68

36 1 1
                                    

68

Matapos ng pagbanyo nila ay pumunta naman kami sa sinehan. 'Yun ang pinag-usapan ng dalawa. Nagkwentuhan din sila sa kung anong palabas ang uso ngayong panahon. Ako naman ay nakiki-oo lamang sa mga binanggit nila pero sa totoo lang wala akong maintindihan.

"Ikaw ba Kaoree anong gusto mong panoorin?" Sa wakas ay pinansin ako ni Latrelle. Parang silang dalawa ang nagda-date at ako ang kanilang chaperone.

"Ako? Gusto ko ng horror sana." Nakangiti kong sabi. Nagkatinginan silang dalawa.

"Sige." Matipid na sagot ni T.H. Pumila kami upang bumili ng ticket.

May ilan na mga babae na lumapit kay Latrelle. Sinamantala ni T.H ang pagkakataon saka hinalikan ako sa noo. "Gutom ka na ba?" Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Enebe!

Inayos niya ang takas na hibla ng aking buhok at nilagay iyon sa tagiliran ng aking tenga. "Medyo." Nahiya kong sagot.

"Sandali." Bago pa man ako makapagtanong ay tumakbo na siyang palayo. Pinagmasdan ko ang malapad niyang likod hanggang sa nawala siya paningin ko dahil sa dami ng tao. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin matapos ang usapan ni Latrelle. Nadagdagan pa iyon ng mga hindi ko kilalang tao.

Sa istilo ng pananamit nila na nakajersey jacket at idagdag pa ang height ng mga lalaking ngayon na kinakausap niya ay mukha silang varsity player. Ang isa sa mga roon ay ngumisi sa akin. Ngunit may humila sa akin at payakap iyon sa kanyang katawan. Pabango ng pamilyar na lalaki ang siyang na amoy ko kasabay nito ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Hinarangan niya gamit ng sariling kamay ang mga mata ko mula sa lalaking mohawks ang buhok na kanina ay nakatingin sa akin. Binaling niya ang mukha ko sa kanya. "Babayaran ko lang itong ticket natin."

Inabot niya sa akin ang isa sa mga popcorn na binili niya. Mabilis lang ang ginawa niya saka tinawag si Latrelle. Kumamot siya sa ulo. "Ayt. Oo nga pala. Pasensya na napasarap ang kwentuhan."

"Alam mo ayos lang. Pwede ka naman sumama sa kanila kung gusto mo." Ngumuso ako. Kinurot niya ang magkabila kong pisngi.

"Tampo naman ang baby ko niyan. Huwag kang mag-alala nandyan naman ang alalay natin." Tumingin siya kay T.H saka ngumisi ng mapang-asar. "Maalalahanin pa at binili tayo ng popcorn."

"Alam mo hindi ako nagtatampo. Huwag kang feeling ha." Totoo naman iyon saka isa pa. Mas okay sa akin na kaming dalawa na lang ni T.H. Ewan ko ba kay Latrelle. Hindi naman ako um-oo sa kanya tapos sumulpot siya.

Syempre Kaoree ang ganda mo kaya! Natural magkandarapa ang mga lalaki sayo. Sa isip ko ay sumayad na sa sahig ang buhok ko.

"Sa gwapo kung ito natural lang na maraming babae talaga ang kumakausap sa akin saka tignan mo nga walang kumakausap kay-" napahinto siya sa kanyang sinabi ng ang mga babae ay nakatingin kay T.H imbis na sa kanya. Pa-simpleng kumukuha ng litrato ang mga babae sa kanya. Lumapit ako kay T.H.

Inangat ko ang aking tingin. Ngumisi siya. Alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Bumaba siya upang magpantay kami. "Sa susunod sisiguraduhin kong oras na lang natin itong dalawa." Wika niya habang nakapamulsa.

Tumaas ang kilay ni Latrelle at kinuwelyuhan ang kaibigan. "Hoy! Anong sinabi mo sa kanya ha."

Nakangiti lamang si T.H ng makahulugan habang paulit-ulit siyang kinukulit ni Latrelle hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sinehan. Wala pang kalhating-oras ay tila nanginginig silang dalawa. Nang dumating na ang pumapatay at iniisa-isa ang kaibigan ng bida ay para bang babaeng umirit si Latrelle.

Natapon ang karamihan sa popcorn niya dahil sa likot nitong manood. Ang isang katabi ko naman ay hindi manlang nagsasalita. Para siyang estatwa na nakaupo. Ni-kainan ang popcorn niya ay hindi ginawa.

Dahil ubos na ang popcorn ko at palapit pala ang palabas sa kalagitnaan ay dahan-dahan ang kamay ko sa paglapit sa kanyang popcorn. Mukha naman siyang konsentrado sa panonood kahit na namumutla ang mukha niya. Sa isip ko ay natawa ako dahil may ganito pala silang side na sa isang Dyosa lang nila pinakita. Syempre sa Dyosang ako.

Bago ko pa man magawa ang balak ko ay mabilis na hinawakan ni T.H ang palapulsuhan ko. Itinuon niya iyon sa head rest ng aking upuan na naging sanhi upang lumapat ang batok ko roon. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Malamig dito sa loob ng sinehan pero dahil sa distansya ng mukha namin sa isa't-isa ay tila uminit ang aking pakiramdam. Uminit ang aking pisngi at tila ba gustong sumabog ng aking dibdib. Lumunok ako habang nakatitig sa akin ang itim niyang mga mata.

Binitiwan niya ako agad. Kinabahan ako ng naisip kong may Latrelle nga pala sa tabi namin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya na naglalakad papunta sa pwesto namin ni T.H. "Sorry hindi ako nakapagpaalam kanina ko pa gustong magbanyo."

"Ayos lang." Kalmadong sambit ni T.H na para bang walang nangyari kanina.

"Nga pala, Kaoree. May first kiss ka na ba?" Out-of-nowhere na tanong ni Latrelle.

Hinampas ko siya sa kanyang ulo. "Ka-manyakan mo ha!"

Hinimas niya iyon saka lumabi. "Tinanong ko lang naman kasi tignan mo." Tinuro niya ang couple na malapit sa amin. Kitang-kita na naghahalikan silang dalawa.

"Try nga natin 'yon isa lang." Humagalpak si Latrelle sa sariling sinabi.

"I-try mo sa sarili mo! Manyak!" Umikot ang tingin ko.

"Ang manyak, hindi nagpapaalam saka wala naman akong ginawa sayo." Sumipol siya at prenteng umayos ng upo.

Umayos na rin ako ng upo upang ibaling ang atensyon ko sa pinanonood namin. "Siguro may ginawa kayo ni T.H habang wala ako."

"Malisyoso ka!" Awtomatikong nangamatis ang pisngi ko. Para siyang may toyo. Ganito ba ang epekto ng popcorn sa kanya, o nang palabas?

"Alam ko naman wala. Saka alam ko naman ako ang magiging first kiss mo. Mwaa!" Confident niyang sambit saka nagflying kiss na nakakaloko.

Kung alam niya lang kung sinoang first kiss ko. Huminga ako ng malalim at umiling. Nahuli kong nakangiti si T.H mag-isa habang kumakain ng popcorn. Bakit naman siya nakangiti? Anong mayroon? May saltik na yata ang isang ito.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon