Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Naalimpungatan ako ng inalog ni Melissa ang katawan ko. Masakit ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog.
Hindi ko na kumpleto ang 6 hours sleep. Rule pa naman iyon ng mga Dyosa ang matulog ng 6-7 hours.
Ako na lang ang hinihintay ng lahat para makaalis kami kaya mabilis akong kumilos. "Siguro dapat mag-ayos muna kami." Aniya Yuan. Tumango naman ang lahat sa sinabi nito.
Nirecheck niya ng mga bintana at ang pinto sa likod ng bahay. Si Melissa naman ay nagwawalis ng sahig. Habang sina Marcus at Latrelle naman ay inaayos ang ilang kagamitan na ginamit namin. Ang magkakaibigan na sina Sasha, Vana at Drianne ay tinitrintas ang buhok ng bawat isa.
Sa kabilang banda, si Jez ay inaayos ang kanyang BB cream. Ako naman ay pinatuyo ang sarili kong buhok gamit ang blower na pinahiram ni Sasha. Matapos nito ay nagpusod ako ng buhok at nagjacket.
"Tapos na ako. Tara na!"
Agad naman na tinapos nina Marcus at Melissa ang kanilang ginagawa. Naunang lumabas ang mga girls bago sumanod ang mga boys. Binigyan ko si Jez ng space upang sa akin siya tumabi.
"Iidlip ako sa balikat mo." Paalam ni Melissa na nakaupo sa may bintana.
"Kung gusto mo dito ka na lang." Sabi ni Marcus na nasa unahan namin kaya naman nagkantwayan sila.
"Ganyan nga Marcus! Kailangan mong kumilos. Minsan hindi babae ang kusang lalapit sayo." Ginulo ni Latrelle ang buhok nito.
"Gano'n talaga. Ang babae pinaghihirapan 'yan!" Aniya Jez habang inaayos ang sobrang BB cream sa mukha nito.
"Jez, huwag mong kalimutan may babaeng naghihirap para sayo. Hindi ba, Marcus?" Wika ni Latrelle sa mapang-asar na tono.
Nilagay ni Jez ang mga gamit niya sa bag nito. Pinagtaasan niya ng kilay ang kaibigan nito."Wala akong sinabing maghirap siya dahil sa akin. Saka eww! Magkaparehas ang dugo na nanalaytay sa dugo naming dalawa."
Tinignan lamang ni Latrelle ng makahulugan ang kaibigan bilang sagot. Matapos ng asaran nilang dalawa ay tumahimik ang loob ng sasakyan. Wala pang kalhating-oras ay puro hilik ang pumalit sa ingay kanina.
Sinubukan kong tawagan ang bagong number ni T.H pero out-of-coverage na ito. Muling naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Bakit biglang hindi ko na siya ma-contact?
Sinubukan kong contact-in ang luma nitong number pero subscriber can't be reach. Tinignan ko ng ilan pang social media accounts ni T.H pero wala itong profile picture. Nagbrowse pa ako at may hindi ako nagustuhan. Nakatag ang isang post sa kanya ng isang babae.
@rosy_ella
Excited.
*Insert infinity picture*
Posted one day ago.
Ito na naman ang pakiramdam na parang may tinik na tumutusok sa aking dibdib. Huminga ako ng malalim. Okay lang 'yan, Kaoree. Hindi niya naman pinusuan. Pumikit ako saka sinubukan muling magbrowse.
Pababa na sana ako sa susunod na tag sa kanya ng…
"Girl, alam mo itulog mo na lang 'yan." Wika ni Jez na nakadantay sa braso ko.
"Te, iniistalk niya si T.H." Pagsingit ni Melissa at sinipa niya ang dulo ng sandals ni Jez. Akala ko pa naman ay tulog ang isang ito. Humikab siya saka tinitigan ang screen ng phone ko.
"Hindi active si T.H sa social media. Wala kang mapapala kaka-istalk sa kanya." Sabi ni Jez. "Matulog ka na lang din at sabayan mo kami ni Melissa."
Bumalik si Melissa sa pwesto niya saka yumakap sa braso ko. Si Jez naman ay naglagay ng unan sa kanyang batok. Pumikit siya saka pinagkrus ang mga braso. "Alam ko kung saan ka kagaling kagabi. Kung anuman ang balak niyo ni T.H huwag kang kakagat." Bulong nito na naging sanhi ng pagtaas ng mga balahibo ko.
Pumikit na lamang ako at sinabayan sila sa tulog. Naalimpungatan ako ng bumaba si Yuan sa kanilang barangay. "Ingat kayo. Dito na lang ako." Paalam nito. Tinapik niya ang braso ni Marcus at pati ang kay Latrelle na mahimbing na natutulog.
Ilang oras pa ang nakalipas ay sumakay kami sa eroplano. Sandali lang biyahe at kanya-kanya kaming mundo. Hanggang sa nakauwi na kami sa mansyon.Hinatid nina Latrelle at Marcus ang sina Sasha pati ang mga kaibigan nito. Si Melissa naman ay hinatid ni Jez dahil iba ang direksyon ng bahay nito.
Ako ay naman ay nagluto ng hapunan para mamaya. Masakit ang buong katawan ko dahil sa hindi maayos na pwesto namin kanina sa sasakyan. Si Jez ay nagwalis ng bahay at nagbukas ng TV.
Matapos kong magluto ng sinabawan ay pinagtimpla ko siya ng gatas. Pinatong ko iyon sa sidetable. Sinabayan ko siyang manood ng favorite niyang runaway show.
Sinubukan kong tawagan muli si T.H sa lumang numero niya. Nagring ito pero pinatay ang tawag matapos ang ilang segundo. Tumayo ako at pumunta sa kusina.
Nagring ang muli ang cellphone. Nanlambot ang aking katawan. Wala siya sigurong balak sumagot. Pero paano ang usapan naming dalawa? Pwede namin kila Lolita. Saka isa pa, pwede kaming mag-aral sa sentro ng bayan. Alam ko kakayanin naming dalawa.
Pero, bakit niya naisip ang bagay na iyon? Ang magtanan kaming dalawa. Parang may hindi tama.
Isa pa, Kaoree. Sinubukan kong tumawag muli at sa wakas ay may sumagot. Ngunit nagkakagulo ang mga tao sa background.
"Sige. Subukan mo! Nang magkaalaman!" Babae iyon pero hindi ko alam kung kaninong boses.
"Mahal na mahal kita, Kaoree." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Anong nang—" Ngunit binaba nito ang tawag.
Napagdesisyunan kong pumunta na lang ng kwarto at mas mabuting itulog ko na lang ang pag-iisip sa bagay na hindi ko maintindihan. Naglakad ako na para bang wala akong kaluluwa. Wala akong maramdaman.
"Girl, ano na? Ayos ka lang ba?" Bumaling ang tingin ko kay Jez.
"Oo, Jez. Hindi ako okay at least Dyosa pa rin ako ng mga magaganda." Ngumiti ako ng pilit.
"Halika rito sa tabi ko." Sumenyas siya. Pero umiling ako. "Halika na!"
Tamad akong pumunta sa tabi niya at niyakap niya ako. "Iiyak mo lang. Nandito ako." Hinagod niya ang aking likod ng marahan. Niyakap ko siya at tuluyan ng lumandas ang mga luha ko.
"Iiyak mo lang. Kung hindi mo kayang sabihin, ayos lang sa akin. Basta umiyak ka at ilabas mo ang nararamdaman mo. Walang masama sa pag-iyak, girl. Hindi nakakapanget ang pag-iyak." Hinaplos niya ang buhok ko na para bang isa akong bata.
"Alam ko naman. Kahit umiyak ako. Maganda pa rin ako." Nagpatuloy ako sa pag-iyak.
"Maganda ka nga pero tanga ka sa pag-ibig." Tumawa siya sa sarili niyang sinabi.
Hinawakan niya ang pisngi ko. "Basta, huwag kang tutuloy sa sinabi sayo ni T.H. Malakas ang pakiramdam ko may binabalak siya na hindi maganda para sa inyong dalawa."
Oo, Jez. Tama ka. Pero mas mananaig ang desisyon ko kaysa sa payo mo.

BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...