Paris' POV
LUMIPAS ang mga araw at ngayon ay araw na ng Sabado. Pagkatapos ng matagumpay na paggawa ko ng mind projector, kaagad akong nagsimula na i-duplicate yung atomic converter. Pwede naman iyon gawin ngunit may tatak iyon na clone para makita na copy lang iyon at hindi ang original chip.
I will set a demonstration next month to show the world about mind projector. Then after, the auction will be set. Hindi na ako ang gagawa ng mga iyon dahil sa estudyante pa ako at hindi pwedeng makita kung sino si S.A Light, may representative ang gagawa 'nun para sa akin.
Ngayon araw, makakapagpahinga na talaga ako dahil ilang araw din akong halos hindi na natutulog dahil mabilis na ginawa ko ang limang mind projector. Handa na yung apat na extrang mind projector, yung atomic converter na lang ang kulang at doon ako natatagalan sa cloning. Inabot ako ng tatlong araw bago matapos ang cloning ng apat na chip.
"Miss Paris! Miss Paris!" Nagtitili naman si Sobel habang umaakyat ito sa hagdanan. Tumatakbo ito at sigaw nang sigaw.
Napabangon naman ako sa aking higaan dahil hindi ko alam kung ano ang problema niya. Pumasok si Sobel na walang katok na nangyari.
"Bakit?" Tanong ko kay Sobel. Hinihingal ito ng todo.
"Miss...Paris... Sa TV. Sabi sa TV, yung kompanya ng mga de Luca, nanganganib na ma-bankrupt!" Aniya.
Simula noon nangyaring hindi maganda dito sa bahay dahil sa mga de Luca, lagi na silang nakiki-usyoso tungkol sa mga nangyayari sa de Luca. After all, they have high reputation in Divine City kaya kalat ang balita sa kanila sa TV at social media kapag may malaking nangyayari.
Pero kaagad na bumabagsak na ang de Luca Corporation? Masyado naman 'atang ginalingan ni Miss Quinn ang trabaho niya. I only said to mess it up a little but they are already falling.
"Sige, titingnan ko," tugon ko kay Sobel.
Kaagad naman na yumukod si Sobel at lumabas na ulit ito sa kwarto ko. Bumangon naman ako mula sa aking pagkakahiga.
"S, check if the other shareholders are still holding on to their small shares," utos ko kay S.
Checking... Currently, all of the 40% shares owned by 5 people were bought by Arden Cain. It is said that Arden Cain is your employee, Master.
"Yes. I asked him to monitor the shares and buy them when the company was shaken. I didn't know that it was already bought," saad ko.
Master, it was only bought today. You will receive a notification about the check that you will need to issue in 3...2...1
Ring!
Kaagad na tumunog ang cellphone ko. It was a notification from my email. Pagtingin ko may email na nga si Arden sa akin na nabili na niya ang 40% shares ng de Luca. There are also bank account numbers that I need to transfer the money.
Tiningnan ko ang mga halaga. It was lower than my expected range. Mukhang desperado na ibenta ng mga ito ang kanilang shares dahil wala silang makukuha kung magfa-file ng bankruptcy ang mga de Luca.
Master, the de Luca is in Metropolitan City.
Napataas naman ako ng tingin. Kahit hindi ko nakikita si S at para siyang multo dito sa bahay dahil sa internet siya nabubuhay, pakiramdam ko ay kausap ko ay tao.
"What are they doing here?" Kunot noong tanong ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa biglang pagbabalik nila dito.
They wanted to meet you. Cassandra de Luca is also in the group.
Biglang dumilim ang paningin ko. It was very timely that their company is about to fall and them coming here to Metropolitan. There is no other possibility but for them to meet me. They are still eyeing my inheritance from my mother.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...