17

41 7 1
                                    

Naisahan

Tahimik ang gabi at tanging hampas ng alon nang lawa ang siyang maririnig. May ilang tunog ng mga sasakyan ang paminsan-minsan na sumasabay rito.

Sa palagay ko alas-dose na nang gabi. Ayaw ng diwa ko matulog dahil sa kakaisip ko kila Mama at Papa. Parang nakangiti naman ang mga bituin ng sandali akong sumilay sa mga iyon sa kalangitan.

Isa pang bumabagabag sa akin ay ang kalagayan nina Lolita at Lucky. Nakisuyo ako kanina kay Jez na padalhan ang dalawa ng pera. Sa katunayan nga ay hiram ko pa ang perang pinadala ko sa kanila.

Ayaw ko sanang manghiram kaso si Jez ay bukas-palad na tumulong. Alam kong kailangan niya iyon sa nalalapit niya iyon para sa mga make-ups niya kaya ayoko sanang tanggapin.

"Girl, kilala kita! Hindi ka natanggi sa grasya! Nasaan na ang kapal ng mukha mo?", tanda kong sabi niya.

Yakap ko ang sarili habang hinahaplos ang aking mga braso. Lumamig ang panahon kaysa kanina dahil sa hangin. Malamig man ngunit masarap iyon sa pakiramdam kaya napapikit ako.

Lumabas ako sa bahay kubo. May maliliit na helera na upuang kahoy at dun ako umupo. Saka ko lang napansin na may fish pond pala rito. Sa halos isang buwan ko riti ay ngayon ko lang napansin iyon.

Hindi pa kasi ako nakakapaglibot sa labas ng mansyon dahil ang akala ko ay wala ng ibang magandang tanawin dito bukod sa Laguna De Bae.

Tumaas ang balahibo ko ng bumadya muli ang malamig na hangin. Kumuba ang likod ko upang mas mayakap ko ang aking sarili.

Naramdaman ko ang biglaan na paglagay ng mainit na tela mula sa aking likuran.

Kumurap ako ng ilang beses. Akala ko ay namamalikmata ako. Si T.H ay nakatayo habang nakalagay ang parehas na kamay sa bulsa ng shorts nito.

Umupo siya pero hindi sa tabi ko. Kung hindi sa kabilang upuan.

"Salamat", maikli kong sambit.

Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Narinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga.

Mukhang malalim ang iniisio nito. Nakatingin siya sa malayo na para bang hindi nakurap ang mga mata nito.

Para siyang nagliwanag na anghel dahil sa liwanag ng buwan. Ang maganda nitong ilong ay nadepina dahil sa kanyang anino. Pinagmasdan ko kung paano niya lunukin ang sarili nitong laway.

"Anong tinitingin-tingin mo?", malamig ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng mabilis dahil hindi ko alam kung dulot ng pagkatakot ang mabilis na pagbuso ng puso ko.

"Kapal. Syempre hindi!" Mariin kong pagtanggi.

Siguro ay na starstruck lang ako sa itsura niya.

Para malibang ay nilaro ko na lang ang mga bato sa harap ko gamit ng aking paa. Hindi ko alam kung guni-guni na nakatingin siya sa akin o asyumera lang ako ng taon.

"Aba! Madaling araw na. Nagdadate pa kayo!"

Lumingon ako sa pamilyar na boses-boses ng mayabang.

"Hindi ko alam na katulad pala niya ang tipo mo, T.H", halakhak ni Latrelle na may muta pa sa mata.

Tumayo si T.H at sinalubong ang kaibigan niya. Walang emosyon ang mga nito. "Hindi ko siya type"

Bumalik na siya sa loob matapos sabihin iyon. Hindi ko manlang naibalik ang jacket niya. Masyadong mabilis ang lakad nito.

"Basted ka na kaagad. Hindi ka raw type", mapang-asar ang tono ng salita nito.

Tumabi siya sa akin at bahagya akong lumayo.

Istorbo ang mayabang na ito sa pagmomoment ko. Hindi ba siya maalam ng word na privacy? O, hindi manlang maalam makiramdam at magpasintabi?

"Bakit gising ka pa ha?", nilapit niya ang mukha nito sa akin. Amoy ko ang hininga nito na humalo sa samyo ng hangin.

"Bad breath ka. Lumayo ka nga!", pero imbis na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit kaya lumayo ako ng lumayo sa kanya.

"Mas mabango pa to' sa fabric conditioner mo", halakhak niya.

Lumayo pa ko hanggang sa...

Hinapit niya ang bewang ko. Kaya halos magdikit ang katawan namin dahil sa ginawa niya. Kumabog ang dibdib ko ng napagtanto na ang mukha namin ay malapit sa isa't-isa.

Para akong malalagutan ng hininga dahil dun. Tinulak ko siya saka ako tumayo.

"Kumalma ka. Bakit ka kasi layo ng layo?" sabi nito.

Hinarap ko siya bago ako magsimulang naglakad.

"Kung hindi ka ba naman lapit ng lapit sa akin! Hindi sana ako uurong!" Padabog akong humakbang.

Hindi siya sumagot pero humagikhik siya.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" matapang kong tanong. Pero imbis na sumagot ay humagalpak siya sa tawa. Tinuro niya ang likod ng shorts ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nabutas iyon dahil siguro sa pako. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa hita ko.

Agad ko namang nilagay ang jacket ni T.H dun upang matakpan ang butas.

"Salamat! Ang gentleman mo!" sarkastikong sambit ko.

Pumasok ako padabog sa loob. Naabutan ko si Marcus na kakatapos lang magtimpla ng gatas.

"Kaoree, saan mo nga pala nilagay 'yung..."

Tinuro ko kaagad ang tinapay bago niya matapos ang gusto niyang sabihin. Nasa taas iyon ng refrigerator katabi ng iba't-ibang klase ng palaman.

"Bakit parang ginusot na papel ang mukha mo?", pahabol na tanong nito.

Pero imbis na sagutin siya ay nagpatuloy ako sa paglakad pataas ng hagdan.

"Naisahan ka ba ng kaibigan ko?"

Awtomatikong dumagundong ang puso ko dahil sa tanong niya. Mabilis na nagflashback ang nangyari kanina.Para bang ginamitan ng remote ang utak ko dahil sa mabilis na backward ng pangyayari.

Inalog ko ang utak ko. Ano ba, Kaoree!?

Ang malandi mode kay Wyn lang 'yun.Hindi para sa iba. Saka si Latrelle talaga? Eww.

Oo na, gandang-ganda na ko sa sarili ko kaya choosy ako!

"Huy? Ayos ka lang ba?"

Gusto niya talagang ipaalala 'yung nangyari kanina at hindi ko malimutan?

Humugot ako ng malalim na paghinga at umaktong normal.

"Oo.Ayos lang ako. Saka anong sinabi mong naisahan ako ng kaibigan mo?"

Kumamot siya sa ulo at hindi nagawang sumagot.

"Over my Goddess body. Eww", umikot ang mga mata ko.

Nang mapansin kong lumabas si Marcus upang sumunod sa kaibigan niya ay agad akong tumakbi. Mahina ang pagsara ko ng pinto ng kwarto at nagtaklob ng unan sa mukha.

"Ano ba, Kaoree!? Wala lang 'yun!"

Bakit naman kasi gano'n 'yung tanong ni Marcus!? Naisahan!? Hindi nga ako hinalikan.

Ay! Bakit naman gano'n? Parang nagdedemand ako?

Okay! Stop, Kaoree. Itulog mo na lang 'yan.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon