31

34 3 1
                                    

Maganda

Umusok ang ilong ng professor ko dahil kay Mariel, siya 'yung napili ng Prof namin na dapat sanang contestant para sa gaganaping English Literature Pageant.

Hindi kasi sinabi agad nito na hindi siya pwede. Naintindihan ko naman si Mariel dahil gusto niya ang bagay na iyon pero biglaan kasi ang pagluwas ng mga magulang niya sa Maynila.

Pinapasunod siya roon dahil urgent.

"Sir, pasensya na po. Hindi ko po nasabi agad dahil nahihiya ako", hinuhuli ng prof namin ang mga mata niya ngunit sadyang pinili niya na lang tumungo dahil sa kahihiyan.

"Isang linggo na lang ang preparation paano na yan", dagdag ni Vanna na halata namang ginagatungan niya ang galit ng professor namin.

Bakit hindi na lang kaya siya ang pumalit para walang problema?

"Kaya ikaw ang pinili ko Mariel dahil ikaw ang may lakas ng loob na humarap sa stage. Kumpara sa mga kaklase mo." Tumigil sandali si Sir ng inayos niya ang kanyang salamin.

Huminga siya ng malalim habang isa-isa kaming tinignan. Alam ko naman na hindi ako ang pipiliin niya. Hindi niya ko kilala.

"Si Sasha ang pwedeng pumalit sa'yo", sabi niya habang nakahalumbaba sa desk.

Parang bubuyog ang mga kaklase ko dahil sa maliliit na ingay nila. Si Melissa at Wanwan ay may kanya-kanyang rin puna.

"Mas gusto ko talaga si Drianne", aniya Melissa na nakahalumbaba sa arm rest ni Wanwan.

"Pwede naman, bagay naman sila ni Aviel. Hindi ba nililigawan siya nu'n?" sagot ni Wanwan na dahilan para ikataas ng kilay ko.

Hindi ko akalain na may pagkachismosa rin pala siya. Akala ko ay tahimik lang siya at walang pakialam sa mga bagay. Pero nagbabago naman ang tao lalo pa't si Melissa ang katabi niya, hindi malayong hindi siya magiging madaldal.

Si Bruno na nasa likod nito ay humalumbaba sa likuran ng upuan ni Wanwan.

"Pwede naman kaming dalawa ni Drianne hindi ba?", bulong nito sa dalawa. Pero mukhang hindi aprubado dahil mukhang hindi maipinta ang mukha ng mga kausap niya.

Basta ako, wala akong pakialam sa kung sinong piliin nila. Moral support na lang ang ibibigay ko kung sakali kahit si Vanna pa ang piliin nila.

Tahimik lang akong nagtitipa ng ikasampung kabanata ng nobela ko. Hindi naman ako pansin ni Sir dahil mas matangkad ang mga nasa unahan ko.

"Sir, I'm sorry. I can make it. I have a ballet dancing every evening. Kapag po ako ang kinuha niyo ay wala na kong pahinga. I can't assure you that I will do it well", napanganga na lang ako sa ganda ng accent niya.

Tumigil ako sa ginagawa ko ng makaramdam ako ng gutom. Malapit ng magring ang bell para sa tanghalian pero hindi pa rin natatapos ang diskusyon namin tungkol sa programa.

"Okay, then...", ang tono ng pananalita niya ang siyang nagpabalik ng tingin ko sa kanya.

Tumayo siya saka tinuro ako. "You're the last of my ace, Kaoree"

Napatigalgal ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa parehas kong katabi.

"Ikaw raw girl" bulong ni Melissa. Pumalakpak si Wanwan kaya sumunod ang lahat sa ginawa niya.

"Are you okay with that?" gumuhit ang ngiti sa propesor namin kanina lang ay halos pagsakluban ng langit at lupa.

Paano ako tatanggi kung ang mga kaklase ko ay mukhang personal choice rin ako?

Oh, well. Maganda kasi ako kaya hindi na ko nagtaka.

"Naku! Hindi 'yan tatanggi! Go yan si Kaoree!", siraulo talaga itong si Melissa.

Kaya hanggang pag-uwi sa bahay ay dala-dala ko ang pag-alala sa kung paanong paghahanda ang gagawin ko.

Umupo si Jez sa tabi ko. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina kaya go naman siyang tulungan ako.

Tuwang-tuwa ang luka dahil sa sinabi ko. First time niya kasing makikita ako sa beauty pageant. Dati pa naman inaalok tungkol do'n nu'ng high school pa ko. Sadyang ayaw ko lang ibalandra ang kagandahan ko.

Baka kasi madiscover. Mahirap na. Ayoko pa man din sa showbiz.

"Bulag yata ang professor mo kaya ikaw ang napili!" bungad ni Latrelle na mula sa kusina. Nilapag niya ang donut na nilagay niya sa pinggan.

Sumunod naman sa kanya si Marcus na may dalang juice. Siguro sabay silang mag-aaral dito sa sala.

"Sorry ka na lang. Pag maganda talagang pinipili eh!" umikot ang mga mata ko.

"Walang choice ang prof mo. Ikaw nga ang pangatlong choice eh!" ang lakas talagang mang-asar ng kapreng ito.

"Hoy! Ikaw na kapre! Tumigil ka dyan!" sumama ang tingin niya sa akin.

"At least nasa choice pa rin ako kaysa wala!" dagdag ko sa sinabi ko.

Mukhang talo siya sa sinabi ko kaya't nagkibit-balikat na lang siya.

"Kailan ba iyon, Kaoree?" sabi ni Marcus habang binubuklat ang libro niya.

"Sa isang linggo, biyernes" tumunghay siya pagkasagot ko.

"Malapit na 'yun ah! Paano ang costume mo?" muli niyang tanong.

Kinuwento ko sa kanila ang buong detalye. Hindi ko ang problema ang custome dahil halos magkasing katawan lang kami ni Mariel. Ang problema na lang ay talent namin ni Aviel.

Kanina ay nagsabi siya sa akin na kumanta na lang kami. Hindi naman ako na kanta pero pwede na para lang may ma-i-present kami. Babawi na lang sa Question and Answer portion ng pageant.

Pumunta ako sa kusina upang kunin ang home made pizza na ginawa ko. Pinanood ko ito sa isang Italian Youtuber tapos tinuro sa akin ni Wyn kung paano ang dapat gawin. 'Yung una ko kasing gawa nito ay palpak.

"Sasali ka ng pageant?", lumingon ako sa kung sino ang nagsalita.

Kumuha si T.H ng pizza saka tumabi sa akin. Itinuon niya ang isa nitong kamay sa mesa.

Kinabahan ako. Hindi naman gano'n kalapit ang distansya namin pero grabe ang epekto niya.

Tumango ako. "Last ace na raw ako ng prof ko saka gusto rin kasi ng mga kaklase ko", halos mautal ako sa pagsagot.

Kinuha ang pitcher pero inagaw niya iyon sa akin kaya tray ng pizza na lang ang bitbit ko. Nakasunod pa rin siya at hindi pinuputol ang usapan.

"Gusto kong makita ang susuotin mo", hindi iyon bulong ngunit mahina ang pagkasabi niya.

Matapos na ibaba ang tray sa harap nila Jez ay tumungo kay T.H na nakatayo sa tabi nito.

Nagbrowse ako sa aking gallery at ipinakita iyon.

"Maganda. Bagay sayo", sabi niya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

Nakapamulsa siyang bumalik ng kanyang kwarto. Pinigilin ko ang aking kilig sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak ko sa magkabilang side ng palda ko.

"Hoy, girl! Bakit parang kinukuryente ka dyan? Okay ka lang ba?" aniya ni Jez na sumira ng moment ko.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon