43

46 7 1
                                    

Surprise

Pag-uwi namin ni Latrelle ay tahimik ang bahay. Ang langitngit ng pinto ang siyang namutawi ng binuksan ko ang likod bahay.

"Wala sila."

"Baka may kanya-kanyang gala."

Tamad umupo si Latrelle sa may sala. Binuksan ang TV at tinaas ang parehas na paa sa mini table.

"Kung gusto mo matulog ka muna. Mag a-alas dos palang naman ng hapon."

Tama nga siya, kailangan kong matulog dahil puyat ako kagabi. Tinali ko muna ang kurtina para pumasok ang hangin.

Humiga ako at agad kong naramdaman iyon. Para akong dinuduyan sa bawat pagsamyo nito sa aking mukha.

Nagising ako dahil sa hagikhikan mula sa ibaba. Malamang nakauwi na ang apat na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Marcus ng makita kong pababa ng hagdan.

"Uy! Kaoree! Maaga pa!"

Kumunot ang noo ko. May sinenyas sa kanya si Latrelle na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Lumapit siya kay Marcus. Gusto ko man marinig ang bulungan nila ay hindi ko magawa masyado silang malayo mula sa pwesto.

Si Jez ay nagulat din ng makita ako. Pawis ang mukha niya kaya walang bakas ng BB cream na makikita. Hinigit niya ko sa aking siko.

"Halika muna sa kwarto at aayusan kita."

Hindi niya pa ko nababati. Nakakapagtampo. Kahit busy siya ay siya ang unang nabati sa akin bago ang mga magulang ko. Alas-dose palang ng madaling araw ay binabati niya na ko mapa-phone call man o text pero ngayon ay wala.

Kahit kaninang umaga ng magtagpo ang mata namin ay hindi manlang siya ngumiti.

May kumatok sa pinto ng pinusod niya ang buhok ko. Si Wyn iyon suot ang paborito niyang polo na kulay mint green.

May inabot siyang paper na nilagay ni Jez sa kama.

"Girl, ikaw ng bahala sa lahat ha. Oo nga pala magbihis ka niyan. Bagay sa'yo. Happy Birthday", ngumuso ako ng sandali niyang hinalikan ang noo ko.

Akala ko ay nalimutan niya na.

Palabas na siya ng bumalik siya. "Gift ko sa'yo."

Tinaas niya ang buhok ko saka sinabit ang kwintas sa leeg ko. Ang chains nito ay kulay ginto ang may rosas na pula sa gitna. Mukhang mamahalin.

"Grabe ka naman, Jez! Mukhang mamahalin ah!"

Hinampas niya kong mahina. "Syempre, minsan lang naman ang birthday mo kaya dapat lubusin natin."

Hinalikan ko siya sa pisngi saka niyakap. "Salamat!"

"Basta bumaba ka mamaya doon."

Ngumiti ako saka tumango.

Sandali lang akong nagbihis at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Napakaganda kong tignan dito.

Mukha akong Sleeping Cinderella dahil sa blue dress ko. Pinakintab iyon ng mga glitters at maliliit na diyamante.

Daig ko pang nagdebut at may eighteen roses ako. Umikot ako ng ilang beses. Pang Disney princess talaga ang dating ko.

Bumaba ako at sinalubong ako ni Jez. Nagmadali siyang lagyan ng piring ang mata ko.

"Oo nga pala." Boses iyon ni Wyn. Naramdaman ko ang pagluhod niya.

"Itukod mo ang kamay mo sa akin. Isuot mo ito." Muntik pa kong mawalan ng balanse dahil sa pagtuon ko.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon