32

38 5 1
                                    

Paint

Pinuno ang limang araw ko ng pagpra-practice namin ni Aviel. Mabuti na lang at magaling siyang maggitara saka kumanta.

Dito kami malimit magpractice sa kanila dahil ang Mama nito ang naggu-guide sa amin sa pagkanta.

Matapos niya kong abutan ng tubig ay sumulpot si Latrelle sa harapan ko kasama si Marcus. May dala silang meryenda.

Saktong wala ang mga magulang ni Aviel ay wala ngayon. Tanging siya at kapatid niyang bunso lang ang nandito kaya wala kaming meryenda.

Binaba ni Latrelle ang dala niyang basket saka inilabas ang pamilyar na tupper ware.

Umupo naman si Marcus doon saka naunang kumuha ng cup cakes.

"Pareng Aviel, kain!" pa-feeling close itong si Latrelle. Minsan niya na kasing nakausap ang lalaki ng dalawang beses kaming magpractice sa bahay ng limang lalaki.

"Salamat!" aniya Aviel saka sumenyas na pumunta kami roon.

Kumuha ako ng cupcake at tila may nagbalik sa alaala ko. Tumigil ako sandali kaya tumigil din si Marcus sa pagkain.

"Ayaw mo ba? 'Di ba malakas kang kumain?", sabi nito na sadyang kinasingkit ng mga mata ko.

"Sa akin ba talaga to'?" naalala ko kasi 'yung kinain ko ang hindi para sa akin.

Taka naman siyang tumango saka nilagay ang spaghetti sa harap ko. Bakit ang dami naman yata nilang pagkaing dala?

Mayroon pang leche flan, ube saka ice-cream. Ano ba to' fiestahan?

"Oo, dinalhan ka namin. Abala ka kasi sa practice mo eh. May hindi ka naalala", sabi nito habang nagpupunas ng tissue.

Si Latrelle ay naglaro ng bola sa maliit na court nila Aviel. Mabuti naman na abala siya roon kaysa kulitin ako.

"Ano ba 'yun?" sabi ko.

Umismid siya saka nagpatuloy sa pagkain. Kumain na lang din ako at hindi inaalala ang sinabi niya. Nag-usap kami ni Aviel sa kung paano ang magiging sagot namin sa pageant.

May kunong questions na ginawa ang Mama niya para makatulong sa amin. Supportive ang Mama niya sa kanya.  Habang palapit ng papalapit ang pageant ay kinakabahan ako. Dalawang araw na lang ay isasalang na kaming dalawa.

"Wow? May handaan?" sabi ni Melissa matapos na ibaba ang shoulder bag niya sa upuan na katabi ko.

"Muntik kang ma-late", ngumuso ako. Ka-grupo ko si Melissa sa isang subject kung saan magrereport kami kasama si Aviel. Si Wanwan ay dapat sanang sa amin kaso pinalitan ni Ma'am, kaya si Sasha ang naging ka-grupo namin.

"Nasaan si Sasha?" tanong ko sa kanya. Pero imbis na unahin ang pagsagot ay kumuha siya ng pagkain..

Nagngitian sila ni Marcus. Ay? May ngitiang nagagaganap? Hindi ako na inform tungkol dito.

"May fiestahan ba rito?" tanong ni Melissa matapos na maginhawang umupo. Inayos niya ang asul niyang blusa at niluwagan ang sinturon niya.

"Wala naman. Kumain lang kayo" aniya Marcus na ngayon ay abalang naglalaro ng Mobile Legends kasama si Aviel.

"Ano kayang oras darating si Sasha?", gusto ko sanang matapos agad ang gagawin namin kaya gano'n na lang ang pag-alala ako. Alam ko namang matalino siya pero hindi valid reason na hindi siya pumunta.

Huling usap namin kanina ay magpapasalon siya kaya hindi siya makakapunta.

"Speaking of the devil", ngumuso si Melissa kung saan nandoon si Latrelle.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon