53

32 3 1
                                    

Dalawang lalaki

Mga batang naghahabulan sa dalampasigan ng dagat ang siyang unang nagpangiti sa akin. Nang unang tapak palang namin sa puting buhangin.

Nakasuot akong white shirt at sa loob nito ang two piece na pinahiram sa akin ni Melissa.

Tumayo ako at inayos ang payong na nagsisilbi kong panangga sa mainit na sikat ng araw. Ilang sun block lotion yata ang mauubos ni Sasha dahil waal siyang tigil sa paglagay nito lalo na sa kanyang mga hita.

Sa kabilang banda ay dumating ang magpinsan na sina Marcus at Yuan. Parehas silang nakashades habang umiinom ng dala nilang buko juice.

Karamihan ng babaeng dumaraan sa aming harapan ay napapatingin sa kanila. May ilan sa mga babae ang nagtangkang kunin ang number ng dalawa. Gano'n pa man ay ngiti lang ang ginawad ni Marcus. Samantalang si Yuan ay tinignan lang sila ng seryoso.

Ibang klase talaga ang appeal ng dalawang ito.

"I prefer crabs talaga." Sabi ni Vanna. Kausap niya si Drianne na balak kumain sa isa mga sikat na restaurants na nandito sa loob ng beach resort.

"Gosh! Hell no. I prefer shrimps mas malaman iyon." Mariin na sambit ni Drianne habang nilalagyan ng lotion ang likod ng kanyang kaibigan.

Kapag may lumalapit na lalaki sa kanila ay hindi nila maiwasan na makipagkwentuhan upang makipagkilala.

Syempre, sa akin may lumalapit din kasi Dyosa ako. Ayon nga lang ang katabi ko ay iba ang say.

"No, girl. Mukha siyang manyakis." Nandidiring sabi ni Melissa sa lalaking makapal ang buhok at bigotilyo.

Actually, mukha nga siyang matinong tignan para sa akin. Saka idagdag pang may respeto ang tono ng kanyang pagsasalita ay malaking puntos iyon.

Kailangan lang ng kaunting ayos ang buhok niya lalo na ang side ng kanyang batok dahil tila may buntot siya roon. Alisin niya lang 'yung bigote niya ay magmumukha siyang malinis.

"Actually, I'm not living here. Dayo lang ako. Kayo ba mga Miss?" Pilit niyang pinahahaba ang usapan kahit itong si Melissa ay ayaw niyang entertain ko ang lalaki.

"Nako! Hindi po 'yun importante, Kuya. Sa totoo lang may boyfriend na ko." Nagflip siya ng buhok saka humalakhak.

Yumuko ako saka ngumisi. Nakatingin kasi siya kay Marcus na ngayon ay bumubuo ng sand castle kasama ang ilang mga batang hindi namin kilala.

"It's good for you, Miss..."

"Melissa." Sus, parang kanina lang siya na mismo ang nagsabing huwag akong magsabi ng totoong pangalan sa mga makakausap ko.

Bumaling sa akin ang lalaki. "Sa totoo lang. Mas interesado kasi ako sa kasama mo." Umangat ang tingin ko.

Napigil ko ang aking tawa sa loob ng ilang segundo kaso hindi ko kinaya. Humalakhak ako ng malakas kaya iba ang tingin sa akin ng dalawa.

Umalis ako roon dahil nagtalo silang dalawa sa bagay na hindi ko maintindihan.

Hindi manlang napansin ni Melissa na nawala na ko sa tabi niya.

Humiga na lang ako sa kama na halos kainin ako dahil sa sobrang lambot nito. Para akong hinehele. Chineck ko ang aking phone. Wala manlang pangangamusta kay Jez.

Ano na kayang ginagawa ng lalaking 'yon ngayon?

Tumayo saka nagtimpla ng juice. Umupo ako sa balkonahe. Masarap pakinggan ang kaunting ingay ng mga tao mula rito. Idagdag pa ang nililikhang ingay ng chimes sa tuwing humihip ang hangin.

Nabahaw na yata ang pang-upo ko dahil hanggang sa paglubog ng araw ay nakaupo pa rin ako rito.

Kumuha ako ng  octopus monopad saka sinabit iyon sa hawakan ng hagdanan.

Nilagyan ko ng five seconds timer ang cellphone ko upang kuhanan ang aking sarili at hindi naman ako nabigo.

Maganda ang shot. Back view iyon na nakatingin ako sa paglubog ng araw.

In-upload ko agad iyon sa aking Facebook at nilagyan ng caption na 'Silhoutte and Relaxing.'

"Kaoree! Ano ng ginagawa mo! Tara kumain muna tayo!" pagsilip niya sa bintana.

"Grabe! Sunog ka kaagad!" Halakhak ni Marcus ng makita si Melissa sa harapan niya.

"Uy! Makapagsalita ka ah. Ikaw rin naman sunog ka." Pagbawi niya.

Lahat naman sila mukhang mga sunog lalo na itong si Vanna. Si Yuan lang ang hindi nagbago ang kulay. Wala yatang tabla ang sikat ng araw sa kanyang balat.

"Nangisda kami. Tamang-tama i-grill natin ito." Pinagmalaki niya ang malalaking isda na nahuli niya.

Nahuli pa siyaa ng isda sa lagay na 'yan? Ibang klase talaga siya.

"Bibili kami ni Kaoree ng iba pang makakain. Alam niyo na baka kulang sa atin 'yan." Hindi pa man ako nakaiimik ay hinigit niya ako.

Mas dumami ang tao ng kumagat ang dilim. Ang kaninang naglalaro ng volleyball ay nawala na. Ang mga batang naghahabulan at gumagawa ng sand castle ay napalitan ng mga couples na magkahawak ang kamay.

"Ano kayang gustong kainin nila?"

Namataan ko na lang na nasa isang restaurant kami.

"Sisig na lang para hindi mabigat sa tiyan. Mag pa-party pa naman tayo mayamaya." Pagsagot niya sa sarili niya.

"Uupo lang ako roon habang iniintay ka." Tumango naman siya habang konsentradong nakapila para um-order.

Humikab ako dahil sa antok. Hindi ko manlang nagawang umidlip kanina. Masyado akong malungkot dahil sa nangyari.

Sinandal ko ng pahiga  ang aking likod at sandaling pumikit. Mabilis na bumukas ang mga mata ko dahil sa pamilyar na tawa mula sa dalawang lalaki na tumayo kasalungat ng pwesto ko.

Malayo sila sa kinatatayuan ko kaya nagmadali silang sinundan ng aking paningin.

Hindi ko mahagip ang mukha nila dahil sa bilis ng lakad.

Hindi ko na nagawang isuot ang aking tsinelas. Hanggang sa labas ay nagtiyaga akong habulin sila. Hindi nakatulong ang dim lights sa paligid upang makilala ko kung sino ang dalawang lalaki.

"Kaoree, ano bang nangyayari sayo? May hinabol ka bang magnanakaw?"

"Wala naman, Melissa. Para kasing pamilyar sila."

Masaya ang lahat ng dumating kaming dalawa. Paunahan sila sa pag-abot ng sisig. Hindi ko akalain na ang tatlong babaeng maarteng kasama namin ay nakain ng gano'n.

"Makabawi na lang bukas. Ang lakas niyong kumain ng sisig." Tamad na sambit ni Marcus. Paano ba naman ay dalawang kutsara lang ang natikman niya.

Bumilis ang gabi at nagkanya-kanya na kaming punta sa party. Walang paki sa kung anong bihis namin dahil kahit simple ay hindi naman importante iyon.

"Nasaan na 'yung tatlo?" aniya Marcus na kagagaling sa comfort room.

Ang usapan pa naman ay magkita-kita kami rito pero mukhang...

"Nando'n pala sila. May kausap na mga lalaki." Ngumuso ako upang ituro sila.

"Okay! Come on! Let's enjoy this party!" Malakas na sambit ni Marcus ng makuha ang order niya.

"Kampay!" Sabay nilang sambit na tatlo.

Ako lang ang hindi um-order dahil ayokong sumakit ang ulo ko kinabukasan.

Tumingin ako sa paligid. Bakit parang may nakatingin sa akin mula sa malayo?

"Okay ka lang ba, Kaoree? Nanlalamig ang kamay mo." Inalis ko ang hawak niya sa akin.

Halos mapunit ang labi ko ng ngumiti ako. "Okay lang ako, Melissa. Sige na, mag-enjoy kayo roon. Ayos lang ako rito."

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon