latrelle at Marcus ay abala sa paglalaro nila ng Xbox. Trip nila 'yung sayawan.
"Mas magaling talaga kong sumayaw sayo", aniya Latrelle habang pawisan sa kanyang ginagawa.
"Asa ka tignan mo 'yung score mo", tumawa si Marcus.
"Score lang yan. Pero matigas ang katawan mo. Lamang mo lang sa akin fast-learner ka"
Parehas silang naka fitted na puting sando at naka...boxer shorts!?
Umiling na ako sa iniisip ko. Nilulumot na yata ang utak ko.
Pilit kong nilalayo ang tingin sa kanila pero hindi ko maiwasan lalo na sa pawis na katawan ni Latrelle. Ang abs nito ay bakat sa suot niya.
Lumagok ako at hinagod ang sariling leeg.
Kalma, Kaoree. Abs lang yan!
Saka si Latrelle yan hindi si Wyn kaya kumalma ka. Nagpakawala ako ng mahabang paghinga matapos kong pumikit.
"Magbihis kayo ng ayos", ani T.H na ikinagulat ko.
Sandaling nagtagpo ang mga mata namin. Ewan ko ba pero bakit parang may kiliti akong naramdaman. Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon dahil baka na gwapuhan lang ako sa kanya.
Paano ba naman ay wet look siya. Imagine-in niyo 'yun basa ang buhok niya habang sinusuklay ito gamit ng kanyang mga daliri.
Hindi katulad ng mga kaibigan niya-T-shirt ang suot nito at shorts na desente tignan.
"Bakit ka nakatitig?", namataan kong nasa harap ko siya.
Ngayon ko lang napansin na pwede siyang artista. Muli akong napalunok. Parang may bigik sa lalamunan ko. Bigik na nagpipigil na sumigaw ako.
"Uhm. Ano kasi... Wala naman... Bakit masama bang tumitig sayo?"
Ilang segundo niya kong tinitigan ng malamig bago bumalik sa kwarto niya.
Ang dalawang lalaki ay parang walang narinig sa sinabi ni T.H.
"Hoy!", unang sambit ko.
Aba't!? Hindi talaga ko pinansin!
"Hoy!"
Tumigil sila ng pinindot ni Latrelle ang buton sa remote. Ginulo nito ang kanyang buhok at bakas sa mukha ang pagkainis.
"Anong kailangan mo?"
"Sabi ni T.H, magbihis kayo"
Ngumuso si Marcus saka tumaas papuntang kwarto niya. Hindi naman siya nagtagal kaya bumaba rin agad
"Ayoko. Mabanas", pagmamatigas ni Latrelle.
"May babae kayong kasama kaya dapat magbihis ka ng...", napaatras ako ng lumapit siya tinitigan ako ng diretso sa mga mata.
Ang pinaghalong pabango at pawis nito ay amoy ko.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
"Bakit awkward bang makita akong nakaganito lang?", nanunukso ang tono ng boses niya. Nadagdagan ang init ng pisngi ko.
Sa tana ng buhay ko ay hindi pa ko nakakita ng lalaking naka boxers lang. Kapag nagbabakasyon ako sa probinsya hindi naman ganito ang suot ng pinsan ko. Mas desenteng tignan kumpara rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/243940343-288-k783263.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...