Paris' POV
KAKABALIK ko lang sa bahay galing airport. It was already late afternoon and the traffic is not that heavy. Sumakay na ako ng cab pauwi. I came from a happy and very fulfilling trip. Pakiramdam ko ay walang makakasira ng araw ko. I am so excited to chat with Mom and tell her my experiences. But I remember, I have to hide it. Mahirap pala na gusto mong magshare ng experiences mo pero wala lang mapagsabihan.
Binuksan ko na lang ang gate ng bahay para pumasok ngunit may napansin naman ako sa mailbox.
May nakalagay na sealed folder sa loob ng mailbox. Medyo malaki ito kaysa normal na sulat. Tiningnan ko iyon at nakita ko na naka-address ito kay Mama.
Napakunot ang noo ko dahil nakita ko na galing ito sa Massachusetts General Hospital. This is the largest hospital in Boston. Bakit may package ang hospital para kay Mama? As far as I know, nagpapadala lang ng package ospital kung may result na kailangan ipadala sa nagmamay-ari nito.
I want to open it, pero hindi ko ginagawa. Walang sinabi si Mama na pumunta siya ng ospital para magpacheck. This happened without me knowing. Kaya tiningnan ko ito at tumagos ang paningin ko sa loob.
Cancer Diagnostics and Malignancy.
Yung ang nakalagay sa header na siyang ikinanlamig ng kamay ko. Hindi ko pa nababasa ang kabuoan dahil doon nanatili ang aking mga mata. Bumaba ang aking paningin at binasa ang mga nakalagay.
Name: Celestine Georgina de Luca
Age: 40 years old.
Date of Birth: July 22, 1983Attending Doctor: Dr. Robert Peters PhD
Specialty: Neurology/Neurosurgeon
License: xxx-xxxx-xxxFinal test: Brain Tumor
Malignancy: Out of normal range (High)
Cancer stage: FourthComments: CT Scan findings. Malignant tumor on the left hemisphere of cerebrum. Cancer has spread to the entire left hemisphere.
Conclusion: Chemotherapy. Operation or removal of the tumor is not applicable.
Expected life Span: 3-6 months.
Nanginig ang kamay ko at unti-unting nagsihulogan ang mga luha ko. Yung takot na pilit kong ibinaon ay unti-unting bumabalik at naninikip sa loob ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung ano masasabi ko dahil ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang umiyak, magmakaawa na huwag kunin ang Mama ko.
I promised myself that I won't let her die again, not in this lifetime. Pero parang gumagawa ng paraan ang tadhana na kunin ulit si Mama sa akin. Hindi ko na alam kung paano ako nakapasok sa bahay dala-dala ang pasalubong ko kay Mama. Yung result naman ay nailapag ko sa counter.
Realizations hit me. Kaya ba biglaang gusto niyang bumalik kami sa Imperial State dahil dito? She knows that she's dying that's why she made a sudden unfavorable decision to go back.
It was indicated that it's incurable at tanging Chemotherapy lang ang magagawa para pahabain ng kaunti ang buhay ni Mama. She was hiding it and pretending everything is okay. Ni hindi ko man lang ito napansin dahil wala siyang ipinapakitang symptoms.
"God...why is this happening to me?" Nanginginig ang boses ko habang naisambit ko ang mga katagang iyon. Kasama ba ito sa haharapin kong mga pagsubok? Ngunit milagro na lang ang makakapagpagaling kay Mama.
She has 3-6 months to live in this world. Kung iisipin, parang kasing tagal ito noon nasa Imperial State kami. Napatakip naman bigla ang kamay ko sa aking bibig.
Did she...commit suicide before? She purposely let herself get attacked by animals at the foot of the mountain? Was she suffering that much that's why she decided to take her own life?
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasía|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...