King 🔸 2

12.4K 935 86
                                    

Paris' POV

PAGKATAPOS ng agahan ay bumalik na ako sa kwarto ko para sa online class. Pupunta din si Mama sa trabaho niya, ngunit mag ha-half day siya para masamahan niya ako kay Dr. Sullivan. Hindi rin pwede na ako lang mag-isa na pumunta doon dahil underage pa ako at kailangan ng parent's presence kapag pumunta kami sa kanya.

Binuksan ko kaagad ang laptop ko. It is a white MacBook and customized. It was as I requested before admission to Harvard Special Class. This online class is not a regular one. This is a super advance class sponsored by Harvard University for students who has high level IQ.

Noon bata pa ako, nakitaan na ako ng kakaibang galing sa comprehension at problem solving. I was able to solve a difficult mathematic question that even the graduate students were having difficulty on solving. My IQ was measured by a series of questions and how fast I respond to those questions. My IQ is 290. It was based on the accuracy of my answer and how fast I was.

The 290 IQ level is relatively too high and even higher than the historical genius. But there is one more person whose IQ is higher than mine. This person's IQ level set the world in chaos. It was 400! Other's even believe that a person who has that kind of IQ level can already something that normal people can't.

The identity of this person is hidden. I can try to dig it out but I also respect people's privacy. It was hidden for a reason and I cannot unveil it for a mere personal curiosity. It not like I will gain something if I learn his or her identity.

I opened the zoom link for our meeting room. Pagkapasok ko, agad na bumungad sa akin ang limang window. They have their camera on and I turned mine on. Rules na ito sa online class na kailangan mag-on cam para makita ang activity ng estudyante.

Hindi ako umimik pero tumango ako sa kanila. Sanay na sila sa ugali ko na ganito kaya hindi na sila nababastos kung ganito ako umakto. They are aware that I have some mental health issues and they are also urging me to get treated. In the past, I always repel them from urging me to get treated.

"I checked the assignment that you submitted. How long did you work on it?" Tanong ni Victor, siya ang head ng online class na ito. He's also part of national scientific research in some government affiliated organization. Hindi ko lang alam ang buong detalye dahil hindi naman niya sinabi.

"...10 minutes," sagot ko. I have a thing with programming since I was a child. May kaibigan din si Mama na isang magaling na programmer na siya ang nagturo sa akin. Kaya hindi na nakakapagtataka kung madali lang sa akin ito.

I already have an affinity with science and technology and things about computers are interesting. Everything that makes me think longer than usual is piquing my interest.

"W-what? You must be joking," hindi makapaniwalang saad ni Kelsey. She sounded a little incredulous and accusing me.

Para sa karamihan, imposible ang makagawa ng isang complicated program sa loob ng isang oras. Madalas, umaabot pa ng ilang buwan bago iyon maging successful without bugs or loophole. Ngunit ang ibinigay nila sa akin ay simple lang para sa aking kaalaman. Victor doesn't know my highest potential yet. He was still testing the waters by giving me simple programs that may take at least an hour to make it work.

"I don't humor, Ms. Collins," sagit ko sa kanya.

Minsan, nakakainis din ang mga taong katulad niya. Ginagawa nilang standard ang sarili nila. Kaya kapag hindi nila kaya at kapag nagawa ng iba, sinasabi kaagad na imposible at palalabasin na hindi totoo ang mga sinabi ko. Hindi ibig sabihin na hindi mo kaya, hindi na kaya ng iba o kaya ay dahil sa kaya mo, kaya na din ng iba. Human nature is not limitless.

Natawa naman si Kelsey dahil sa naging sagot ko. Since day one, palagi na niya akong pinag-iinitan. Ni hindi kami nagkikita sa personal ay ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon