46

38 5 1
                                    

Video

"Ayos ka lang ba, Kaoree?" Aniya Wanwan habang pinagmamasdan ang paa ko.

May bukol iyon dahil sa lakas ng sipa niya. Ramdam ko ang kirot nito. Mukhang hindi yata ako papatulugin nito sa gabi.

"Oo naman, hindi naman to' sugat." Pagsisinungaling ko kahit na ahon at sulong ang kaba sa dibdib ko.

"Ang swerte ha! May pagbuhat pa ni T.H kanina!" kinurot ako ni Melissa sa tagiliran.

Matapos ng ilang minuto ng mabendahan ako ay lumabas muna sa T.H dahil may tumawag sa kanya. Habang ang naiwan dito ay kaming tatlo. Si Marcus naman ay naglalaro ng ML sa labas.

"Sorry talaga, Kaoree. Hindi ko sinasadyang masipa ang paa mo." Ngumuso si Wanwan.

"Ano ka ba! Okay nga lang 'yun!"

Matapos ng ilang minuto ay bumangon ako dahil dumating ang nurse na nagbabantay sa akin. Kinausap ni T.H na kababalik lang. Mukha yatang pwede na kong umuwi.

Bagong tayo palang ako ay inalalayan ako ni T.H. Sandali niyang sinulyapan si Wanwan. Lumagablab sandali ang tingin niya sa kaibigan ko kaya hinarang ko ang sarili ko sa pagitan ng dalawa.

"T.H." Saway ko sa kanya dahil mukhang natakot si Wanwan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng sinalubong kami ni Marcus. Nandoon na rin si Latrelle na ka-kwentuhan si Sasha. Nagtatawanan sila ng dumating kami sa harapan nila.

Gusot ang polo niya at hindi nakaayos ang necktie. Napakagwapo niya sa lagay na iyon kaya naman hindi maiwasan na mapalingon ang karamihan sa kanya.

Pero sa huli ay kay T.H pa rin ang spotlight. May mga babaeng kunwari pang bumulong pero pinarinig din naman ang sinabi sa akin.

"Sino ba ang babaeng yan?"

"Ewan ko nga eh. Feeling maganda."

"Yah! Eh hindi naman masakit 'yung dinadamdam niya." Tinignan nung babaeng nakaclip at red lips ang paa ko.

Siya kaya 'yung magkaganito. Umirap na lang ako sa kawalan at kumuha ng bwelo na yumakap sandali kay T.H na hindi napapansin ng lalaki pero mukhang ...

"Anong ginagawa mo?" Umangat ang tingin ko at napakamot sa ulo. "Huh? Uhm..." Tumawa ako ng pilit. "Dinadamdam ko lang kung malambot ba ang katawan mo."

Namula ang pisngi niya at ngumiti. Nalasing ako sa ngiti niya na minsan ko lang masilayan.

Pinitik niya ang ilong ko.

"Tsansing ka lang kay T.H" sabi ni Latrelle.

"Epal!"

Pagdating sa bahay ay hindi ako nakagawa ng ayos. Kung hindi pa ko tulungan ni Wyn ay hindi ako makatatapos sa gawaing bahay. Si T.H ay abala sa practice niya kaya hindi ako natulungan. Ang sabi niya ay tutulungan ako.

Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni Jez habang naghahanda ako ng pagkain.

"Kumusta ang photoshoot mo?" pambungad ko habang inaayos ang pinggan at pinaghila siya ng upuan.

"Kumain ka na at tatawagin ko na sila."

"Ikaw ang kumusta! Anong nangyari?" bumaba ang tingin niya sa paa kong may benda.

"Nilumpo ako ni T.H este nasipa ako ni Wanwan." Kinagat ko ang aking labi at sumulyap sa paligid dahil baka nasa palagid ang apat na lalaki lalo na si T.H.

Hinampas niya ko ng mahina sa ulo. "Gaga! Nasaktan ka na nga. Puro ka pa kalandian!"

Ngumuso ako habang nilaro ang aking mga daliri. "Ito naman parang hindi mabiro."

"Oo nga pala girl. Alam mo ba na to'?"

Nilabas ni Jez ang cellphone niya. Kumunot ang noo ko. "Video?"

"Oo. Panoorin mo."

Hindi ko alam kung bakit biglang pinasukan ng lamig ang katawan ko na abot hanggang batok. Pamilyar ang babaeng nakatalikod. Hawak nito ang dapat kong susuotin sa contest. Mukhang pamilyar ang tindig niya.

Kitang-kita sa CCTV ang ginawa niya pero hindi malinaw kung sino siya dahil may face mask siya at nakasaklob na kulay itim.

Nagkatitigan kami ni Jez. Umalon ang ang Adam's apple niya. Huminga ako ng malalim.

"Kaloka! Hayup talaga kung sino yan! Saka isa pa bakit alam niya kung saan nakalagay ang gamit mo?"

Tinitigan ko si Jez na nakakunot ang noo. Ayokong magconclude pero sumakit ang dibdib ko.

Hind ko makakaya kung siya ang gumawa noon sa akin.

"Ikaw ha! Pumili ka ng ka-kaibiganin mo o kung sino man sa mga kaklase mo ang dapat mong kausapin." Payo ni Jez bago ako iwan na nakatutulala roon.

Hindi niya magagawa yon. Mabait siyang tao. Tinuring ko siyang kaibigan at hindi malabong gano'n din ang turing niya sa akin.

Nagpaulit-ulit akong huminga ng malalim.

Okay, Kaoree. Hindi siya yon.Mali ka ng iniisip.

Lumakad ako papunta sa living room at nabangga ako sa dibdib ni Wyn. Napangiti ako ng makitang Tweety Bird ang suot niya.

"Ang cute ng bird mo. N-nung t-tweety bird!"

Bumaba ang tingin niya sa design ng damit niya at tinuro iyon. Kumamot siya sa ulo. "Ito ba? Salamat."

"Oo nga pala. Tinawag ko na sila para di ka mahirapan. Si T.H ay kadarating lang."

Tumango ako.

Habang kumakain sila ay hindi ko maiwasan na isipin kung sino ang nasa video.

"Alam niyo ba may nagleak ng video ng CCTV ng school!" Umangat ang tingin ko kay Marcus. Seryosong nakikinig ang lahat sa kanya na kahit pagbagsak ng kutsara ko ay hindi nila pansin.

"Tungkol saan?" himalang naging interesado si T.H.Nilapit niya ang kanyang upuan.

"Yung sumira ng damit ni Kaoree. May sabi-sabi na si—"

"Tama na, Marcus. Huwag na natin pag-usapan 'yon." Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin. Si T.H ay nakakuyom ang kamao.

"Ayokong babanggitin niyo iyon. Hindi siguradong siya 'yun."

"Pero, Kaoree dapat maparusahan siya. Saka isa pa—" katwiran muli ni Marcus.

Bumulong sa kanya si Latrelle. "Hayaan mo na."

Ngumiti ako ng mapait. "Tama. Hayaan na natin. Kung sinuman ang nasa isip mo ay sayo na lang iyon."

Inisip ko iyon buong gabi. Ilang beses akong nagpaikot-ikot sa kama upang makatulog pero tanging betrayal lang ang nanaig sa isip ko. Tila ba ayaw nitong patulugin ang diwa ko.

Tumayo ako para lumabas sana pero si Latrelle ay nakabwelo sa harap ko para sana kumatok.

Sa isang kamay niya ay may dala siyang light bear.

"Inom?" Tumawa siya ng mahina.

"Hindi ako iinom." Tumabi siya sa daan ng mapansin na gusto kong lumabas.

"Kwentuhan lang. Ayaw mo ba?"

Ngumiti ako. Mukhang mabibinyagan ako ngayon ng alak. "Sige. Pero konti lang ha."

"Huwag kang mag-alala kung sinuman ang gumawa sa'yo non. May araw rin siya."

"Hindi ba pwedeng gabi?" tumawa ako sa sarili kong joke.

"Ewan ko sayo, lugaw girl."

Napangiti muli akong ng naramdaman kong may tao talaga na kahit hindi mo sabihan ng nararamdaman ay ramdam ang lungkot mo.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon