63

30 2 3
                                    

Sleep here

"I dare you to kiss me, T.H." Walang bakas na pagdadalawang-isip na sinabi ni Rosella.

Tahimik ang lahat matapos ng sinabi niya. Tinignan nila ako na may halong lungkot. Gumuhit ang mapagkunwaring ngiti sa labi ko. Tinignan ako ni T.H. tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Rosella. 

Kumunot ang noo niya sa babaeng katabi niya na halos abot-langit ang ngiti. "Now, what T.H?" Sabi ni Rosella.

Lumunok ako ng dalawang beses saka yumuko. Unang lunok para sa pampatanggal ng kaba kung gagawin niya ba iyon. Huling lunok, upang bumaba ang sakit ng puso ko at mawala ng tuluyan.

"Nahinga ka pa ba?" Tinapik ni Jez ang aking likod. Hindi ko alam Jez kung nahinga pa ba ko, o baka bigla na lang maputol ang paghinha ko kung sakaling parehas na mata ko mismo ang makakita kung paano halikan ni T.H si Rosella.

"O‐oo n-naman!" Pilit kong sagot.

"Ano ka ba! Tignan mo 'yung gagawin ni T.H. Huwag kang magmukmok. Lalo lang ma-tri-trigger ang pagiging kontrabida ni Rosella." Pabulong na sermon ni Jez.

Nagvibrate ang cellphone ko.

T.H

You look worried. Are you okay?

"Sabihin mo nga kay T.H kung lalandiin ka. Pakibigyan naman ng kasiguraduhan. Hindi 'yung nagmumukha kang tanga kakaisip kung ano ba ang mayroon sa inyo at sa kanila ni Rosella." Litanya ni Jez habang nakatingin sa mensahe ni T.H.

Tinaasan niya ng kilay si T.H na ngayon ay nakatingin sa amin.

"Sabihin mo okay ka lang." Saad ni Melissa sa tabi ko.

"Kung ako sa'yo, huwag mo ng replyan! Hayaan mong mamatay siya kakaisip kung okay ka ba o hindi. Saka obviously, girl. Hindi ka okay." Katwiran ni Jez.

Tinitigan ko ang text message ni T.H. Maraming beses akong nagpakawala ng paghinga.

"Is there any sanction if he didn't do the dare?" Ngumuso si Rosella sa pagkadismaya. Para siyang batang umuungot sa tabi ni T.H habang nakapulupot ang braso niya sa taong mahal ko. Alam kong masakit na makita silang ganyan pero wala naman akong magagawa kung hindi lasapin ang lahat.

"Wala yata tayong pinag-usapan kanina tungkol dyan?" Hindi siguradong sagot ni Marcus kay Rosella kaya napakamot siya sa kanyang ulo.

"T.H please! Just one kiss! Sa labi! I just want to taste the softness of your lips." Lumabi siya at parang batang nagmamakaawa kay T.H.

"Desperada." Bulong ni Sasha habang nilalaro ang sarili niyang buhok.

"What did you say?" Pahamon na sambit ni Rosella.

"Ang sabi ko, desperada ka! Stop acting like that mahiya ka sa sarili mo." Sermon ni Sasha saka inikot ang bote kahit wala pa man sagot si T.H sa naturang dare para sa kanya.

"Wow? I look desperate? Wait. How about you flirting with Latrelle? Oopss. Sorry. Nadulas." Humagikhik siya sa sarili sinabi.

"But it's different. Hindi katulad sayo. Gutom ka sa atensyon ng lalaking ayaw sayo. Pathetic." Umayos ng upo si Sasha saka bumuwelo upang magsalita muli. "Correction lang. Kung sa tingin mo nilandi ko si Latrelle. Yes, totoo 'yun pero hindi katulad ng sayo. Mukha kang nakakaawa."

Tumawa si Sasha at gano'n din ang dalawa pa nitong kaibigan.

"Alam mo I love this girl! This girl named Sasha." Bulong sa akin ni Jez habang palihim tumawa sa aking likuran.

"Okay! I am out!" Aniya Rosella at nagwalk-out. Nagmartsa siya pabalik sa kubo. Sinundan siya ni T.H at hindi manlang siya tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon