22

48 8 1
                                    

Tinapay

Kahit huli akong nakatulog sa kanila ay maaga pa rin akong nagising para maghanda ng aming pagkain kasama na ang dadalhin namin sa hiking.

Naging awkward ang pakiramdam ko ng biglang sumulpot si T.H sa likuran ko para tignan ang aking niluluto.

Bakit naman ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Masarap?"

What the-ano ba namang tanong 'yan!

Alam kong walang ibang meaning iyon sa kanya pero iba kasi ang takbo ng utak ko.

"Iyong ulam ba?" tanong ko kasi kung ako masarap talaga.

Kapag ikaw T.H mas masarap ka. Sa ganda ba naman ng hulma ng katawan mo at may abs pang bonus.

Tinikman niya iyon gamit ang kutsara . Hindi naman siya umimik para kumpirmahin kung masarap nga iyon.

Naghanda lang siya ng placemats saka mga pinggan. Si Latrelle na bagong dating sa kusina ay humikab pa at nasa likod si Marcus na nakasuot ng pajamas.

"Nilalagnat yata itong kaibigan natin!" aniya ni Latrelle saka tumawa.

"Anong nangyari T.H? Hindi ka naman naghahanda ng pagkain ah?" kumamot sa ulo si Marcus saka tumulong na rin.

Si Latrelle ay umupo lang du'n upang manood sa ginagawa ng dalawa niyang kaibigan. Tamad talaga ang isang ito.

Nang matapos maluto ng ulam ay hinanda ko na ito sa mesa. Sakto naman ang pagdating nina Wyn at Jez.

Hagalpak sa tawa si Latrelle ng mapansin niya ang BB cream at lip tint ni Jez. Ganyan talaga ang aking kaibigan hindi pwedeng wala siyang BB cream nailalagay pati na rin lip tint.

"Maghihiking tayo naka make-up ka pa?" bati ni Latrelle sa kanya.

"Beauty is life" nakangiting sambit nito.

Uupo na sana ako sa tabi ni Jez pero nakakapagtaka na sa pwesto ni Wyn nakaupo si T.H kaya ang siste ay nasa gitna nila akong dalawa.

Tahimik niya kong pinaghila ng upuan. Wala namang nakapansin sa ginawa niya dahil abala ang apat sa kwentuhan tungkol sa ayos ni Jez.

"Maalis din kasi mapapawisan ka" aniya Marcus.

"Ano ba, guys? Do what makes you happy kaya gano'n ang ginagawa ko" sabi naman ni Jez na inabot sa akin ang kanin.

Si Wyn naman ay tahimik na nakikinig sa pag-uusap ng tatlo. Mabilis lang kaming natapos sa pagkain dahil sa kulit ni Marcus. Excited na kasi itong maghiking. Kung pwede nga lang na isama niya ang kanyang Papa ay ginawa niya kaso busy raw iyon sa trabaho.

"Kailan ba naging libre si Tito Mercusio?" aniya ni Latrelle na kabababa lang mula sa kwarto niya.

Naka-hawaiian shirt siya at pati rin ang shorts nito. May maliit siyang itim na bagbag na bitbit at naka sneakers na sapatos.

Nagpogi sign siya ng tumingin sa akin at sinuot ang kanyang salamin. Rumampa siya na parang isang model sa kabubuan ng salas.

Humagalpak sa tawa si Marcus na pinakaunang natapos magbihis sa amin. Imbis na sagutin ang tanong ng kaibigan. Binato niya iyon ng throw pillow. "Beach ba ang pupuntahan natin, bro?"

Kahit si Wyn na kabababa lang din ay hindi napigilan ang pagtawa. Simpleng jobuzz shirt ang suot nito saka jogging pants na binagayan niya ng sandals na panlalaki. Para siyang model ng mga hikers. Paano niya iyon nagawa ng wala manlang masyadonh effort sa kanyang damit?

Nakakainlove lalo siya.

"Huwag kayong matawa ako lang to'. Ang pinakagwapo sa inyo" muntik kong madura ang kinakain kong tinapay.

"H'wag ka na lang kayang sumama?" suhestiyon ni Marcus. "...kasi parang may sakit ka"

"Natural lang ang sinabi ko!" aniya Latrelle.

Sunod naman na dumating ang dalawa pang iniintay. Hindi na yata natapos si Jez sa pag-aayos niya. Wala namang ibang bitbitin kung hindi ilan na mga damit na pamalit.

Nanood muna kami ng TV habang naghihintay.Mayamaya pa ay napalingon kaming apat sa dalawang nahuli.

"Whoa! Iyan ang model!" hindi ko alam kung sinong tinukoy ni Marcus. Si Jez ba na parang Senyorita sa suot nitong malaking saklob na mala-Bea Alonzo ang dating. O, si T.H na nakashades. Ang damit niyang nagtatalo ang kulay itim at puti ay bagay sa kanya. Lalo pang lumakas ang dating niya dahil sa pocket shorts niya at nakasandals siya na talaga namang nakapagpalakas ng kanyang dating.

"Hindi manlang ako na inform na rampahan pala ang ganap ngayon" bulong ko. Nagtaka ako ng tumawa sila.

Nakatingin silang lahat sa akin. Hindi pala simpleng pagbulong ang ginawa ko kung hindi malakas iyon.

Isa-isa kaming lumabas matapos ang ginawang pagmodel ni Jez. Napagpasyahan nilang isang kotse na lang ang gamitin at iyon ay ang sasakyan ni Latrelle.

Si Jez ang unang umupo sa may backseat dahil gusto niyang sa tabi siya ng bintana. Sumunod naman ako at kasunod ko si Wyn pero huminto siya. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko na lang pinansin iyon dahil pinupusod ko ang aking buhok. Namalayan ko na lang na si T.H ang katabi ko ng magdikit ang balat namin at parang nanigas ang buong katawan ko. Nabitiwan ko ang hawak kong suklay na agad namang pinulot ni Jez.

"Ano na? Bakit tumulala ka dyan?" wika nito.

"Ha? Tumulala? Hindi ah" buti na lang at walang ibang sinabi si Jez.

Wala namang kakaibang nangyari sa buong biyahe bukod sa nararamdaman ko.

Nang magbukas si Wyn ng tinapay ay binigyan kami nito para siyang isang pulitiko habang namimigay.

Ngumiti na lang ako ng maamoy ko ang amoy niya sa tinapay. Pakiramdam ko matitikman
ko ang ilang parte ng katawan.

Kakagatin ko na sana iyon ng bigla ba namang kuhanin iyon ni T.H kaya sumimangot ang mukha ko. Ano naman kayang problema niya? Alam na gutom 'yung tao mang-aagaw pa ng pagkain.

"Mas gusto ko nito kaysa rito" tinukoy niya 'yung cookies na nilapag niya sa hita ko.

Pinagmasdan ko kung paano niya hatiin ng unti-unti ang bigay sa akin ni Wyn. Kasabay nito ang panghihinayang na hindi ko manlang matitikman si Wyn-ay joke... ang ibig kong sabihin hindi ko manlang matitikman ang bigay niya.

"Kainin mo na 'yan. Akin na ito" sabi ni T.H ng nakangisi. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o sadyang mas gusto niya ang dalang tinapay ni Wyn.

Wala naman akong ibang pagpipilian kaya kinain ko na lang.

"Ayan, gusto ko bigay ko lang ang kakainin mo" bulong nito na halos nagpawala ng pagkatao ko.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon