61

34 2 1
                                    

Mahal Kita

May mga bagay na gusto kong maintindihan. Hindi ko maunawaan anong gusto ni T.H na ipahiwatig sa akin. Sa bawat salita niya at sa pagkilos niya. Gusto kong malaman ano bang gusto niya? Bakit kailangan magmukha akong baliw kakaisip kung anong totoong nararamdaman niya sa akin?

Ang malalim niyang paghinga ay ramdam ko habang nakahiga ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinagmamasdan naming dalawa ang mga taong kanya-kanyang gumagawa ng bonfire at tent. Malakas ang halakhakan ng ilan sa kanila. Ang iba naman ay katulad namin. Tahimik lang at gustong mapag-isa habang nakatambay sa lilim ng puno.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkilos ni T.H kaya naman umayos ako ng upo. Bumangon siya para titigan ng maayos ang buwan. Para bang may mukha iyon at nakangiti sa aming dalawa. Katabi niya ang mga bituin na lalong nagbigay kagandahan sa kanya.

Para bang inabot ni T.H ang buwan saka gumuhit ng hugis puso gamit ang mga bituin. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Medyo weird. Bakit kaya ginawa niya iyon?

"May gusto ka bang kausapin?" Tumingin siya sa akin. Malungkot ang itim niyang mga mata. Pakiramdam ko ay may kung anong bagay na tumusok sa akin.

Ngumiti lang siya saka tinitigan muli ang buwan. 

Siguro hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Sa amin kasi ni Jez kapag may gusto kaming kausapin at wala na rito sa lupa ay para bang hahawakan naman ang buwan. Matapos nito ay guguhit kami ng hugis puso para lang makarating ang mensahe sa kanila. Tinuro sa akin iyon ni Jez. Nu'ng namatay ang lolo niya nu'ng highschool siya madalas namin gawin iyon. Malapit si Jez sa lolo niya. Katunayan nga, isa ang matanda ang unang taong nakaalam ng tunay na pagkatao ng kaibigan ko.

"Kaoree…" Tumingin siyang muli sa akin. 

"Nasaan na ba 'yung dalawang 'yon! Kaloka!" Rinig kong sambit ni Jez. Malamang na nagkakamot na ng ulo ang isang iyon. 

"Bakit niyo pinabayaan ang bebe loves ko!!" Aniya Latrelle at sumunod na narinig ko ay dabog ng paa.

Bumalik ang atensyon ko kay T.H ng sandaling tumahimik ang mga kasama namin.

Unti-unting lumapit ang mukha niya habang ang puso ko naman ay parang sasabog na dahil sa kaba. Dahan-dahan na humaplos ang parehas niyang kamay sa magkabila kong pisngi. Mainit at malambot iyon na tila ay pinapaso ako. Mabilis na dumaloy ang kuryente sa buo kong katawan ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Naghabol-hininga siya at hindi makatingin ng diretso siya sa akin. Gusto kong tanungin siya kung para saan iyon pero hindi ko magawa. Ang Dyosa mo sa part na yan, Kaoree! Ikaw na talaga! Isang Thaddeus Manzriel lang naman ang humalik sayo'ng haliparot ka.

Winner na!

"Nakita ko na sila!!!" Bulalas ni Jez. Hindi man siya gano'n kalapit sa amin pero sapat na ang distansya niya upang makita ko ang reaksyon ng mukha niya. Masayang-masaya ang mga mata niya habang dahan-dahan na lumakad papunta sa amin. 

"Mahal kita, Kaoree." Sabi ni T.H saka naunang bumalik sa bahay-kubo. Pinagmasdan ko siyang lumakad ng mabilis at hindi manlang ako tinignan sa huling pagkakataon.

Sinampal ko ang sarili ko ng ilang beses ng masigurado kong wala na siyang tuluyan sa paningin ko.

"Bakit mo sinampal ang sarili mo? Anong kagagahan ang umiral sa kokote mo, girl?"  Nakapamewang si Jez sa harapan ko at nakataas ang kilay niya.

"Cheek massage. Hindi ka na inform? New way of masssage to' para pumayat ang pisngi at maging perfect ang jaw line." Pagsisinungaling ko.

"Palusot ka pa! Eh, kinausap mo lang naman si T.H tapos may sinabi siyang masakit sa'yo kaya gusto mong matauhan sa kagagahan mo." Sabi ni Jez with full of confidence.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon