Double meaning
"Akala ko ba ang activity natin canyooneering!" Sabi ni Jez. Alam kong gustong-gusto niya iyon noon pa man kaya kahit masakit sa balat niya ang init ay sumama siya kaya gano'n na lang ang pagreklamo ng kaibigan ko.
"May naaksidente raw nu'ng nakaraan lang kaya hindi pwede. Saka may ilog naman malapit dito pwede tayong manguha ng isda." Paliwanag at Suhestiyon ni Yuan.
"For me, I will go for it. Kaysa naman masayang lakad natin. Hindi ba girls?" Sabi ni Sasha na hinubad ang pang itaas niyang damit kaya naman sports bra na lang ang suot niya.
Napakasexy niya talaga kumpara sa amin. Ibang-iba ang hubog ng katawan niya. Marahil ay dahil sporty type siyang tao kaya maganda ang kinalabasan nito sa kanya.
"Oo nga. I will go for it na rin saka masaya kaya mangisda!" Sabi ni Vanna.
"Uy! Go rin ako dyan! Kami ni Kaoree!" Sabi ni Melissa saka niya tinaas ang kamay ko na para kaming elementary student na tinawag ng teacher for attendance.
Kahit na puro kami positibo sa sinabi ni Yuan ay may isang babae ang ayaw sa suhestiyon ng lalaki. Isang babaeng nakasleeves at leggings saka naka spikey shoes. Nakanguso siya habang kinakausap ni T.H.
"Basta ako,sige go na ko! Saka suggestion naman iyon ng baby ko. I mean suggestion ni Yuan. Maganda iyon!" Sabi ni Jez saka ngumiti na para bang nagliliwanag ang kanyang mga mata. Sigurado akong kung sa ibang tao nanggaling ang suhestiyon na iyon baka parehas din sila ni Rosella ngumangawa.
Nagbilang kami ng halos kinse minutos bago napapayag ni T.H si Rosella. Kung bakit niya pa kasi sinama ang babaeng napakaarte ito. Pakiramdam niya yata ay hindi siya naglalabas ng mabahong kung ano sa kanyang katawan kaya gano'n na lamang ang pag-iinarte niya.
Umupo kami sa isa mga pahingahan doon. Walang mga nagtitinda kaya kanya-kanya kaming labas ng binalot. Syempre ang ulam namin ay ang lechong manok na binili ni Jez bago kami umalis. Sabi niya ay hindi bale ng masira ang diet niya basta makatikim siyang manok for lunch. Bumili rin siya ng kamatis, at pulang itlog. Kumuha na lamang si Yuan ng palapa ng saging sa paligid. Pero syempre bago niya gawin iyon ay nagpaalam muna siya sa mga namamahala ng kapigilaran.
May dala rin na ulam sina T.H. Ang dala nila ay alimasag na may kalabasa kaya naman malaki ang ngiting kumurba sa labi ni Melissa. Paborito niya ang ulam na iyon. Mahilig magluto ang mga magulang niya ng gano'ng klase ng ulam kaya tuwang-tuwa siya.
"Oh my! I think my diet would be ruined." Bulalas ni Sasha na nasa dulo. Tumawa naman ang lahat sa sinabi niya.
"Anyway, what's this for? Leaves then ipapatong ang pagkain. I think this idea of your is disgusting." Walang prenong sabi niya sa harap ni Yuan na inaayos ang pagkain upang mapagkasya lalo na ang ulam.
Agad namang pupunta sana roon si Jez para patulan ang dalaga pero pinigilan ko siya. "Dapat talaga noon ko pa pinutulan ang sungay ng babaeng ito bago lumala."
Oo nga pala nito lang nasabi ni Jez na kababata ni Apple si Rosella at isa rin siya sa mga haters ng babaeng ito noong bata pa sila. Kaya hindi sila naging close. "Kumalma ka nga." Sabi ko.
"Girl, you will enjoy this and if not pwede ka ng umalis. Malawak ang daan." Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Sasha. Nakataas ang isa nitong kilay. Para bang may kuryente sa pagitan ng tingin nila ni Rosella.
"Oh come on. Stop pretending. I know you're also a sosyalera girl that don't like cheap situation like this. Especially this stuffs..." tinuro niya ang dahon ng saging na nakalagay sa mahabang lamesa.
"Dito na pusta niyo! Ano! Isang-daan sa akin kay Sasha ko." Narinig kong sambit ni Latrelle kila Marcus, Vanna, Drianne at Melissa na nasa likuran ko. Lumapit ako sa kanya saka siya mahinang hinampas sa ulo.
"Anong kalokohan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ang KJ mo naman, lugaw girl. Ano? Kanino pusta mo?" Umikot ang paningin ko at iniwan siya roon na nakikipagpustahan.
"Sorry ha. I'm not like you. Hindi rin naman ako plastik katulad ng bestfriend mo—si Wanwan. Oopss... Nadulas." Baling muli ni Sasha sa kanya.
"Ladies, mas mabuting kumain na lang tayo. I will lead the prayer." Aniya Wyn saka pumunta sa unahan para matigil ang bangayan ng dalawa.
Sa gitna ng pagdarasal ay hindi ko maiwasan na sulyapan si Latrelle na pasimpleng kumukurot sa manok. Sinusaway siya ni Jez sa ginagawa nito. Humagikhik naman siya at bumulong na gutom na raw siya.
Tumigil naman siya sa kanyang ginagawa saka pumikit ang mga mata habang nagdarasal. Pumikit din ako pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Minulat ko ang aking mga mata. Nakatingin sa akin si Wyn habang nagdarasal at hanggang sa matapos ito.
Walang anu-ano'y mabilis ang pagdampot ng lahat sa pagkain parang binagyo ang ulam at kanin. Marahi dala na rin ng gutom kaya hindi na nagawang nagkahiyaan ng lahat. Isang oras ang lumipas ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa ilog.
"Alam niyo pwede kayong maligo roon guys. Saka malilom sa pupuntahan natin. Kung ayaw niyong maarawan ay tamang-tama iyon para sa inyo." Paliwanag ni Yuan sa amin na parang isang tour guide kaya naman malawak ang pagngiti ni Jez at talaga naman attentive siya sa sinasabi ni Yuan. Kahit yata paghinga nito ay pakikinggan niya pa.
Dahil sa pagtitig ko kay Jez habang naglalakad ay natapilok ako. Namali ang pwesto ng paa ko kaya umikot ng kaunti ang aking paa. Napahiyaw ako sa sakit. "Aray!"
Nilingin ako ni Melissa na pinagmamasdan ang paru-parong tila sinusundan kami. "Kaoree, na sprain ka!" Bulalas niya na nakakuha ng atensyon ng lahat.
Kay T.H ako nakatingin pero iba ang agad na dumating sa harapan ko. Lumuhod siya upang magpantay kami at kinuha niya ang dala niyang malamig na tubig saka first aid kit. Nilagay niya ng dahan-dahan iyon sa paa ko.
"Salamat, Wyn." Maikli kong sambit.
Pinilit kong tumayo pero tutumba sana ako ng hinapit ni Wyn ang baywang ko palapit sa kanya. Sinalo niya ko habang nakahawak siya sa likod ko. Nagtagpo sandali ang tingin namin at saka niya ko binitiwan ng dahan-dahan.
"Hindi mo pa kayang maglakad." Wika niya.
"Kaya ko naman." Kahit alam kong hindi ako sigurado. Nahihiya lamang ako o hindi ko alam. Tinignan ko si T.H na nag-aalab ang tingin tila sinusukat kung ano ang gagawin at sasabihin ko.
"Bubuhatin kita." Pagpupursigi ni Wyn.
"Nako! Kaya ko naman!" Sabi ko. Pero mukhang hindi naniwal si Wyn kaya umupo siya sa harapan ko at nagmwestra. "Bubuhatin kita. Hindi mo pa kaya."
Nahihiya akong sumakay sa likod niya ngunit nakita ko kung paanong lumayo ang tingin sa akin ni T.H. Hanggang sa dumating kami sa ilog ay hindi niya manlang ako sinulyapan.
"Ayos ka lang ba, Kaoree?" Tanong ni Wyn. Pumiraso siya sa tela ng damit na kinagulat ko. Tinali niya iyon sa masakit na parte ng paa ko.
"Dyan ka lang Kaoree kung ayaw mong masaktan." Iniwan niya ko sa aking kinatatayuan para sumama sa iba pa naming kasama. Pero ang sinabi niya, hindi ko alam kung doble ang ibig niyang sabihin pero parang gano'n na nga ng makita kong hinalikan ni Rosella si T.H matapos siyang makakuha ng isda.
Ngumiti akong pilit upang takpan ang sakit ng nararamdaman ko.
"Ako rin Kaoree hindi mo ba ako hahalikan? Nakakuha akong isda!" Pabirong sambit ni Latrelle habang hawak-hawak ang isda na kumakawag sa ginawa niyang tali.
"Alam mo, ewan ko sayo! Ang lakas mong mantrip!" Pero imbis na layuan niya ko ay tumawa siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomanceSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...