Yuan
Maaga akong nagising dahil sa masamang amoy na hindi ko matukoy kung saan galing.
Nang binuksan ko ang pinto ng aking kwarto ay napabulaslas ako. Ilang mura ang nagawa ko sa aking isip ng makita ang basang katawan ni T.H.
Mula sa buhok niyang basa naglakbay ang tumulong tubig pababa ng dibdib niya hanggang sa umabot sa dulo ng tuwalya niya.
Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok habang pinagmamasdan siyang magtuyo ng buhok gamit ang puti niyang tuwalya. Sumasabay sa bawat galaw ng braso niya ang pagflex ng kanyang muscles.
Nag-init ang pisngi ko kasabay ng pakiramdam na para bang malalagutan ako ng hininga.
Nagkatinginan kami kaya't ilang beses akong kumurap.
Napaatras akong bahagya sa aking likuran hanggang sa sumandal ako sa pinto ng aking kwarto.
Lumapit unti-unti ang mukha niya saka hinawakan ang baba ko. Dala ng tensyon ay humawak ako sa magkabilang side ng shorts ko. Mas lalong humigpit iyon ng tinitigan niya ang labi ko.
Bakit ba siya ganito?!
Pwede namang hindi ako dahan-dahanin! Biglain niya na lang dahil para bang natutunaw ako sa ginagawa niya.
"May panis na laway ka" at iniwan niya kong nanlambot sa aking kinatatayuan.
Pwede niya namang sabihin iyon ng hindi lumalapit sa mukha ko ah?
Pwede naman 'di ba?
Bakit kailangan pang baliwin niya ko?
Humawak ako sa dibdib ko dahil sa tindi ng tibok ng puso ko.
Inhale. Exhale. Kumalma ka, Kaoree.
Kung anu-ano na naman 'yang nasa isip mo.
"Good morning, Kaoree!", nagulat ako ng sumulpot si Latrelle sa harap ko. Himala na tinawag niya ko sa aking pangalan.
Bakit kaya ganito sila ngayong araw?
Parang mga ulam silang nakabalandra . Paano ba naman ay half-naked siya at shorts lang ang suot nito. Nakasabit ang towel sa kanyang braso.
Bakit hindi na lang sila maligo sa ibaba? Bakit dito pa sa C.R na ito kung saan malapit ang kwarto ko?
"Bakit parang gulat ka sa kwapuhan ko? Nakahawak ka sa dibdib mo" mapang-asar niyang sabi.
"Hindi ka kagulat-gulat", sabi ko saka nilampasan siya.
"Eh bakit namumula 'yang mukha mo?" ngumisi siya.
Hindi ko na lang siya pinansin pero inabot niya ang braso ko. Parang demonyo ang ngiti ng hinapit niya ko palapit sa kanya.
Napapikit na lang ako saka huminga ng malalim.
Ano bang meron ngayong umaga at gustong-gusto nilang lumapit sa akin? Tapos ganyan pa ang itsura nila?
Gosh! Sasabog yata ang matres ko.
"Wala akong panahon makipag-asaran sa'yo", confident akong nakipagtitigan sa itim niyang mga mata. Kitang-kita ko ang repleksyo roon. Kitang-kita ko ang kagandahan ng mukha ko.
"Gusto ko lang naman makipagdate sa'yo", kumindat siya sa sa akin. Tinulak ko siya na hindi ko akalaing ibayong lakas ang ginamit ko.
Hinapit niya ang tagiliran ng damit ko kaya parehas kaming tumumba sa sahig.
Babangon sana ako pero ni-lock niya ko gamit ang kanyang mga paa.
"Ano ba, Latrelle!?" Nagwawala ako habang hagalpak siya sa tawa.
"Subukan mo!" Halakhak niya.
"Sabihin mo munang ang gwapo ko!" para siyang bata sa ginagawa niya ngayon.
Tumataas ang presyon ng dugo ko.
"Ang panget mo!" sabi ko. Imbis na pakawalan niya ko ay hinapit niya ko. Sinuntok ko siya sa dibdib pero imbis na siya ang masaktan ay ako ang nasaktan.
"Latrelle" ang boses niya ay malambot sa aking tenga. Hindi ko siya malingon pero alam kong kay Wyn ang boses na iyon.
"Latrelle", muli niyang sambit pero parang walang naririnig ang kaibigan niya. Habang ako naman ay nag-iisip kung paano makawala sa kanya.
Pilit kong tinuon ang dalawa kong kamay sa sahig saka buong lakas na tinaas ang katawan ko pero wala pa rin akong magawa.
"Latrelle, hindi maganda 'yang biro mo" saka lang ako nakahinga ng maluwag ng pinakawalan niya ako.
Sumandal ako sa pader habang sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim.
"Wyn, salamat." sabi ko.
"Iniintay ka ni Marcus sa kwarto niya" sabi nito kay Latrelle bago sa akin humarap.
Lumuhod siya upang magpantay kami."Ayos ka lang ba?" inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko.
Tumango ako habang pinipigilan ang kilig. Naalis ang pusod nito dahil sa ginawa ng baliw na lalaking iyon!
"Liligo na muna ako. Buti na lang madali kong nauto si Latrelle" mahina siyang tumawa.
Aww! May gano'ng side pala si Wyn!
Akala ko ay isang daan porsyento ang pagiging seryoso niya.
Bumaba ako sa kusina upang magluto. Halos tumalon ako ng makitang may nakaupo sa pwesto ni Marcus. Hindi ko alam kung sino siya. Nakatalikod siya mula sa pwesto ko.
Dahan-dahan akong kumuha ng vase saka lumapit.
Ang lakas ng loob ng magnanakaw na ito! Nakiupo pa sa kusina para magmeryenda!
Nang ipupukpok ko sana sa ulo niya ang vase ay nahawakan nito ang kamay ko matapos niyang tumayo ng mabilis.
Lumunok ako ng ilang beses tila naging estatwa ako dahil sa paninigas ng katawan ko.
"Sino ka?", baritono ang boses niya. Umigting ang panga niya.
Mahaba ang pula niyang buhok, makapal ang kilay, may pagkasingkit ang mga mata niya, matangos ang maliit niyang ilong, at ang labi niyang manipis ay mukhang malambot.
"Pasensya ka na, Yuan! Si Kaoree 'yan! Kaibigan ko saka kasambahay namin!" masayang sambit ni Jez na may hawak na tasa.
Humigop siya roon saka nilagay iyon sa lababo.
Binitiwan ng lalaki ang kamay ko.
"Yuan, si Kaoree. Kaoree, si Yuan, pinsan ni Marcus", masayang sambit ni Jez.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Kung kanina ay mukha siyang matapang. Ngayon ay mukha siyang maamong tupa.
"Nice meeting you. Ako si Yuan, mahiyain", aba parang pagpapakilala lang tuwing may Geb ng clan ah.
Nakipagshakehands ako sa kanya.
"Kaoree, isang magandang nilalang" tumawa siya sa sinabi ko.
"Siya 'yung tinukoy ko sa'yo last time. Gwapo 'di ba?" bulong ni Jez sa akin.
Hindi ko naman akalain na pinsan siya ni Marcus. Masyadong malayo ang mukha nilang dalawa. Sa hilatsa palang ng shape ng mukha niya ay iba. Payat kasi ang mukha ng isang ito saka mukha siyang buhay na anime.
"Uy! Yuan!", sumulpot si Latrelle sa harap namin kasama si Marcus.
Humalumbaba ako habang pinagmasdan siyang lapitan si Latrelle. Nagyakap sila na panglalaki.
Close rin pala sila. Sabagay, pinsan siya ni Marcus kaya close rin siya kay Latrelle.
Pero ang hindi ko tanong ng isip ko. Bakit pamilyar siya sa akin?
----#HIOR-----
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomantiekSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...