75

42 3 1
                                    

Emergency

Mayroon pag-ibig na hindi talaga para sa atin. May mga bagay na kahit gustuhin mo hindi pwedeng mangyari. Kahit anong laban mo, wala talaga. Siguro gano'n nga talaga ang pag-ibig. Kahit anong gawin kong pagpapaniwala sa sarili ko na mahal ako ni T.H ay hindi nito matatakluban ang kasinungalingan.

Sa tingin ko, minahal niya ako kahit kaunti lang. Kaunti lang kaya hindi sapat iyon para hindi niya ko ipaglaban. Kaunti lang kaya naging sapat iyon para hindi niya ko ligawan.

Masakit 'yung pinakilig niya ko pero hindi niya naman kayang panindigan. Mas lalong masakit dahil hindi naman siya ang una kong nagustuhan kung hindi si Wyn. Mas nakakatanga dahil umasa ako sa bagay na hindi naman pala mangyayari.

Pinakatangang bagay na ginawa ko ay nagsettle ako sa walang label at sa taong hindi manlang nilinaw kung ano bang relationship status niya sa babaeng nakasakit sa akin. Humarap ako sa party na iyon para patunayan na suportado ko siya pero hindi ko ibig sabihin na ayos lang sa akin ang itanggi ako.

Kumalam ang sikmura ko matapos ang biyahe namin ni Latrelle papunta sa bahay nila. Wala ang mga kapatid niya at ang mga magulang naman nito ay nasa kwarto para magpahinga. Ang kasambahay nila ay hinayaan kami sa aming ginagawa.

Nagluluto ako ng sopas para sa aming dalawa habang siya ay nagtitimpla ng kape. Nagkwe-kwento siya ng mga nangyari sa varsity team nila pero wala akong naintindihan. Mas ramdam ko ang sakit ngayong oras na ito.

"Nakakainis ang Yumi na 'yun. Para siyang kabute." Isa rin ang babaeng iyon sa  kanina niya pang kinukwento. Pero hindi malinaw sa aking kung sino nga ba iyon.

Nang naluto na ang sopas ay hinain ko iyon sa mesa. Naghimala naman siya ng upuan para sa aming dalawa. Inalok niya ang isa sa mga kasambahay nila na kumuha ng tubig galing sa refrigerator.

"Ang babaeng iyon sigurado akong nagpapacute lang siya kaya madalas nanonood ng laro namin." Wika niya saka humigop ng sabaw. Tinitigan ko siya sa ginagawa nito.

"Hindi lahat ng babae nagpapacute sayo, Latrelle. Huwag ka ngang mahangin." Tamad kong sagot matapos kong hipan ang sabaw.

"Palagi niyang pinipicture-ran ang team namin at bakit hindi na lang team ni T.H." Huminto siya sa kanyang sinabi.

"Ayos lang kahit ilang beses mong banggitin ang pangalan niya." Hinila niya palapit ang kanyang kinauupuan. Tinitigan niya ko. Umiwas ako sa mga mata niyang iyon. Iba ang naalala ko sa kung paano siya tumitig.

"Baka kailangan na natin bilisan. Inaantok na ako at hinahanap na siguro tayo ng mga kaibigan mo." Tumango siya sa tinuran ko at nagpatuloy sa pagkain. Matapos nito ay nanood muna kami para magpahinga. Papikit-pikit ang mga mata ko habang nanonood ng teleserye. Hindi ko napigilan ang antok ko. Ang huli kong naaalala ay ang paglapit ni Latrelle sa akin upang saluhin ang ulo ko.

Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama pero mas nanaig sa sistema ko ang pagkapagod. Nakapikit pa rin ako dahil sa pagkaantok. Half open ang aking mata ng pinanood ko kung paano ako kinumutan ni Latrelle. Nilagay niya rin ang cellphone ko sa tagiliran ng kama. Maingat ang paglakad nito at pinihit ang seradura ng pinto dahan-dahan.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa malakas na ringing tone ng aking cellphone. Hindi ako makamulat ng ayos dahil sa mga mutang nakaharang sa aking pilikmata.

"Si Melissa siguro iyon o, si Jez." Sambit ko sa aking sarili habang inaalis ang muta. Tinitigan ko ang paligid. Blue ang kwarto pati na rin ng kurtina. Napahawak ako sa dibdib ko nang naalala ko kung ano nangyari. Lumunok ako ng bahagya at para bang may batong nakaharang sa aking lalamunan.

Bumalik ang nangyari kagabi sa aking utak. Kung pwede lang sana matulog habang buhay ay ginawa ko na para hindi ko maalala ang sakit na iyon. Nanlalambot kong dinampot ang cellphone ng tumunog itong muli sa isa pang pagkakataon. Tinignan ko kung kaninong pangalan ng lumitaw. Bakit kaya ang agang-aga ang pagtawag nitong pinsan ko?

"Ate, si Lolita nasa ospital! Kailangan mong umuwi!" Bulalas niya. Nanginig ako sa sinabi nito at para bang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Ate! Kailangan ka namin! Hindi ko sinabi agad kasi akala ko kaya namin. Dalawang araw na si Lolita sa ospital. Hinahanap ka niya, Ate!" Durog ang boses ni Lucky mula sa kabilang linya.

"Oo. Uuwi ako ngayong araw! Sige na, ibaba ko na muna itong tawag para makapaggayak ako at umalis."

"Sige, Ate. Mag-ingat ka!" Huling sabi niya bago ko ibaba ang tawag.

Nagmadali akong imisin ang pinaghigaan ko at hindi ko na nagawang magpaalam sa pamilya ni Latrelle. Nagsabi na lamang ako sa mga kasambahay nila tungkol sa nangyari. Mabilis akong sumakay ng tricycle at mabuti na lang ay naabutan kong nagwawalis si Wyn ng harapan kaya siya muna ang nagbayad ng pamasahe ko. May pagtataka sa titig niya matapos kong magpasalamat dahil sa ginawa nito.

Mabilis kong inimpake ang mga gamit ko at muntik pa kong atakihin sa puso ng namalayan kong nakatayo si Wyn sa harapan ko. "Saan ka pupunta?"

"Kailangan kong umalis dahil sa kalagayan ni Lolita. Sana maintindihan mo at alam kong maiintindihan rin nila." Huminga siya ng malalim at tinulungan ako sa ginagawa ko.

"Wala na kaming mahahanap na kapalit na katulad mo." Aniya matapos i-zipper ang luggage bag ko.

"Sus! Imposible! Si Jez maraming kilala yun!" Tinapik ko siya sa balikat.

"O, siya. Magbibihis muna ako. Labas ka na muna." Hindi siya nagdalawang-isip na sumunod. Nilabas niya rin ang luggage ko. Nagshirt na lamang ako at skinny jeans. Binuksan ko ang pinto at hindi lang si Wyn ang nasa harap ko kung hindi si Latrelle.

Nakapajamas pa ito at gulo ang buhok. Naghihikaos siya sa paghinga habang nakaagapay sa pader. "Ihahatid kita sa airport." Sabi nito saka inagaw kay Wyn ang luggage na hawak.

"Huwag na kaya ko na." Kukunin ko sana ang mga gamit ko sa kanya pero ayaw niyang ibigay.

"Kahit sa huling pagkakataon Kaoree pagbigyan mo ako." Nagkatinginan kami ni Wyn at nagkibit-balikat siya. "Sige. Pero sa isang kundisyon, ilibre mo ako ng umagahan!"

"Oo naman, lugaw girl! Walang problema!" Ginulo niya ang buhok ko.

Matapos niyang magpalit ng damit ay hinatid niya ko papuntang airport. Hindi ko na nagawang nagpaalam sa iba pa naming kaibigan. Dahil malamang ay tulog pa sila ngayong umaga. Nakapagdesisyon na rin akong saka ko na lang sasabihin sa kanila kapag nandoon na ako para hindi sila makapag-alala. Saka sigurado naman akong sa oras na tumuntong akong probinsya namin ay gising na sila.

Mahigpit na yakap ang huling pagtatagpo namin ni Latrelle at gano'n din ang ginawa ni Wyn bago ako umalis kanina. Paulit-ulit ang pagpapaalala ng dalawa na mag-ingat ako. Pagkasakay ko ng eroplano at pagkalipad nito ay gumaan ng bahagya ang kalooban ko. Ngunit napalitan ito ng bigat matapos kong makita ang view mula sa himpapawid.

Sisiguraduhin kong sa pagbalik ko ay ayos na ako. Ngumiti ako sa aking sarili. Sinalpak ko ang earphones sa aking tenga at umidlip.

Isa-isang bumaba ang mga pasahero makalipas ang dalawang oras na biyahe. Sinalubong ako ng pinsan ko at nag-effort pang maggawa ng banner. "Ate!" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sa ospital na ako didiretso. Gusto ko ng makita si Lolita." Tumango siya at hindi niya ako binigo. Kalhating oras ang biyahe mula rito papuntang ospital kaya lantang gulay ako.

"Kanina lang Ate sinabi ng doctor ang resulta ng test sa kanya. Malala na ang sakit ni Lolita." Malungkot na saad ni Lucky habang nagmamadali kaming pumunta sa room nito.

Payat ang braso ni Lolita. Pilit siyang ngumiti pero ramdam anglungkot sa singkit niyang mga mata. Niyakap ko siya at gano'n din siya sa akin.

"Apo, may isa akong hiling bago ako mawala." Humiwalay siya sa yakap ko.

"Pwede bang dito ka na lang mamalagi hanggang sa mawala ako?" Alam kong masakit na hindi ako babalik para mag-aral sa syudad. Masakit din na hindi ko alam kung magkikita pa kami ni T.H at nang iba ko pang kaibigan. Pero ang alam ko, mas kailangan ako ng pamilya ko.

"Oo, Lolita. Saka huwag mo ngang sabihin yan. Hindi ka pa mawawala." Hinalikan ko siya sa noo saka lumandas ang luha sa tagiliran ng aking mga mata.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon