50

31 4 1
                                    

Deal or Deal

Masayang-masaya si Melissa habang tinitignan ang clearance paper niya. Hindi ko akalain na pati pala sa college may ganitong pakulo.

Tamad akong humikab habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nakapila para magpapirma ng last signatory nila sa registrar upang magbakasyon.

Pinuno ng halakhak nila ang aking tenga. Tahimik lang akong kumakain habang nakasandal sa grills ng mataas na building.

"Akalain mo 'yun! Malalampasan natin itong sem!" Nakailang ulit na siyang ganyan. Kumikinang ang mga mata niya.

Ang grupo naman nina Sasha ay kadarating lang. Hikahos dahil sa taas ng inakyat nila. Pa-simple akong ngumiti ng kumaway si Marcus sa likuran nila. Sa wakas kahit pa-paano ay maalam na siyang makihalubilo sa iba. Palagi na lang sina Latrelle ang hanap ng isang ito.

Sa isang banda naman, si Jez kasama ang mga kaklase niya. Hindi yata ako pansin ng bruha dahil abala siya sa pagsisiyasat ng mga gwapong lalaki na nakahanay.

Si Jaztine naman ayon, nakatingin lang siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at kung bakit gano'n siya kahumaling sa kaibigan ko.

Ang daming straight na lalaki, sa bakla pa siya magkakagusto.

Nang umisod ang pila ay bahagya natapilok dahil sa likot ng mga Senior High School na kasunod ko.

"Sorry, Ate." Sambit nu'ng isa na may hawak na fish crackers. Nagbulungan silang magkakaibigan saka biglang tumawa.

"Okay." Walang gana kong sagot. Nitong nagdaan na linggo ay ganito lang ako. Minsan ay hindi rin ako nakain. Ni kausapin ni T.H ay hindi niya magawa. Wala manlang text o chat manlang sa messenger. Kung talagang hindi niya ko kayang kausapi  sana manlang pinadaan niya sa apat niyang kaibigan.

"Huwag ka ngang magmukmok!" Siniko ni Melissa ang tagiliran ko. Kumuha siya ng tinapay sa bag niya. Mayonnaise ang palaman. Naglaway ang aking bibig. Pinigilan kong kusang mapanganga.

"Isipin mo na lang! Bakasyon na tayo!" Ngumuso siya. "Free from stress! Teka nga, gusto mo bang sumama na lang sa amin?"

Umangat ang tingin ko. Pumiraso ako sa kinakain niya. "Sandali lang naman ang sem break natin saka undas na pagkatapos nito. Dadalawin ko pa sina Mama at Papa."

Napakamot siya ng ulo. "Sayang naman. Alam mo na! Kung sasama ka, malalayo ka sa problema mo kahit SANDALI LANG."

Umisod muli ang pila at kami na ang sumunod. Mabilis lang ang naging proseso dahil wala naman kaming kulang. Lahat ay bayad na kaya binigay na ang grades namin.

Nakakamangha habang dinadaan ng mata ko ang bawat asignatura sa aking card. Inagaw iyon ni Melissa.

"Sana all!" sabi niya.

"Sana all, uno!" Sabi ni Marcus na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.

"Bumalik ka sa pila mo. Baka masingitan ka!" saway sa kanya ni Melissa.

Hindi ko alam kung close na silang dalawa base sa kung paanong toni siya kausapin ni Melissa at nakakapagtaka na hindi na kinikilig ang kaibigan ko sa kanya. Tinitigan ko ang dalawa sa bahagyang paglapit nila sa isa't-isa. Maikli silang tumawa ng maglapit ang braso nilang dalawa.

"Wala kang tres. Congrats!" Ginulo ni Marcus ang buhok nito. "Thank you! Ikaw rin naman wala kang tres. Sure ako."

Nagkibit-balikat siya. "Sana nga. Sige na, balik na ko sa pila ko." Paalam niya saka kumuway sa akin.

Nang pababa na kami ng hagdanan. Nakasalubong namin sina Wanwan, at Bruno.

"Hi! Sana all talaga tapos na!" Masayang sambit ni Bruno. Marahil wala siyang alam sa nangyari o talagang binalewala niya lang iyon.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon