Toothbrush
Matapos ang panonood sa sinehan ay hinatid nila akong dalawa. Kantayawan ang agad na bumungad sa akin ng dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan. Lahat sila ay nakatingin sa akin lalo na si Jez na may pipino sa mukha.
"Uy! Ikaw ha! Dalawang boylet 'yun girl! May pinagmanahan ka!" Sabi nito at saka pinisil ang tagiliran ko.
"Kanino pa ba magmamana!" Proud kong sambit.
"Eh, 'di sa'yo!" Dugtong ko sa sarili kong sinabi.
"Akala ko pa naman may something kay Sasha at Latrelle." Dismayadong pagsingit ni Vana sa gitna ng usapan namin ni Latrelle. Naghahanda siya ng mga pinggan para sa hapunan. Sina Marcus at Yuan ang nakatoka sa pagluluto.
Sina Drianna at Sasha ay prenteng nakaupo habang nanonood ng television. Umikot ang tingin ko. Nasaan kaya si Melissa?
"Anong nangyari sa date niyong tatlo?" Nakatawang tanong ni Marcus habang hawak ang sandok. Pawisan ang kanyang noo dala sa init ng panahon.
"Okay naman. I feel so dyosa nga eh." Proud kong sagot. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang sandok na hawak nito. Pero ayaw niyang ipaubaya sa akin iyon. Feeling marunong magluto.
"Ako ng bahala rito. Relax ka lang, Kaoree. Bakasyon mo ito." Kumindat siya.
"Sige. Sabi mo eh." Humanap na lamang ako ng ibang gagawin. Kumuha ng pitcher si Jez saka nagtimpla ng juice. Hinanda ko ang mga baso para sa bawat isa sa amin.
"Wala bang sinabi sa'yo si T.H?" Siniko siya ni Marcus. Ngumuso siya at para bang may sarili silang salita na sila lang ang nagkakaintindihan.
"Tungkol saan?" Nakataas ang aking kilay.
"Tungkol sa susunod na date. Alam mo na!" Kakaiba ang pagtawa niya habang nagtitimpla ng juice. Hindi niya siya makatingin ng diretso. Kumalabog ang dibdib ko. May hindi ako gusto sa awra nilang dalawa ni Marcus.
Tinignan ko si Marcus na abalang naghuhugas ng mga ginamit nilang dalawa ni Yuan. Ano kayang hindi ko alam na alam nilang dalawa?
Hanggang sa maghapunan ay iniisip ko pa rin iyon. Sakto naman ang uwi ni Melissa. Naghahapunan na kami ng dinatnan niya kaming lahat. Ang sabi niya ay galing siya sa mga naging kaibigan niya noon. Napasarap ang kwentuhan kaya siya ginabi.
Natulog ang lahat matapos ang dalawang oras para sa paghahanda sa pag-uwi namin. Iniisip ko palang na may pasok na sa loob ng ilang araw ay sumasakit ang ulo ko. May random number na tumawag sa akin.
Anong oras na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Siguro ay prank call ito. Bumangon ako saka uminom ng tubig. Tinitigan ko ang pagkinang ng mga bituin mula sa bintana ng kusina. Tulog na kaya si T.H?
Biglang lumamig ang paligid. Ngumiti ako.
"Ma! Pa! Siguro kayo 'yan ano? Huwag po kayong mag-alala. Inaalala ko rin naman kayo! Nagtampo agad!" Binaba ko ang baso sa mesa at naghila ng upuan.
Humalumbaba ako habang nakatingin sa mga bituin. Nagflying kiss ako sa mga iyon. "Syempre namimiss ko kayo. Sina Lolita dadalawin ko sa susunod na buwan. Malaki na rin po ang ipon ko Ma, Pa."
Huminga ko ng malalim. "Pagkatapos kong magcollege sisiguraduhin ko. Si Lolita hindi na siya ang magsasaka sa bukirin niya. May mga trabahador na siyang gagawa nito para sa kanya." Sumikip ang dibdib ko. Namuo ang luha ko."Pinaiiyak niyo naman po ako!"
"Syempre kagaya ng pangarap natin para sa kanya, tutulungan ko si Lolita na palawakin ang negosyo niya sa pagtatanim." Pinalis ko ang luha na mula sa magkabila kong mata.
Tumayo ako at inayos ang upuan kong ginamit. Huhugasan ko sana ang baso ng tumigil ako dahil sa kaluskos mula sa likod ng bahay. Nilunok ang namuo kong laway.
"Huwag po kayong magbiro ng ganyan Ma, Pa. Alam ko pong miss niyo ako pero huwag po sa ganitong paraan." Nanlamig ang mga kamay ko pababa ng aking mga paa.
Palapit ng palapit ang kaluskos. Nagmadali akong hanapin ang maliit na kawali na kaninang ginamit sa pagluluto. Nakita ko iyon na nakalagay sa ibabang bahagi ng cabinet.
Ayos na ito para sa panghampas sa kung sinuman na masamang loob na nakapasok dito. Humanda siya sa akin. Talagang pompyang ang mukha niya pag nagkataon.
Nagtago ako sa tagiliran ng mataas na refrigerator. Ibang kaluskos na ang aking narinig. Yabag iyon ng paa. Hinanda ko ang aking sarili. Nagstretching ako at pinuwesto ang aking siko kapantay sa aking dibdib.
Nang makita ko ang anino nito malapit sa ref ay lumabas ako at hahampasin ko na sana siya ng—hinila niya ako palapit sa kanya. Hinapit niya ang aking bewang. Nalasing ako sa pabango niyang amoy mamahalin. Nanlambot ako hindi lang sa aroma nito kung hindi sa lalaking nasa harap ko.
Kinuryente nito ang buo kong pagkatao mas lalo na sa susunod niyang ginawa. Nilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga. Bumulong siya. "Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" Kinagat ko ang aking ibabang labi.
Kumurap ako ng ilang beses matapos niyang ipantay ang kanyang tingin sa mga mata ko. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Nakaawang ang kanya at—
"Hindi ka pa nag to-toothbrush." Tinulak ko siya ng bahagya kaya kumawala ako sa hawak nito.
"Ayos lang naman. Masarap ang ulam niyo, steak." Kalmadong wika niya habang nakapamulsa.
Nagmadali akong kunin ang aking toothbrush Pinanood niya ako sa aking ginagawa kaya naman nangamatis ang pisngi ko. "Ey! Enebe! Alam kong Dyosa ako pero huwag ke nemeng genyen!"
"Bilisan mo na lang dyan at may pupuntahan tayo." Utos nito. Ngumuso ako. Ano ba 'yan hindi manlang pinansin ang pagpapabebe ko.
"Huwag kang magmaktol kung ayaw mong walis ang ang gamitin kong panglinis dyan sa ngipin mo." Nawalan ng balanse ang kamay ko ang nahulog ang toothbrush sa lababo. Mabilis kong kinuha iyon at hinugasan.
Ang panget pakinggan pero bakit pag sa kanya ang sweet ng dating?
Sinampal ko ng mahina ang magkabila kong pisngi. Ano bang iniisip mo, Kaoree! Puro ka kalandian! Baka nabasa lang 'yun ni T.H sa mga libro or sa Facebook at sinabi niya lang 'yun dahil...uhm…
"Tapos ka na ba?" Humakba ako paatras.
"Ah… Oo tapos na ko." Ngumiti ako ng pilit upang hindi ipahalata na naalala ko pa rin ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Heartthrobs In One Roof (Completed)
RomantizmSi Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang m...