Pagod
"Ayaw mo talaga?" Pag-uulit niya.
"Latrelle, please lang! Tigilan mo na ko."
Naglakad-lakad ako upang humanap ng masisilungan. Hindi naman ako nabigo dahil mayroon na maliit na kubo maliit sa ilog.
"Magdahan-dahan ka lang!" Aniya Latrelle na hindi ko akalain na sumunod sa akin.
"Ang kulit mo! Akala ko ba hindi mo na ko pagtri-tripan!?" Napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyon pero mukhang hindi yata malinaw sa kanya ang sinabi ko.
"Hindi ko maiwasan na hindi. Pasensya ka na, lugaw girl." Pag-ngising sagot niya.
"Bakit hindi ka sumama roon?" Tinuro ko ang pwesto kung saan nandoon si Marcus. Kumunot ang noo ko. Nakikipagbasaan siya kay Melissa ng tubig.
"Ayoko. Panget ka-bonding. Akala ko pa naman manghuhuli tayong isda pero..." huminga ng malalim si Latrelle. "Paglalandian ang ginagawa nilang dalawa."
Umupo na lamang si Latrelle sa tabi ko. Mabuti na lang at maganda ang pwesto rito ng kubo. May maliit na mesang gawa sa kawayan at may mahabang upuan na gawa rin sa kawayan. Kumamot ako sa ulo ng biglang tumayo si Latrelle at hindi maipinta ang mukha niya. Tila kinakausap niya ang kanyang sarili.
May kulot na babaeng nakatingin sa kanya. Sandaling nagtagis ang tingin nila. Ngumisi si Latrelle. "Sino yun?"
Mabilis siyang bumaling sa akin matapos mawala sa paningin ko 'yung babae. Mukha siyang maganda. Kulot ang buhok. Katam-tamtaman ang laki ng mga mata at maputi. Nakasleeveless ang babae at pants na fitted.
"Bakit selos ka?" Pinitik niya ang ilong ko.
"Hindi. Wala naman akong dapat ikaselos." Sabi ko.
Hindi naman siya umimik sa sinabi ko. Humiga siya at ginawang unan ang sarili niyang mga palad. Pumikit siya. Siguro ay magbabawi siya sa tulog. Gusto ko rin sanang umidlip pero sa ganitong ka-init na panahon ay mukhang hindi kakayanin ng katawan ko.
Nabuhayan ako ng dugo ng makita si Wyn dala ang mga isda saka uling?
"Kaoree, ito na 'yung hinuli kong isda. Saka sakto..." pinakita niya sa akin ang uling na nasa plastik na pinagtataka ko kung saan niya kinuha.
"Saan yan galing?"
"May nagbebenta doon sa kabila ng uling. Alam kasi nila na maraming turista na mahilig mag-ihaw." Inayos niya ang iyon sa ihawaan. Para siyang boyscout dahil may posporo siyang bitbit sa bag. Mabuti na lang at may kasama niyang niyog ang uling para mas madaling mag-apoy ang mga uling.
Lumapit ako sa kanya upang tulungan siyang mag-ayos ng mga uling. Tumulo ang pawis ko dahil sa ginawa namin.
"Kaoree." Aniya Wyn habang nilalagay ang isda sa uling na mayroon ng baga.
"Hmm?" Ngumiti ako sa kanya. Siguro sasabihin niyang ang ganda ko kahit may uling ako sa mukha.
"Aba! Ano 'yang ginagawa niyo ha!" Nagulat ako ng biglang mag humawi sa pagitan na amin ni Wyn mula sa likuran. Akala ko pa naman ay tulog ang isang ito. Bigla ba namang sumingit sa usapan naming dalawa ni Wyn.
Gusto ko pa naman marinig mula kay Wyn kung gaano ako kaganda kahit may uling ang aking mukha. Nakakabadtrip talaga si Latrelle kahit kailan.
"Kitang-kita naman! Nag-iihaw kami!" Diretsa kong sagot.
"May ibibigay ako sayo. Sobrang espesyal nito." Kinilig naman ako sa sinabi ni Latrelle dahil mukhang seryoso siya. Saan naman kaya niya binili ang bagay na ibibigay niya sa akin?
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...