67

30 1 1
                                    

Rides

Tahimik na magkatabi ang dalawa. Gusumot ang mukha nila na parang isang papel. Habang ako ay umunang um-order sa kanilang dalawa. Nakasuot ng salakot ang mga serbidor at nakabarong ang mga ito habang mga babaeng nasa counter ay nakasaya. "Sinigang po at ginataang alimasag ang sa amin saka calamansi juice. Pakidagdagan na rin ng sorbetes."

"Ano pong flavor ng sorbetes, Ma'am?" Aniya ng serbidor habang sinusulat ang order ko.

Tinignan ko ang kanilang menu. "Keso na lang." Malapad ang ngiti ko.

"I'll pay for this one." Nilapag ni T.H ang kanyang credit card sa mesa. Ngumuso si Latrelle.

"Pabida naman." Bulong ni Latrelle sa kanyang sarili.

"Pasensya na po Sir sa ngayon po ay cash lang ang tinatanggap namin." Nagliwanag ang mukha ni Latrelle na para bang nanalo siya sa lotto. Maglalabas sana siya ng kanyang pera pero di hamak na mas mabilis ang kamay ni T.H.

"Four thousand lang po lahat, Sir." Nanlumo ako sa sinabi ng lalaki. Ilang beses akong lumunok. Akala ko pa naman ay mura rito. Pero parang literal akong napamura sa aking isip.

Wala namang sinabi ang dalawa tungkol sa presyo. Habang naghihintay kami sa order ay nagkwentuhan kaming tatlo tungkol sa mga nangyari sa eskwelahan. Hindi ako makarelate sa sinasabi nila dahil iba ang unibersidad na pinapasukan ko. Hindi hamak na mas maganda ang pinapasukan nilang dalawa. Nakahalumbaba lamang ako habang nag-uusap sila.

"Laughtrip kay Wyn, T.H! Nadulas sa field habang naglalaro kayo!" Abot ang ngiti ni Latrelle sa kanyang tenga.

Si T.H naman ay pasimpleng sinipa ako ng mahina sa mesa. Tinitigan ko siya at sumenyas siyang tignan ang ilalim ng mesa. Nakaabang ang kamay niya roon. Hinuli niya ang kamay ko at hinawakan sandali iyon saka gumuhit ng puso sa gitna ng palad ko. Mabilis kong binawi iyon dahil baka makahalata si Latrelle.

"Palagi namang gano'n si Wyn. He's clumsy." Maikling sagot ni T.H. 

Gusto ko sana siyang mapanood kung paano siya manood magsoccer pero nahihiya naman akong magtanong. Ang kwento sa akin ni Marcus ay maraming sports daw na alam itong si T.H pero mas nagfocus siya sa soccer. Talagang magaling si T.H sa basketball pero mas pinili nitong maggive way kay Latrelle. Ayaw niya ng kumpetisyon sa pagitan nilang magkakaibigan.

"Anyway, there's a person here that is more clumsy than Wyn." Aniya T.H. Alam kong ako iyon. Tinukoy niya siguro ang nangyari noon. Isa sa mga bangungot ng buhay ko.

"Kung hindi ako tinalapid ni Wanwan. Hindi iyon mangyayari." Depensa ko sa aking sarili. Sa tagal naming naging batang kalye ni Jez ay bihasa na ko sa takbuhan. Hindi katulad ni Jez na puro pagpapacute sa mga lalaki naming kalaro ang ginagawa niya kapag naglalaro kami.

"Ito na po ang pagkain niyo mga Sir and Ma'am." Nanlaki ang mga mata ko sa laki ng alimasag. Masarap ito!

"Hinay-hinay lang Kaoree. Hindi ibig sabihin na libre eh dadamihan mo ang kain. Magpakita ka naman ng kaunting alam mo na…" Aniya Latrelle. Panira ng moment.

"Akala ko ba date ang pinunta mo para kunin ang loob ko? Pero bakit walang preno ang bibig mo?" Umikot ang mga mata ko sa kanya. Humalakhak siya.

"Sa panliligaw stage dapat totoo ang pinapakita ng lalaki sa babae kaya ito ako. Nagpapakatotoo sayo." Kinindatan niya ko na naging dahilan ng pagtaas ng balahibo ko.

Pinili ko na lamang manahimik upang makapagsimulang kumain. Binigyan ako ni T.H ng kanin sa aking plato. Habang si Latrelle naman ay pinagsandok ako ng sabaw ng tinola. Para ko silang mga katulong dahil sa ginagawa nila. Pero hinayaan ko na lamang sila. Bilang pahabol sa order ay nagtake out ako ng alimasag na dadalhin ko pauwi para sa mga kasama ko. 

Matapos ng pagkain namin ay dumiretso kami sa isang amusement park. Kalhating oras ang biyahe kaya naman ready na kami sa adventure na aming pupuntahan. Napagpasyahan ni Latrelle na si T.H ang magdrive kaya ayon at nakatulog siya. Kung hindi pa namin siya tapikin ay hindi siya magigising. Marahil ay malalim ang panaginip niya dahil nagsasalita siya.

Pumasok kami sa amusement park at syempre libre iyon ni Latrelle. "Saan niyo gustong sumakay!?" Parehas kong sinabit ang magkabila kong kamay braso nilang nakakrus.

"Kahit saan!" Palaban nilang sagot.

"Okay! Kahit saan! Tara na!" Nauna akong pumunta sa unang ride na balak kong sumakay kasama sila. Hinabol nila ako. 

Ang mga tao sa paligid ay pinagtitinginan sila at pasimpleng pinipictureran. Ang ilan sa kanila ay nagtanong ng number sa dalawa pero bigo silang nakakuha ng chance.

"Sigurado ka dito?" Nakangangang sambit ni Latrelle habang pinagmamasdan ang pagbaba at taas ng mga taong nakasakay sa mataas na mahabang tower.

Lumunok siyang bahagya at pinagpapawisan ang kanyang noo. "Oo naman! Teka. Ikaw ba T.H?Ayos lang ba sayo?"

"H-huh? A-ako?" Tinuro niya ang kanyang sarili. Tumango ako ng dahan-dahan at malawak na ngumiti ang pula kong labi sa kanya.

"Okay naman sa akin. Walang problema." Nanginginig ang labi niya.

Umuna ako sa kanila na pumasok at hinigit ko sila. Mabuti na lamang at kaunti lang ang minuto na sumasakay ang mga tao sa ride na ito kaya apat na turns lang ay kami na ang sumunod.

Pinagtanggal kami ng sapin sa paa at siniguradong walang laman ang aming wallet bago kami pinagseatbelt. Sa tagiliran ng mga mata ko ay nakita kong bumulong ang dalawa sa isa't-isa. Naghawak kamay sila at nagsign of the cross."Huy! Ano yan ha!"

Nagbitiw ang kamay nilang namumutla ng sinaway ko sila. "Ayos lang ba kayo?"

Nagthumbs-up sign sila at ngumiti. Nag announce na magsisimula ng umandar ang ride kaya naman tahimik ang lahat. Mahigpit ang hawak ko sa aking seatbelt at cover ng aking katawan. Unti-unting tumataas habang natagal at tumigil sandali sa itaas. Kitang-kita ang halos buong paligid ng lugar at sumigaw ang lahat ng biglang bumaba ito kasabay ng pag-ikot nito sa gitna ng mahabang poste.

"Ang saya!!! Thank you sa libre! Whoa!" Sigaw ko. Tinignan ko ang dalawa ngunit para silang manika na hindi manlang gumagalaw. Wala silang reaksyon at tila nakatulala sila sa walang hanggan.

Isang minuto ay bumaba na kami. Mabilis kong nilapitan ang dalawa matapos kong magsuot ng aking sapatos. "Huy! Ano! Nakakaenjoy di ba!" Tinapik ko sila sa braso.

"Oo. Sobra." Tamlay na sambit ni T.H at gulo ang kanyang buhok.

"Parang kailangan kong magbanyo." Sabi ni Latrelle.

Kumunot ang noo ko at napakamot sa ulo. "Ako rin. Pasama ako!" Aniya T.H. Magtatanong sana ako kung anong problema pero bago ko pa man magawa iyon ay mabilis silang nawala sa kinatatayuan nila.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon