Dare
Umupo ang lahat malapit sa bonfire na ginawa ni Yuan. Ang katabi ko ay sina Jez at Melissa habang ang katapat ko naman ay sina T.H at Rosella. Nakapulupot siya sa braso ni T.H.
Si Sasha ang nag-ayos ng mga papel sa bote. Tinakpan niyang mabuti iyon bago nilagay sa gitna. Nagpresenta si Latrelle na siya ang mag-iikot ng bote na hudyat na simula ng laro namin. Nu'ng una ay nagtawanan pa dahil masyadong mahina ang pagpapaikot ni Latrelle sa bote. Pero sa pangalawang pag-ikot nito ay naging maganda ang kinalabasan. Hindi masyadong mabagal at hindi rin naman mabilis.
Unang tumuro ang nguso ng bote kay Drianne. Konsentrado ang lahat sa kung anong tanong ang mabubunot niya. Pakiramdam ko nga ay pinagpapawisan ako ng malamig lalo ng inalis niya ang takip ng bote saka nagsimulang bumunot ng tanong.
"Oh! That's my question for sure." Aniya Rosella.
Pero sa tingin ko ay hindi sa kanya iyon dahil may isang taong nagpipigil ng tawa na hindi malayo ang pagitan sa kanya.
"Seryoso?" Mistulang tanong niya sa gumawa ng tanong na hawak niya.
"May five seconds ka to decide between truth...or dare." Paalala ni Jez.
"Truth!" Mabilis na sagot ni Drianne.
"Napatae ka ba sa shorts tapos nasa school ka?" Naiilang niyang pagbasa sa tanong.
Tama talaga ang hinala ko! Sa pagtawa palang ni Latrelle ay alam kong sa kanya galing iyon.
"Sa totoo lang hindi. Kasi disiplinado ako ng parents ko. Bago ako pumasok sa school sinisigurado nilang nakapagbanyo na ko." Maikli niyang paliwanag saka tinapon ang papel sa isang supot.
Siya naman ang nag-ikot ng bote para sa susunod na bubunot ng tanong. Nahirapan pang pumili ang bote between sa amin ni Melissa. Mas lamang ang turo sa pwesto sde kaya ako ang kumuha nito.
Swerte ako sa ganito, madadaling tanong ang madalas mapunta sa akin kaya tiwala ako na masasagot ko ito.
Mabilis kong binuksan ang bote saka bumunot ng tanong. Hindi ko inaasahan na dalawa ang nakuha ko. Nag-eenie meanie may nimo pa ko sa isip ko bago ako pumili. Sa bandang huli ang pinili ko ay 'yung may tinta na kalat sa tagiliran ng papel.
Nanlamig ang buong kamay ko at nakaramdam ako ng kaunting pangininig.
"You only have five seconds." Bulong na sambit ni Jez at ang tono niya ay pabulong na nanakot.
"Dare!" Mabilis kong sagot.
"Hindi manlang pinag-isipan!" Aniya Jez.
"Basahin mo kung anong tanong dyan." Dagdag niya.
"Who is your first love?" Marahan kong basa sa tanong. Hindi ko naman alam kung sino talagang first love ko. Ang pinagpipilian ko ay 'yung child hood crush ko or 'yung dati kong M.U kaso lang ayoko ng ungkatin ang tungkol sa bagay na iyon kaya mas pinili ko ang dare.
"So, kanino tanong iyon?" Tanong ni Sasha.
Walang anu-ano'y tumaas ang kamay ni Latrelle. Nakangisi siya. Mukhang hindi maganda ang ipapagawa ng isang ito. Saka bakit parang sa kanya lahat yata ng mga tanong rito?
"Kahit ano 'di ba?" Paglilinaw niya.
Tumango naman sina Jez at Sasha.
Tahimik ang lahat habang hinihintay ang dare ni Latrelle. Umalon ang Adam's apple nito saka kumuyom ang parehas niyang kamao. Kahit na hindi siya malapit sa akin ay kitang-kita ko kung gaano naging maamo ang mga tingin niya. Nangungusap ang mga mata niyang iyon na para bang pinapasok ang isipan ko.
"I dare you to love me, Kaoree."
Laglag ang panga nina Sasha, Vanna at Drianne. Si Melissa ay pigil ang pagtili sa aking tabi. Si Rosella ay laglag ang panga. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Latrelle. Habang si T.H naman ay nakakrus ang mga braso at seryosong nakatingin sa akin.
"Sana all, girl!" Wika ni Jez saka hinampas ako ng mahina sa aking braso.
"How to be you po!" Dagdag pa niya.
Habang sina Yuan at Marcus naman ay napailing na lamang sa sinabi ni Latrelle.
"Paano pala kung hindi nagawa 'yung dare?" Tanong ni Latrelle. Gusto kong magmura kung seryoso siya. Alam kong maganda ako pero huwag naman siyang ganito. Isa-isa lang! Umamin na nga si T.H tapos sasabay pa siya. Ang hirap talagang maging Dyosa.
"Pwedeng iba ang gumawa para sa kanya kung iyon ay may mag vo-volunteer." Sagot ni Jez.
"Ibahin ko na lang. Mukhang hindi pa kasi kaya ni Kaoree sa ngayon." Confident niyang sambit.
"I dare to go on a date with me, Kaoree." Sabi niya na hindi manlang pinuputol ang tingin niya sa akin.
Tinignan ko si T.H na tiim-bagang. Tila nag a-apoy ang mga mata niya. Para bang tinutusok ako ng mga iyon.
"Isang date lang naman! Pagbigyan mo na ang bata namin!" Wika ni Yuan habang sinusuntok ng mahina si Latrelle sa likod.
"Lalaki ka na talaga!" Sambit nito.
"Matagal na kong lalaki. Ikaw nga itong walang ka-m.u niisa noon pa man." Pambawi ni Latrelle sa kanya kaya naman parang gusot na papel ang mukha ni Yuan.
"Sige. Isang date." Sagot ko at hindi ko manlang tinignan ang reaksyon ni T.H. Alam kong galit siya pero hindi ko kayang hindi-an si Latrelle lalo pa at binibigyan niya naman akong mixed signals. Hindi ko naman alam kung totoo ba ang sinabi niya kanina. Hindi niya kinumpirma kaya bakit ko pagbabawalan ang sarili kong kumilala at magkagusto sa iba?
Saka isang araw na date lang naman. Hindi iyon big deal unlike sa kanila ni Rosella. Napakahirap sa parte ko na kada minuto ay malinaw sa mga mata ko kung paano siya landiin ng babaeng iyon.
Sinimulan kong paikutin ang bote ng kumalma na ang lahat. Mahina lang ang pag-ikot nito pero sapat na iyon upang si T.H ang matapatan ng bote. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin bago niya kunin iyon para bumunot ng tanong.
"Dare." Mabilis niyang sagot na hindi manlang pinag-isipan kung anong dapat piliin.
"T.H, pakibasa ng tanong." Pagsuyo ni Jez habang inaayos ang BB cream ng kanyang mukha.
"Who is your childhood crush?" Basa niya.
"Hindi mo matandaan?" Sabi ni Latrelle.
Pero hindi naman umimik si T.H.
"What a coincidence! That's good! Ako ang nagsulat ng tanong na 'yan!" Masayang sambit ni Rosella.
"Nako. Ihanda mo na ang puso mo." Sabay na sambit nina Melissa at Jez.
"Here'a your dare, T.H." Mahinahon nitong sambit.
Kinabahan muli ako. Para bang i-slow motion ang lahat ng siya ang nagbigay ng dare.
"I dare you to kiss me, T.H." Walang bakas na pagdadalawang-isip na sinabi ni Rosella.
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...