51

33 4 1
                                    

Katok

Sinong mag-aakalang makatatagal ako kasama ang limang lalaki sa iisang bahay?

Kusang ngumiti ang labi ko habang pinagmamasdan ang picture nilang lima na nakasabit sa pader ng sala.

Parang kailan lang lang sinupladuhan ni T.H at nakita ko si Latrelle sa isang karinderya.

"Tara na, Kaoree!" Masayang sambit ni Marcus bitbit ang luggage niya.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Melissa ngayon. Nakakapagtaka na kasama siya. Samantalang ang sabi ni Melissa ay ako lang ang inimbita niya.

Wala naman akong sama ng loob na kasama si Marcus pero kakaiba ang lahat.

"Nagpaalam ka na ba kay Latrelle?" Sinukbit ko ang bag pack kong floral sa aking balikat.

Inayos niya ang kwelyo ng kanyang polo saka sinuklay ang sariling buhok gamit ang mga daliri.

"Tulog pa 'yon. Saka hayaan mo na. Surprise na lang na kasama mo ko."

Nang lumabas kami ay nandoon na si Wyn. Pinupunusan ang kanyang kotse. Simpleng pambahay na berde lang ang suot niya saka shorts. Naka-flipflops lang siyang tsinelas pero ang gwapo pa rin niyang tignan.

"Sakay na kayo." Pinagbuksan ako ni Wyn ng pinto sa back seat.

Sumakay si Marcus katabi ko. Sa huling sulyap ko sa mansyon. Kumunot ang noo ko ng makita si T.H na nakatayo sa balkonahe. Tinatanaw niya ang sasakyan ni Wyn.

"Hindi manlang kayo nag-usap?", huling tanong ni Jez matapos akong bisitahin sa kwarto ko kagabi.

Ilang beses kong sinubukan na mag-usap kami pero hindi siya lumabas ng kwarto. Lumabas siya isang beses para uminon ng tubig pero hindi niya ko pinansin.

Nilagpasan niya lamang ako.

Tumaas ang parehas kong kilay ng makita ang babaeng nakasuot ng spaghetti strap at ripped shorts. Inayos niya ang bucket niya matapos akong makita.

"Hi! Kaoree. What a nice morning?" Pinasadahan niya ng tingin si Wyn matapos na bumaba ng kotse.

Natawa na lang ako sa kung paano niyang tignan ang kaibigan ko.

"Shocking ba?" Natawa niyang  dugtong sa sariling sinabi.

"Kasama pala si... what's your name again?" Pagbaling niya kay Marcus na ngayon ay lumapit kay Melissa.

"Marcus." Nakipagkamay siya.

Hindi ako nagulat ng makita sina Vanna at Drianne na humahangos. Tumulo ang pawis nila matapos bitbitin ang luggage nila.

Tatlong araw lang naman kami pero bakit parang maglalayas ang mga kasama ko?

"Tara na. Naghihintay na sina Mama at Papa sa van." Umunang maglakad si Melissa upang igaya kami kung saan nakapark ang van nila.

Ngunit bago kami sumunod ay kumuway muna kami kay Wyn.

"Ingat." Mahina niyang sabi.

Matapos sumakay ng van ay sumakay kami ng eroplano. Abot-abot ang pag-alala ng mga kasama ko lalo na si Melissa.

"Nako! Wala sina Mama. Hindi ko alam ang gagawin, Kaoree." Hindi siya mapakali sa kanyang pwesto.

First time ko palang sa ganitong biyahe. Kapag kasi umuuwi kami ng probinsya ay roro ang sinasakyan namin at hindi eroplano.

"Everything will be fine. Relax, Kaoree." Si Sasha na nag e-enjoy sa pagbabasa ng magazine.

Para bang dinuyan ako ng sinakyan namin na eroplano. Kahit na  inaantok ay hindi ako nakatulog. Inisip ko ang samu't-saring mga bagay na pwedeng mangyari.

Pagbaba namin ng eroplano ay tumalon si Melissa. Nagtaka kami sa ginawa niya.

"Oh my gosh, guys! Who would have thought na tayo lang sa bahay!"

May business kasi ang mga magulang niya na hindi nila pwedeng iwan kaya hinatid lang kami sa airport. Ang balita ko nga ay nagsisimula ng lumaki iyon kaysa dati.

In-open din sa akin ni Melissa na baka mag a-aral siya sa States para sa pagkuha ng Master's Degree.

"One of the girls pala ako." Napakamot sa ulo si Marcus habang naglalaro ng paborito niyang simulation game.

"Bakit kasi hindi mo in-invite si Latrelle? Or, maybe 'yung cutie at mahinhin na lalaki na kasama mo kanina?" suhestiyon ni Sasha habang nagpapahid ng bb cream.

Tumili naman ang dalawa sa tabi niya 

"Oo nga! Saka mukha naman single 'yung kasama mo kanina." Kuminang ang tsokolateng mata ni Vanna. As if naman na papatulan siya ni Wyn.

"May bakasyon silang sarili saka um-oo na ko kay Melissa." Dahan-dahan kaming napatingin kay Marcus. Hindi maiwasan na bigyan namin ng malisya ang sinabi niya kaya nag clear throat si Melissa.

"Anyway, tara na!" Hinigit niya ko papunta sa taxi.

Tumawa siya ng binasa ang text ng kanyang Mama.

Sinulyapan ko iyon sandali.

Nak, huwag magpapagabi. 'Yung bilin ko.

Pero mukhang may ibang binabalak ang kaibigan ko. Sa dating palang ng ngiti niya ay iba na ito.

"Welcome to our humble home!" Matapos ang kalhating oras na biyahe.

Salamat at nakarating na kami sa kanila.

Sa gate palang ng bahay ay mukhang may kalumaan ito. Yari iyon sa malapad na kahoy. Sa bakuran nila ay may iilang puno ng mangga na ang iba ay wala na halos dahon.

Nang pumasok kami sa loob ay mukhang madilim ang kanilang bahay.

"Sorry guys ha. Ancestral house kasi ito. Pero don't worry. Walang multo rito." Binuksan niya isa-isa ang ilaw. Doon kami lahat napanganga.

Dahil ang dim light effects nito ang nagpaganda sa ambiance ng bahay. Tinitigan ko ang isa sa mga lumang picture frames doon. Mga replica na gawa ng sikat na mga painter.

"Pwede naman one each room or dalawa. Maghanap lang kayo d'yan kung saan niyo gusto."

Mas inuna kong intindihin ang paglinang sa kabuuan ng bahay nila. Napakaganda. Ultimo chandelier ang bumagay. Ang pagharnis sa kahoy na materyales dito ay talaga namang malinis at pinagkagastusan.

"Oo nga pala. Wala kaming pagkain dito. Kaya tayo ang mamimili." 

Kumamot siya sa ulo ng makita ang loob ng maliit ng maliit na ref.

"Sige. Okay lang. Kami na ang mamimili ni Vanna." Pagpresenta ni Drianne na kalalabas lang mula sa napili niyang room.

"Sigurado ba kayo? Baka maligaw kayo rito."

"Oo. Taga-rito ako dati. Dito kaya ako nag-Senior High!" Proud na sambit ni Drianne.

Lumundag kaming palapit lahat kay Melissa ng may kumatok sa front door. Nagkatinginan kami.

Si Marcus lang ang hindi takot kaya siya ang nagbukas ng pinto.

"Baka si Tita lang 'yan. Huwag kayong—" pagbukas niya ng pinto ay nabitiwan niya ang kanyang cellphone.

"Yuan? Anong ginagawa mo rito?"

Gano'n pa rin ang buhok niya walang pinagbago.

"Dapat siguro. Ako ang magtanong niyan hindi ikaw. Kaya, anong ginagawa mo rito?"

Sa tabi ko ay bumulong ang tatlong babae.

"Pucha! Ang gwapo. Parang anime na binuhay." Bulong na pasigaw ni Vanna.

"Oo nga. Tignan mo pa 'yung balat niya. Napakinis at puti. Eng gwepe." Hagikhik ni Vanna na halos mamilipit ang dila.

"Shh. Girls, akin na muna 'yan." Napaismid na lang ako sa sinabi ni Sasha.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon