29

32 4 1
                                    

Pagbuhat

Maraming tawanan at pagpapakilala ang naganap bago nagsimula ang evening prayer.

"Wyn, magpapari ka ba?" tanong ng isa sa mga pinsan niya.

Hindi hamak na mas matangkad siya sa kanya, payat ang katawan at mahaba ang buhok. Mukhang espanyol dahil sa kanyang mga matang tama lang ang sukat ngunit ang ilong niya ay parang tinulisan dahil sa tangos.

"Magpapari itong si Wyn, Piper. Hindi ba anak?" agaran na sagot ng Tita Edlyn hindi pa man nakakasagot si Wyn.

Matamlay ang ngiti ni Wyn kaya bumalik na lang siya sa pwesto kung saan ako nakaupo kasama ang apat niyang kaibigan.

Kumuha lang naman akong tinapay pero may nasagap kaagad akong chismis.

Parang lahat ng anghel ay bumaba sa langit dahil sa dami ng magaganda at gwapong nilalang na nasa harap ko.

"Hi, ang ganda mo naman!" bati sa akin ng babaeng naka baby blue asymmetrical dress. Kumikinang ang maliliit na dyamenta ng kanyang kwintas.

Nilagyan niya ng floor wax iyon kaya makinang.

"Thank you." Siguro nga ay tama si Jex ng pinili. Pinagdala niya ko ng mint green na dress at flat shoes na mukhang bumagay naman sa akin.

"Mas maganda ako. Anong pangalan mo?" maldita ang isang ito ah.

"Kaoree...", nagdalawang-isip akong tanungin ang pangalan niya. Nawalan ako ng ganang makipagclose sa kanya. Sayang kamag-anak pa naman siya ni Wyn. Kamag-anak ng future husband ko. Syempre charot lang!

"Beatrix ang pangalan. Nice meeting you. Makinig ka sa magsasalita mamaya ha. Kung ayaw mong kunin agad ni Lord" paalala niya saka pakendeng-kendeng na bumalik sa mga ka-edad niyang pinsan.

Siraulo talaga ang batang iyon.

Bumalik ako sa aming pwesto at saktong magsisimula na ang evening prayer.

Mukha namang seryosong lahat ang mga lalaking kasama ko. Nakatingin ako kay Marcus. Hindi ko alam kung okay na ba talaga siya, o pinipilit niya lang maging okay.

Malaki ang eyebugs niya at tila pagod na pagod ang katawan dahil hindi siya makatayo ng tuwid.

"Nandoon sa unahan 'yung nagsasalita. Kanino ka nakatingin, girl?"

"Nakatingin ako kay Marcus. Nag-alala ako kung ayos na ba siya", ngumuso ako saka binaling ang atensyon ko sa nasa unahan.

"May dumalaw kanina 'yung pinsan niya may kasamang matanda ginamot siya", bulong ni Jez.

"Ah. Hindi ko alam na may pinsan pala siya", tumango-tango ako. Hindi kaya kamukha rin ni Marcus ang pinsan niya?

Karamihan ng pinsan ni Wyn ay parang photocopy niya. Kahit pala hindi ko mapangasawa siya ay marami akong pagpipilian.

"Dapat nga hindi ko na ipapaalam kasi pag nalaman mo baka harutin mo pa"

Grabe talaga ang tabas ng dila niya. Parang siya hindi maharot. Ilan dati ang nakalandian niya. Tatlong lalaki 'yun ha.

"Wow. Coming from you. Ayoko na lang magtalk"

Hindi na nga kami nag-usap matapos nito. Halos makatulugan ko na ang pagdadarasal kung hindi lang kami umabot sa punto na kailangang lumuhod.

Pinagdasal ko sina Mama at Papa. Sunod naman ang dalawa ko pang minamahal na sina Lolita at Lucky. Naalala ko birthday na ni Lucky next week. Ano naman kayang ibibigay ko sa birthday niya? Debut pa naman niya. Charot lang pala. Twenty-one nga pala ang debut ng lalaki.

Matapos ng evening prayer ay pinaupo muna kami. Lahat sila ay may ka-kwentuhan maliban sa akin. Si Jez ay nasa powder room nagre-retouch ng mukha niya.

Sumigla ang katawan ko ng marinig ko ang sinabi ni Beatrix.

"Umupo lang muna kayo. May kaunti po tayong salo-salo. Dadalhan po namin kayo"

Ayan talaga ang highlights ng gabing ito.

"Nakarinig ng pagkain si Lugaw girl kaya sumigla siya!" halakhak ni Latrelle. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka magkasala ako. Nabawasan na nga, madadagdagan na naman.

"Kain ka na. Alam ko gutom ka na" malambing na sambit ni Wyn ng inabot niya sa akin ang box ng styrofoam at pakete ng juice.

Tumango-tango ako. Na-hipnotismo ako ng ka-gwapuhan niya. Iba ang dating.

Nagsimula akong kumain kahit hindi pa nila binubuksan ang pagkain nila. Bahala sila, mga pakipot!

Gutom na ko. Mahihiya pa ba ko?

Nagsimula na kong kumain ng may pinunasam gamit ng tissue ang sauce ng spaghetti sa gilid ng aking labi.

Umangat ang tingin ko. "Ayusin mo nga ang pagkain mo", aniya T.H.

Nagtaka ako sa ginawa niya. Siguro inaatake siya ng regla niya kaya ayan na naman 'yung mood niya ng pagiging malambing niya.

Shege. Lembengen me pe ke.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng parang hangin na lang ako ulit sa kanya.

Pumasok ako sa kotse ni Wyn ng lupaypay ang aking katawan. Nakatatlong styrofoam ako ng spaghetti at anim na puto.

"Hindi ko alam kung anong pinunta mo. Kung birthday ba, o dasalan" wika ni Jez habang tinutulungan akong masahihin ang tiyan kong kumikirot.

"Masarap ba 'yung pagkain?" tanong ni Wyn mula sa rear view ng kotse.

Tumango ako dahil hindi ko na yata kakayanin magsalita pakiramdam ko ay masusuka ako.

"Buti naman nasarapan ka. Si Mama ang nagluto no'n", masaya niyang sambit.

"O, siya. Tara na. Bago pa maduwal si Kaoree sa tabi ko" mahinang sambit ni Jez habang problemado sa paghimas ng tiyan ko.

Huminga siya ng malalim. "Daig mo pang naglalabor na buntis"

Ini-start na ni Wyn ang kotse pero inihinto niya iyon ng may kumatok.

Binuksan nito ang pinto at mabilis na sumakay sabay baling ng aircon sa pwesto niya.

Akala ko du'n niya gusto sumabay sa dalawa. Bakit kaya nandito siya?

Wala naman kaming sinabi sa kanya ng nagtaka kami kaya nagsimula ng umandar ang sasakyan.

Paggising ko ay nakadantay sa balikat ko si Jez.

"Hoy! Nandito na tayo!"

Gulat siya na para bang nawawala. "Ito na ba 'yun?"

"Ay, may amnesia agad dahil sa pagtulog?", sabi ko.

"Gaga! Nawala lang sa katinuan!"

Nauna silang bumaba sa akin habang ako naman ay unti-unting bumaba. Sa bagal ko ay nauna sa akin si Jez. Si T.H naman ay kanina pang nasa loob ng bahay.

"Gusto mo bang buhatin kita?" sabi ni Wyn. Inintay niya pa yata ako. Nakakakilig naman.

"Halika na, Kaoree" nagulat ako ng binuhat ako ni Latrelle ng wala manlang paalam.

"Huy! Ano ba! Ibaba mo nga ako!" pumiglas ako.

Moment naman ito ni Wyn tapos e-eksena siya!? Ang sarap niyang dagukan.

"Ito na nga. Ang arte." Binaba niya ko pero sa lupa.

Pigil ang tawa niya ng iniwan niya ko sa gano'ng pwesto.

"Pagpasensyahan mo na si Latrelle. Ako na lang bubuhat sayo", hindi pa man ako nakahuhuma sa ginawa ng kaibigan niya ay binuhat niya ko. Kaya gano'n na lang ang gulat ko. Humawak akong mahigpit sa leeg niya.

Pakiramdam ko nasa langit ako kaya napapikit na lang ako dahil sa saya ng pakiramdam. Para akong hinehele ng sampung anghel.

Sana laging ganito.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon