58

34 2 1
                                    

Dyosa ng Marurupok

Ang lahat ay nakatulog sa van dahil sa aga ng gising namin kanina. Naalimpungatan ako dahil sa bahagyang pagpreno ni Manong Driver para umiwas sa motor na bigla na lang sumulpot galing sa kabilang kanto.
Nakarinig ako ng bahagyang pagbukas ng plastik ng chichirya. Lumingon ako mula sa aking kinauupuan. Halatang bagong gising palang si Jez habang unti-unting binubuksan ang paborito niyang chichirya.

"Uy! Ang damot ah!" Sabi ko sa kanya na kinagulat naman niyo kaya muntik niya ng mabitiwan ang bagay na hawak niya.

"Ang damot agad! Hindi ba pwedeng nag-alala lang ako na kapag humingi ka eh maubusan ako." Pagalit niyang sinubo ang chichirya.

"Pahingi naman ako! Para naman akong others!" Sabi ko. Kung alam ko lang na may dala siyang pagkain ay hindi na sana ako umupo katabi ng driver.

Pinilit kong abutin iyon pero kapos ang braso ko.

"Ayan, sige panindigan mong dyan ka sa unahan! Kung bakit kasi dyan ka umupo. Gusto mo laging nagdra-drama ka eh. Feel na feel ang view sa unahan habang iniisip mo 'yung tao iba ang gusto." Singhal niya sa akin saka inabot sa akin ang kinakain niya.

"Ano ba yan! Dami mo namang sinabi" reklamo ko. Nang naabot ko na ang pagkain ay umayos ako sa aking pagkakaupo.

"Huwag mong ubusin yan! Favorite ko yang Piatas na Red!" Bilin nito. Para siyang batang inagawan ng kendi dahil sa kanyang pagmaktol.

"Oo. Saka isa pa. Busog pa ko no. Titikim lang ako."

Nagningning agad ang mga ko nang tinignan ko kung gaano karami ang laman ng chichiryang kinakain niya. Unang subo ko ay kaunti. Pangalawa, tumikim muli ako. Pangatlo, hindi ko na napigilan basta masarap ito. Pang-apat nang...

"Hoy! Sabi mo hindi ka gutom! Tapos grabe ka ha. Nahiya ka pang ubusin to eh no."

Basta talaga sa paborito niyang pagkain ay madamot ang isang tao.

"Kaya hindi ako naniniwala sayo. Madalas kang clowning lalo na sa pagkain." Sabi nito saka tumawa.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa sinasabi nilang malaparaiso. Iniwan kami ng driver dahil kailangan daw siya ng kanyang Misis. Babalik na lang daw kapag natapos na kami. Kakilala naman siya ni Yuta kaya hinayaan namin si Manong saka mukha namang urgent ang paalam nito.

"Tignan mo nga naman! Kahit saan eh iba ang dating ng isang Latrelle Aurelius." Sabi niya nang tinanggal niya ang shades ng kanyang mga mata. Humangin naman ng malakas kaya napuwing siya.

"Ang sakit!!" Palirit nito na parang babae. Pinagtawanana siya ng mga babaeng dumadaan.

"Marcus! Hipan mo!" Utos niya sa kaibigan niyang abalang nakikipag-usap kay Yuta tungkol sa iba't-ibang pasyalan na katulad ng lugar na ito.

"Marcus!" Pero hindi pa rin siya pinapansin ng kaibigan niya.

Sa kabilang banda ng pasyalan ay tinignan ko sina Sasha. Sabi nila ay magbabanyo lang daw sila pero kanina pa silang hindi nakabalik. Ano na kayang nangyari sa mga yon?

Pati rin si Jez. Hindi kaya nagtampo siya dahil muntikan ko ng maubos ang chichirya niyang dala. Pero ang babaw naman. Ang mga Dyosang katulad namin hindi nagtatampo sa maliliit na bagay.

Sa kabilang parte ng kalsada ay mayroon pamilyar na kotse na bumaba.   Bumukas ang unahan nito at ngumiti sa akin si Wyndery na nakasaklob. Maganda ang ngiti niya katulad ng suot niyang kulay dilaw na T-shirt na binagayan niya ng faded ripped shorta at tsinelas.

"Kaoree! Masakit ang mata ko! Pansinin mo ko!" Pagsusumamo ni Latrelle. Hanggang ngayon ba naman hindi niya pa rin maalis ang puwing sa kanyang mga mata.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon