Pasa
"Sarap ng tulog? Feeling prinsesa?" sarkastikong sambit ni Jez. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa balikat niya.
Si T.H naman mahimbing ang tulog habang nakapulupot ang binti nito sa isa kong binti.
Si Wyn ay nakaunan naman sa braso niya habang naka-earphones. Samantalang ang dalawa sa unahan ay nauna ng bumaba sa sasakyan.
"Gising na guys! Nandito na tayo!" aniya Jez saka lumabas ng sasakyan.
Nagpaypay siya gamit ang kanyang mga kamay. Inabot ko sa kanya ang bag nito kaya naman nagmadali siyang magretouch.
"Akala niyo naman Baguio ang pinuntahan natin at ganyan kayo makatulog" dagdag pa ni Jez.
Sina Marcus at Latrelle naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga forest ranger na nakabantay.
May ilang grupo ng kababaihan ang hindi maiwasan tumingin sa mga kasama ko lalo na nang lumabas si T.H mula sa sasakyan. Gulo man ang buhok niya ay takaw-pansin siya sa mga kababaihan.
Matapos makipag-usap nina Latrelle at Marcus. Kumuway sa kanila ang ilang babae at nakuhang magpapicture.
"Instant celebrity?" kahit kailan ay atribida talaga itong si Jez.
"Gano'n talaga pag-gwapo hindi ka na nasanay" pagmamalaking sambit ni Latrelle.
Lumapit ang iba kay Wyn para magpapicture. "Ayos lang ba?" tanong niya.
Supportive girlfriend here I mean supportive maid here kaya hindi ako tumanggi.
Hindi katangkaran ang babae kaya hanggang balikat lang siya ni Wyn. Kulot ang buhok nito at may bangs. Ang sagwa niya tignan! Real talk.
Nakasando siyang kulay asul at nakaleggings.
Sa unang kuha normal lang. Magkatabi lang sila. Sa pangalawa ay sandaling may pagtaas sa presyon ng dugo ko. Paano ba naman nakahawak siya sa braso ni Wyn.
Sa pangatlong kuha ay hindi ko siya sa sinama. Half-body lang ni Wyn ang kinuhanan ko para hindi makita ang malanding ito.
"Salamat, Ate!" masaya niyang sambit. Pakendeng-kendeng siyang bumalik sa kanyang mga kasama.
Umismid na lang ako. May lumapit na isa pang babae kay Wyn kaya dumistansya ako. Nang napansin kong naghahanap sila ng photographer ay tuluyan akong lumayo.
Mga mang-aagaw!
Ito namang si Wyn napakaganda ng ngiti habang pinipicture-ran siya ng ibang babae.
Break na kami! Joke. Wala palang kami.
Sumandal na lang ako sa kotse habang pinagmamasdan ang limang lalaki. Hindi ko mapigilan tumawa ng kumunot ang noo ni Jez.
Hindi kasi sinasadyang madali ng babae ang braso niya. Lumagpas tuloy ang pagkakalagay ng eyeliner nito.
"Sorry, Kuya!" wika ng babae. Isa siya sa tila nakapila sa pagpapapicture kay Marcus.
"Kuya ka dyan! Eh kung hinihila ko 'yang buhok mo!" Umikot ang mga mata ni Jez. Lumayo na lang ang kaibigan ko sa tumpukan.
Sa isang banda naman ay gano'n din si T.H tila hindi maganda ang araw niya ng nilapitan siya ng apat na kababaihan.
"Sayang naman! Ikaw pa naman 'yung pinakagwapo sa kanila!" maarteng sambit ng babaeng nakaheadband at itim na itim ang suot niya.
"Hindi mo ba ko tanda? Schoolmate tayo!" dagdag ng kasama niyang nakapony tail.
Imbis na ikatuwa ito ni T.H ay mas kumunot ang noo niya. "Wala akong pakialam"
Nagwalk-out ang lolo niyo. Pumunta siya malapit sa pwesto ko. Sumandal siya sa kotse habang ang isang paa niya ay nakakrus. Iritado siya habang nagkakamot ng noo.
Hindi sinasadyang mapatingin siya sa pwesto ko kaya umiwas na lang ako ng tingin. Baka madamay ako sa pagkainis niya. Mahirap na.
"Tara." Hindi pa man ako nakasasagot ay hinila niya ko papunta sa nagbabayad ng entrance fee.
"T.H! Sandali lang!" sabi ni Jez na hindi pa yata tapos sa pag-ayos ng kilay niya.
Si Latrelle naman ay parang pulitiko ng nakipagkamay siya sa mga kababaihan bago sumunod sa amin.
Si Wyn ay todo ang pagbigay paumanhin sa mga babaeng naghintay para makapagpapicture sa kanya.
Samantalang si Marcus ay tagabitbit ng mga gamit kaya bumalik ako para tulungan siya.
"Salamat. Inip na siguro si T.H kanina pa" tumango ako sa sinabi niya.
Nang makapasok kami sa loob ay puro halakhakan agad nila ang bumungad sa mga hikers na kasabay namin. Paano kasi ay binalikan ng lima ang pagkabata nila. Minsan ay nakikisali si T.H pero madalas ay tahimik siya.
Nasa unahan sina Marcus at Latrelle habang ang nasa pinakahuli. Matagal na rin simula ng naglakad ako ng malayo idagdag pang matirik ang bundok na ito kaya mabagal ako.
"Uy! Lugaw girl!" tawag sa akin ni Latrelle. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao.
Namula ang pisngi ko baka may makadiscover sa akin na talent scout.
Tumigil sila sa paglakad samantalang si Latrelle ay binalikan ako.
Taka naman kami kung anong gusto niyang gawin. Seryoso kasi ang mukha nito.
Pumunta siya sa may likuran ko at tinulak ako. "Simulan mong maglakad. Ako ang gabay mo"
"Kaya ko na!"
"Makiisa ka na lang. Maraming babaeng nakatingin sa akin kunwari gentleman ako", bulong niya saka humagikhik.
Diniinan ko ang paa ko sa lupang kinatatayuan ko. "Ayoko nga! Gagamitin mo pa ko!"
"Parang hindi tayo close ah", para siyang babae kung mag-inarte. Pinagtaasan niya pa ko ng kilay.
Sa sobrang awkward dahil pinagtitinginan kami ay pumayag na lang ako. Nakarating kaming flat rocks na gano'n ang ginagawa niya. Kung minsan ay nakikipagkulitan siya kay Marcus kaya nadadamay ako sa kanila.
Pinaghihigitan ako ng dalawa na parang bata.
Lumapit sa akin si Wyn matapos namin mamahinga. Mayroon kasing pahingahan sa bundok na ito. Ito 'yung lugar kung saan pwedeng kumain ang hikers at magpalit ng damit. Ang alam ko ay may banyo rito.
"Ayos ka lang ba?" Para siyang anghel.
Ngumiti akong sikreto. Pinagmamasdan niya ang braso ko.
"May mga pasa ka..." sabi nito saka hinawakan iyon.
Nanigas ang buong katawan ko ng dahil sa ginawa niya. Napalunok na lang ako ng laway.
"Sa akin ka na lang sumabay" tumayo siya matapos makitang lumabas si Jez mula sa comfort room na halos kainin na ng lumot.
"Maiwan na kita" paalam nito.
Impit akong tumili saka pinagpapadyak ang mga paa ko sa ilalim ng mesa.
Dapat sigurong padamihin ko pa ang pasa ko ng mahawakan niya ko ulit.
Bigla namang may bote ng yelo na nasa harap ko. Unti-unti kong iniangat ang aking ulo.
Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ilagay mo..."
Kumunot ang noo ko ng hindi ko nakuha ang sinabi niya. "Dyan..." tinuro niya ang pasa ko saka siya bumalik sa kanyang kinauupuan para ipagpatuloy ang pagkamit.
"Uh... T.H!" hindi gaanong malakas na sigaw.
Tumingin lang siya. "Sa...salamat!"
----#HIOR----
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...