33

41 5 3
                                    

Good luck Kiss

Ito na 'yung araw na pinakahihintay ko. Gumising akong maaga para ayusan ni Jez. Umunat ako ng kaunti para makundisyon ang katawan ko matapos nito ay huminga ako ng malalim.

Mabuti na lang at walang pasok si Wyn ngayong araw kaya siya muna ang namahala sa gawain ko tuwing umaga.

Humahangos si Jez ng pumunta sa kwarto ko. Siya pa ang excited kaysa sa akin.

"Girl,anong oras na?! Dali! Maligo ka na!" Hinigit niya ko papasok ng banyo kasama ang aking towel.

Pinaghalong-kaba at excitement ang naramdaman ko ngayon kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa shower. Hindi ako naglalagay ng conditioner sa buhok pero para dumulas ay nilagyan ko. Nag h-hum ako habang kinukuskos ang bawat sulok ng aking katawan.

Nang lumabas ako sa banyo ay sakto rin ang paglabas ni Marcus. Singkit ang mga mata niya at kinuskus iyon.

Ngumiti siya na kasing liwanag ng umaga. "Good morning, Kaoree. Good luck!"

"Salamat!"

"Galingan mo. Saka dapat ikaw ang pinaka maganda sa kanila!"

Tinaas ko ang kilay habang nakapamewang. "Oo naman no! Walang makakatalo sa pagiging Dyosa ko."

Umismid na lang siya saka bumaba sa kusina ng sinalubong siya ni Latrelle. Mukha namang hindi ako napansin ng isang iyon dahil hindi ako binati.

Pumasok ako sa kwarto at nandoon si Jez na sinaksak ang hair dryer.

"Pambahay muna ang suotin mo okay. Magpatuyo ka ng buhok bago ka bumaba para kumain" paalala nito saka sinarado ang pinto.

Mabilis kong ginawa ang sinabi nito pero bago ako bumaba ay tinitigan ko muna ang family picture namin nina Mama at Papa. "Sayang, Ma, Pa! Hindi niyo makikitang rumampa ang pinakamaganda niyong anak!"

Humagikhik ako. Wala akong time umiyak ngayon kaya 'yun lang ang sinabi ko.

Nagvibrate naman ang phone ko.

Lucky
Good luck,Ate Kaoree! Pinasasabi ni Lola galingan mo raw!

Oo naman! Thank you!
-Sent

Nang bumaba ako papunta sa kusina ay kumpleto na ang limang lalaki. Tila ba artistahin ang dating ko. Idagdag pa ang hangin effect na nanggaling sa electric fan.

"Lugaw girl, ililibre kita mamaya pagnanalo ka" sabi ni Latrelle saka kinindatan ako.

"O, sige. Kahit ano ha!" Kailanman ay hindi ko tatanggi sa libre lalo na kung siya ang nag-alok. Babawian ko siya sa mga ginawa niya sa akin.

Ngumisi akong lihim. Umupo ako katabi ni Jez. Inabot sa akin ni Wyn ang kanin. Kagaya ng nakasanayan ay maamo siyang ngumiti sa akin.

"Good luck. Kung hindi ka man manalo ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat"

Lumingon ang lahat sa sinabi niya kasabay ng paglaki ng kanilang mga mata. Nabitiwan ni Marcus ang kubyertos niyang hawak at gano'n din si Latrelle na halos tumulo ang laway.

Hinipo niya sa noo ng paulit-ulit si Wyn. "Baka may sakit ka? Ikaw pa ba 'yan?"

Maliit ang kanyang naging pagtawa bilang sagot.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan tignan si T.H. Normal naman na tahimik siyang kumain na tanging maingay lang sa kanya ay ang pinggan pati ang hawak niyang tinidor at kutsara.

Ilang minuto ko siyang lihim na tinignan kaya nagtaka ako dahil bakit parang iniintay ko siyang sabihan din akong good luck?

Inalog ko ang ulo ko saka nagpatuloy sa pagkain. Matapos ng maikling salu-salo para sa umagahan ay nagkanya-kanya na ang lahat sa pagpasok sa eskwelahan.

"Manonood ako pagtapos ng first subject namin. Bye!" sabi ni Marcus matapos na manggaling sa kwarto ko.

Sinimulann ni Jez na i-curlers ang buhok ko habang nilagyan niya ko ng make-up.

"Pipilitin kong makahabol", ngumiti si Wyn matapos na sambitin ang mga salitang iyon sa malambing na paraan.

Halos mapapikit ako dahil parang lullaby iyon sa aking tenga.

"Girl, kakatulog mo lang parang inaantok ka na agad", aniya Jez.

"Hindi ah!"

Isang oras at kalhati ay natapos din kami ni Jez. "Sakay na Prinsesa", anyaya ni Jez matapos na pagbuksan niya ko ng pinto ng kotse ni T.H.

Akalain mo 'yun inintay niya pala ko. Napaisip ako kung may pasok ba siya ngayong umaga.

Habang nasa kotse ay nagvocalize kami ni Jez. Puno ng tawa ang ilang minuto naming pagsakay roon. Paano naman kasi ay hindi ko napigilang pumiyok.

"Huwag kang masyadong tensyonado" gulat ako sa ng pinaalalahanan ako ni T.H ng pinagbuksan niya ko ng pinto.

Inayos niya rin ang ilang hibla ng buhok ko. Ang bawat pagdikit ng daliri niya sa balat ko ay tila dahilan ng pagkapos ng aking hininga.

"Nasaan na kaya 'yung prinsipe mo?" nag-aalala sambit ni Jez sa likuran ko. Hindi siya mapakali dahil kanina pang hindi sumasagot si Avier sa chat ko.

"Kaoree—" naputol ang dapat sanang sasabihin ni T.H dahil sa pagsulpot ni Latrelle.

Aba! Bakit siya nandito at kasama pa si Marcus? Tapos na agad ang klase nila?

"Nandito ang prinsipe mo!" sabi ni Latrelle na parang batang nakipag-espadahan ng ballpen kay Marcus.

Hindi ko naman siya pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa gustong sabihin ni T.H. Nagbutil ang pawis ko kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko.

"Ano palang sasabihin mo, T.H?"

Hindi ko alam kung imahinasyon ba ang nakikita ko ngayon pero ang cute niya! Namumula ang pisngi nito.

Bakit kaya?

"Good luck", dahan-dahan na hinalikan niya ang noo ko kasabay ng paghawak niya sa parehas kong braso.

Tila ba hinipan ako ng hangin dahil gusto ko na lang mawala sa sobrang kahihiyan.

Pumikit akong sandali, iniintay ang pag-okray ni Jez at panunukso ng dalawa niyang kaibigan pero wala... wala akong natanggap na gano'n kaya ng nilingon ko ang tatlo ay laking pasalamat ko. Abala sila sa kanya-kanya nilang ginagawa.

Hindi ko manlang napansin ang pagsakay ni T.H sa kotse nito bago tuluyang umalis.

Muntik akong mawalan ng balanse sa dahil sa pagbangga ni Melissa sa aking katawan.

"Uy! Kita ko 'yun! Ang landi ha!" ngumuso siya.

"So keye ne?" dagdag nito sa sinabi.

"Hindi!" mariin at bulong kong sambit.

"Ano ka artista? Tinatanggi ang jowa", tinaasan ako ng kilay ni Melissa.

"Wala talaga! Good luck kiss lang siguro 'yun"

Pero pucha! Kinikilig ako! Ang Dyosa mo talaga, Kaoree! Jackpot ka na kung si T.H ay type ka kaso ... wait! May Wyn pa pala ako so hindi pwede.

"Anong good luck kiss!? Pwede ba 'yun maggogoodluck siya may kassma pang kiss!? Tapos ang tinginan niyong dalawa eh mas malagkit pa sa sinukmani!"

Sabagay, pero baka naman imagination niya lang na matamis ang tingin sa akin ni T.H?

----#HIOR---

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon