Paris' POV
MAINGAY ang buong Academy dahil ngayon araw na lalabas ang resulta ng exam. Wala pang inilagay sa malaking bulletin board na mga resulta dahil ididistribute pa ito sa mga estudyante bago pa ilagay yung listahan ng ranking sa Academy.
Dumeretso naman ako sa classroom at agad kong nakita sina Hannah na abala sa kakatingin ng mga cellphone nila. Kahit sina Logan at ganoon din. Yung mga kaklase ko naman ay napapatingin sa akin na tila sinusuri ako at biglang inirapan na lang ako sa hindi ko malaman na dahilan.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa mga inakto nila. Wala akong maalala na may ginawa ako sa kanilang masama. Ngunit dahil hindi ko naman sila close, hindi ko na iyon binigyan pa ng halaga. Why bother if they don't matter to me?
Umupo naman ako sa aking upuan at ngayon ay sina Hannah at Logan naman ang napatingin sa akin. Si Yuri naman ay kaagad na lumapit sa akin na nag-aalala ang kanyang ekspresyon.
"Paris, okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.
Napakunot ang noo ko dahil maayos naman ako ngunit sa mga inaakto nila ay sila yung nagmumukhang hindi. They look like they have a huge problem that they can't overcome.
"Maayos naman ako. Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Nagpalipat lipat ang aking tingin sa kanila. I can't assume what's the problem. I have to hear it from them.
"Hindi mo ba nakita yung sa Academy Forum?" Nag-aalalang tanong ni Hannah sa akin.
Umiling ako. Ni hindi ko alam na may Academy Forum pala. I'm too lazy to visit the forum.
"Why would I look at the forum?" Tanong ko sa kanila ngunit may hinala na ako. It means something happened in the forum and that incident is related to me. Kaya ba ganoon ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko? Ngunit hindi ko alam kung ano ang issue sa forum. I did not do anything for them to look at me like that.
"Paris, someone is slandering you in the forum. Sinasabi na nagpapanggap ka raw na isang Elite pero lower class ka naman daw talaga. Maraming naglabasan na mga pictures tungkol sayo na naglalakad ka lang papasok dito at naghihintay ng bus sa labas pauwi." Mahabang paliwanag ni Logan. "Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa dahil sa mga comments sa post. They were all criticizing you."
Natawa naman ako sa sinabi ni Logan. Akala ko ay kung anong seryoso na ang nangyari. Ngunit isang simpleng hindi mahalagang bagay lang pala. Kahit hindi ko na imbestigahan, alam ko na sina Arabella ang may kagagawan nito. They are petty and they think making a fuss about me online will destroy me. People who haven't seen hell yet will think my situation right now is grave and worst.
Ngunit wala akong pakialam kung iyon man ang iisipin nila tungkol sa akin. Wala naman magbabago kung mayaman ako sa mga mata nila o mahirap. They will still hate me no matter what. Gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para siraan ako. I also don't need to prove anything just to fit in. Why should I step lower to be on their level?
"Tinatawanan mo lang ang sitwasyon mo? Alam mo bang isa ka na sa most hated personality dito sa Academy?" Hindi makapaniwalang turan ni Hannah sa akin. She's the angry one and my reaction pissed her off. "Nagpopost sila ng mga edited pictures mo to make fun of you. Nakakasura ang mga ugali nila pero parang wala lang sayo!" Nababanas na saad ni Hannah. Naiintindihan ko kung ano ang pinangagalingan niya. But we don't have the same level of maturity. For them, this is a big deal but to me, this is just a child's play.
"Hannah!" Pigil naman ni Yuri. Yuri looks worried because of uprising emotion of Hannah.
Napapailing naman ako. "It's funny because either I am rich or poor in their eyes, it's still the same. They will still hate me no matter what," tugon ko kay Hannah. Sanay na rin ako sa mga ganito. This is not new to me. Mas malala pa nga ang bullying sa US.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantastik|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...