34

37 4 1
                                    

Casual Wear

"Inhale. Exhale", sabi ni Jez bago magsimula ang pageant.

Nasa backstage kami ng pinapila kami ng emcee para sa introduction number. Ilang beses nagpabalik-balik si Melissa sa gate ng eskwelahan pero walang Aviel na sumulpot.

Kanina pa siyang pumapadyak sa may harapan ng dressing room. Nandoon ang nag-aalalang adviser namin kasama si Wanwan.

"Sir, hindi sumasagot" balisa si Melissa. Pawisan ang mukha at likod nito. Pinaypayan siya ni Wanwan saka sinuklayan ang buhok.

"Paano na 'yan? Wala pa naman tayong pamalit sa kanya", sabi ng professor namin na gusot ang damit. Nakapamewang siya at may kinocontact na numero.

Hinawakan ni Jez ang magkabila kong mukha. "Huwag mo ng alalahanin kung wala kang partner ngayon. Basta kayo mo 'yan! Go girl!"

"Syempre naman no! Sa ganda kong ito matatalbugan ko sila", tinaas ko ang isa kong kilay saka nagmodel na para bang pang-Victoria's Secret.

"Mga magagandang dilag! Pwesto na!" sabi ng organizer na nakaputing tuxedo na animo'y prinsipe. Ang buhok niya ay one-sided na kapit sa anit ang wax nito. Hindi manlang kasi gumalaw ang buhok niya ng sandaling humangin.

Nagsimula ang tugtog ng hudyat ng pagsisimula ng programa kasabay nito ang confetti at pag-usok ng paligid. Malakas ang sigawan ng mg estudyante. Lahat sila ay sinigaw ang kanya-kanya nilang department.

Matapos ang pang-apat na modelo ay lumabas ako. Unang nahagip ng mga mata ko ang magkakaibigan na sina Wyn, Latrelle, Marcus at Jez. Nagthumbs-up si Wyn kaya ngumiti ako.

"Ang ganda ng ngiti niya, oh!" sigaw ni Bruno na talaga namang nagpasigaw muli sa mga kaklase ko.

Hindi ko akalain na may props pa silang bote na match sa suot ko. Kulay asul na may dilaw iyon. May ilan sa mga kaklase kong nagtambol pa bago ko hinawakan ang mic.

"I'm Kaoree Rogen, 19 years old. Jasmine of Social Studies Department!" Ilang pose ang ginawa ko kasabay ng pagsipol ni Latrelle.

Kitang-kita ang puting mga ngipin nito ng siya ay ngiting-ngiti.

"Ang ganda mo" galaw lang iyon ng labi pero naintindihan ko.

Binangga siya ni Marcus gamit ang katawan, tila nagkantwayan ang dalawa.

Kahit na audience lamang ang apat ay hindi maiwasan na agaw pansin sila sa mga estudyanteng nanonood. Lalo pa ng sumipol muli si Latrelle at sumigaw na ikinagulat ko.

Para bang unti-unti bumagal ang ikot ng mundo.

"Ang ganda mo, Jazmine ko!" Lahat sa kanya ay napatingin. Parang baliwala sa lalaki ang mga matang nakatingin sa kanya dahil pinaingay niya pa ang bote nitong hawak.

Bumaba kami lahat sa stage at nagpose ng panglahatan matapos nito ay bumalik kami sa dressing room.

"Casual wear na ang sunod!" nagmadali si Jez ng sinalubong ako.

Hinanap namin ang bag na kulay itim kung saan iyon nakalagay. Ang mga gamit namin sa mesa ay nagkalat hanggang sa bumagsak ang iba sa sahig dahil sa paghanap ng damit ko.

Kumamot siya sa ulo na halos baon ang kuko niya sa anit. "Nasaan na 'yun?! Dinesign pa namin iyon ng mga friends kong beks!"

Maging ako ay nalito rin sa paghanap. Nagpabalik-balik ako sa paglakad. Ang ibang contestants ay handa na, samantalang ako ay heto hindi alam ang gagawin.

Inabutan ni Melissa si Jez ng tubig. "Kalma ka lang, Jez"

Umupo si Jez habang pinapaypayan ang sarili.

Lumabas si Melissa ng nilapag niya ang bote ng tubig sa mesa ko. "Babalik ako, Kaoree"

Malungkot ang mga mata niya.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng dressing room habang ako ay nilaro ang mga kamay ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Dito ko lang nilagay iyon! Dito sa malaking bag na bigay ni Lucky.

"Anong problema?" sabi ni Sasha. Hindi ko alam kung bakit si Sasha ang dinala rito ni Melissa.

Nagkatitigan kami. Kailangan kong mag-isip. "Magcomfort room lang ako" paalam ko at hindi inintay ang sagot nila.

Nakita ko si Wanwan, nakipagtawanan kila Bruno. Kumuway siya sa akin saka ngumiti.

Tumuloy ako sa comfort room saka huminga ng malalim. Syempre naglabas ako sandali ng alam niyo na. Pero hindi iyon tawag ng kalikasan.

Naghugas ako ng kamay. Gumamit ng tissue para tuyuin iyon at tinapon sa basurahan ang ginamit ko. Laking-gulat ko ng matuklasan ko kung ano ang nasa basurahan.

Napalunok ako at tila may bigik na namuo sa lalamunan ko ng kinuha ko iyon.

Ramdam ko ang namuong luha sa mga mata ko. Okay lang sa akin na wala ako sa modeling para sa casual wear pero ang sirain ng ganito ang ginawa ng kaibigan ko ay hindi ko matanggap.

Nanginginig ang mga kamay ko.Sino naman kayang gumawa nito?! Inggitera ang taong iyon!

"Kaoree, bi-" mabigat na pagyabag ang paglapit ni Melissa sa akin. Mabilis niya kong hinigit pati ang damit kong hawak.

Nag-alab ang mga mata nito ng makabalik kami sa may dressing room. Hindi lang si Sasha ang nandoon kung hindi ang dalawa niya pang kaibigan.

"Ayan! Isaksak mo 'yan sa sarili mo!" sigaw ni Melissa kay Sasha matapos ibato nito sa mukha ng babae ang damit.

Nanlaki sandali ang mga mata ni Sasha. "Anong problema mo sa akin, Melissa? Ang tapang mo ha?"

Bago pa man ako pumagitna ay si Jez ang gumawa nito.

"Ladies, kumalma. Hindi tamang mag-away kayo"

Ngunit hindi pa rin papigil si Melissa.

"Hindi ako kakalma! Ikaw Sasha ang galing mong magkunwari! Ikaw pa man din ang tinawag ko para tumulong sa amin pero mukhang ikaw pa ang sumabotahe sa suot ng kaibigan ko!"

Hinawakan ko ang magkabilang-braso ni Melissa. Mukhang narinig ang boses niya mula sa ibang dressing room dahil ang make-up artists ng ibang contestants ay nakichismis mula sa labas.

"Wait! Do you have any evidence?", nakapamewang si Sasha. Tumango-tango sina Drianne at Vanna.

"Wala. Pero alam kong ikaw 'yung may ayaw kay Kaoree rito. Kaya alam kong ikaw 'yun. Huwag mo kong daanin sa accent mo!"

Si Jez ay nanlambot ang mga tuhod. Pagod siyang nakasandal ang likod sa kanyang kinauupuan.

Lumapit ako sa kanya. "Jez, sorry, hindi ko iningatan", hinimas ko ang balikat niya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay lang. Ano ka ba? Hindi mo naman ginusto yan"

"Tara na nga, ladies! Tutulong na nga. Ako pa ang napagbintangan!" pagalit na sambit ni Sasha.

Maingay ang paghakbang na ginawa nilang tatlo dahil sa bigat ng kanilang wedge.

Kumatok si Wyn sa pinto. Lumiwanag sandali ang mukha ko. "Uhm. Pasensya na sa istorbo. Baka kasya sayo ito", dahan-dahan niyang nilapag ang paper bag sa mesa ko.

"Maiwan ko na kayo", mabilis siyang umalis bago ako nagpasalamat.

Tumayo ako. Sabay kaming lumapit ni Melissa para tignan kung ano iyon.

Ngiting-ngiti si Melissa ng makita ang isang chiffon dress kasama ang beret hat.

"Iba talaga pag maraming prinsipe", namula ang pisngi ko sa sinabi ni Melissa habang pinagmamasdan ang dala ni Wyn.

"Sana all!" sabay nilang sambit ni Jez.

Tumawa ako sa sinabi nila. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

---#HIOR---

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon