49

34 5 1
                                    

Mahigpit na Yakap

Alas kwatro palang ng umaga ay mulat na ang mata ko. Hindi umuwi si T.H mula kahapon. Iniisip ko ano kayang iniisip niya?

Sa bawat paghigop ko ng kape ay pinagagaan nito ang mabigat kong pasanin. Naalala ko ang tawa nila Mama at Papa. Kapag may problema ako lalo na kapag may kinalaman sa eskwelahan ay pinapatawa nila ako.

Mga korning jokes na wala naman akong naintindihan. Mga banat ni Papa nu'ng nanliligaw palang siya kay Mama.

Niyakap ko ang aking sarili kasabay ng pagyakap ng malamig na hangin mula sa bawat paghampas ng lawa sa batuhan.

Hindi pa kami nagkakausap ni Jez. Alam niya naman na gusto ko munang makapag-isip kaya hindi niya ko kinukulit.

Tumayo ako sa aking kinauupuan ng sumilip ang araw. Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. Lampas na ng alas singko ng umaga.

Nagsimula akong magwalis ng harapan hanggang sa isa-isa kong diniligan ang mga bulaklak na alaga nina Wyn at Marcus. Siguradong matutuwa si Marcus dahil matagal niya ng gustong dumalaw ang mga paru-paro sa tinanim niyang bulaklak.

Matapos nito ay nilabas ko ang sako ng basura. Minsan kasi ay nakakalimutan kong ilabas ito kaya natatambakan kami at takaw langaw lamang sa loob ng aming bahay.

Pumasok ako sa loob. Tumambad sa sala ang mga kalat nina Marcus at Latrelle. Sigurado akong puyat dahil sa movie marathon ang dalawa.

Pumunta naman ako sa kusina. Nasanay na ko kay Wyn na tuwing umaga ay nandito siya upang tulungan ako. Pinaghila niya ko ng upuan sa tabi niya. Sumimsim siya ng paborito niyang gatas.

"Hi. Good morning." Normal na pagbati niya.

Halatang bagong gising siya dahil gulo ang kanyang makapal na buhok.

"Kanina ka pa gising?" Hindi ko alam kung gusto niyang may mapuntahan ang aming usapan kay siya nagtanong.

Hindi naman siya ganito dati, o praning lang ako na baka i-open niya ang tungkol sa nangyari kahapon.

Usually kasi ay mas maaga siyang gumising kaysa sa akin. Nakasaing na siya bago pa man ako makapaglabas ng ulam. Minsan naman siya rin ang taga-saing at nagluluto ng ulam. Kaya ang ginagawa ko na lang sa umaga ay maglinis.

"Oo, may practice kasi ngayon si Latrelle. Maaga raw sila kaya maaga akong magluluto ng umagahan."

Tumango lang siya sa sagot ko. Nang nagsimula na ko sa aking ginagawa ay hindi ko maiwasang mabingi ng dahil sa katahimikan. Napapatingin ako sa kanya kapag bumabangga ang kutsara sa tagiliran ng kanyang tasa kapag hinahalo niya ang gatas.

Kalhating-oras ang lumipas. Napakabagal ng oras na para bang hinihilo ako nito. Naramdaman ko ang pagsakit ng aking sentido. Kulang ako sa tulog kaya siguro ganito.

Malakas na sunod-sunod na paghakbang mula sa hagdanan ang gumulantang sa aking tenga. Malamang isa sa mga lalaki ay gising na. Kung hindi ako nagkakamali ay si Latrelle iyon. Hindi naman gano'n humakba si Jez dahil kahit dito sa bahay ay may sinunod siyang paglakad. Lalo na kapag baba ng hagdanan.

"Kaoree, nakita mo ba 'yung favorite shirt ko? Justin Bieber tee." Tanong ni Latrelle habang nagtutuyo ng buhok gamit ang towel.

Hindi ako nagulat ng makitang nasa likuran niya si Marcus. Nag-uunat ng likod at nag st-stretching. Humikab siya sa harapan ni Latrelle.

"Ang sagwa naman nito." Aniya Latrelle.

Iniisip ko kung saan ko nga ba nailagay 'yung binanggit niyang damit.

"Bad trip pa yata siya." Bulong ni Marcus sa kaibigan.

Napangiwi si Latrelle na para bang naalala ang nangyari kahapon. Iimik na sana ako dahil naalala kong nasa drawer niya sa pinakailalim ko nilagay iyon pero naunahan niya ko.

"Uh. Sige. Kaoree! Ako na pala ang maghahanap!" Mabilis siyang tumalikod at kinawit si Marcus gamit ang braso niya. "Tulungan mo ko."

Tinanggal ni Marcus ang braso nito. "Ih! Ayoko nga. Gutom na ko. Gusto ko ng kumain."

Pero kahit tinanggihan niya ang kanyang kaibigan ay tinulungan pa rin siya nito.

Naiwan kaming muli ni Wyn. Naghanda ako ng makakain habang may ginagawa ang dalawa. Pinagtabi ko ng ulam si Jez dahil mukhang wala siyang lakad ngayong araw. Mamaya pa ang gising no'n.

"Kaoree about sa nangyari kahapon..."

Nagkatinginan kami ni Wyn ng masagi niya ang kamay ko sa mesa. Muntik kong mabitawang pinggan.

"Huwag mo ng alalahanin 'yun." Ngumiti ako pero mukhang hindi siya kumbinsido.

Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.

"Ayoko sanang makialam pero ano bang meron sa inyo ni T.H?" Nabitiwan ko ang kutsarang hawak ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano nga bang meron?

Lumunok ako. "Wa...wala naman! Nagtampo lang ako kasi syempre! Ka..kaibigan ko rin naman siya! Tapos hindi siya nag-open sa akin tungkol kay Rosella."

Tumango-tango siya. "Siguro siya na dapat 'yung magkwento kung ano nga bang meron sa kanila. Kahit ako nagulat din."

Wala akong nais sabihin kaya tumunganga na lang ako sa pagkain matapos niyang magsalita.

Kahit sa pagkain ay hindi karaniwan ang nangyari. May umimik man ay mahina lang. Tinatantya nila ang bawat galaw ko.

"T.H! Mabuti at bumalik ka na!" Masiglang pagbati ni Marcus na nawala rin agad matapos na nagtagpo ang mga mata namin. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi.

Hinila siya ni Latrelle ang damit niya saka nagmwestrang huwag maingay.

Parang walang nangyari. Sumabay pa rin siya sa pagkain. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa.

Tanging ingay lang ng kubyertos ang namutawi sa aming lima. Ang sabay kong pagkain kasama siya ay para tinutusok ang puso ng punyal.

Tumayo ang lahat ng matapos kami. Walang gustong umimik. Walang gustong magkamali ng kilos. Parang walang nahinga na para bang ang hihinga ay mamatay.

Nakaluwag lamang ako sa aking nararamdaman ng wala na sila sa harap ko. Tahimik at maingat ang paghuhugas ko ng pinggan. Hindi kagaya noon na nagmamadali ako at masaya akong makipagbonding sa kanila matapos ng aking gawain.

Pumunta ako sa labas at umupo malapit sa mga bulaklak. Kumuha ako ng bato. Para akong batang naghuhukay ng sa lupa na hindi alam kung ano nga bang kahihitnan nito.

Unti-unting tumulo ang luha ko. Kaunti lang hanggang may humawak ng braso ko. Mainit ang hawak nito na bawat daliri niya na kahit hugis nito ay alam ng aking katawan.

Tinulungan niya akong tumayo. Hinarap niya ko sa kanya. Dahan-dahan ay niyakap niya ko saka marahan na hinagod ang aking likod.

Bumuhos ang lahat ng luha ko na kanina ko pang pinipigil. "Sige lang. Tama 'yan. Iiyak mo lang."

Hagulgol lang ang tanging naging imik ko.

"Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na ganyan ka. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Gusto kong sa akin ka sumaya pero anong magagawa ko? Si T.H ang gusto mo hindi ako."

Diin niya lalo ang yakap niya sa akin.

"Anong magagawa ko kung mas gusto mong masaktan ng dahil sa kanya. Iimbis na ako ang piliin mo para sumaya ka."

Mas lalong kumirot ang puso ko. Please, Latrelle. Huwag naman ganito. Please.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon