Paris' POV
PIGIL ang sigaw ko noon makita ko ang isang army knife na hawak niya sa loob ng kanyang jacket. His hand was gripping it tightly. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ako halos mapasigaw. Ito ay dahil sa nakita ko ang bagay na iyon na nakatago sa jacket niya. Parang naging transparent ang jacket niya at nakita ko ang loob nito.
I was only asking in my mind na kung anong problema sa taong ito at biglang tumagos ang paningin ko sa jacket niya at nakita ko ang hawak niyang kutsilyo.
Is this another weird happening these days? Nakakagulat ngunit hindi ako natatakot dahil tanggap ko na ang mga nangyayari sa akin na kababalaghan. Hindi din ito ang kauna-unahan na may nangyaring kakaiba sa akin. Nasa punto na ako na kung makakalipad ako balang araw ay hindi na ako magugulat pa.
Ngunit hindi pa rin ako mapakali dahil ramdam ko pa rin ang kilabot mula sa lalaking iyon. Bigla na lang itong napatingin sa direksyon ko at halos tumalon yung kaluluwa ko dahil hindi ko inasahan na magtatagpo ang mga mata namin.
Kinilabutan ako dahil sa intensidad ng tingin niya sa akin na tila hindi niya nagugustohan na nakatingin ako sa kanya.
I smiled at him at pretended that I was just looking from left to right. Ngunit bigla na lang sumigaw ang mga katabi nito na naging dahilan para mapatingin kaming lahat sa lalaki.
"Don't move or you shall die!" Sigaw nito at lumikha iyon ng takot sa mga nakasakay ng tren. Kahit ang nasa kabilang cabin ay napatingin at nagtakbuhan palayo. "Give me all your money and valuables this instant!" Umiiyak ang babaeng ginawa niya hostage.
"Sir, please calm down. We can talk this out without violence," saad ng isang lalaki na may itim na buhok. He's wearing a khaki jacket and blue jeans.
"I don't want to hear any nonsense from anyone. Just give me all your valuable things!" Sigaw ulit nito.
"Alright...alright...just don't hurt anyone here, Sir," tugon ng lalaki.
Hindi na kumibo ang hostage taker ngunit nakatutuok sa amin lahat ang kanyang patalim habang sakal sakal ang babaeng hawak niya.
Kahit labag sa loob ng karamihan ay itinapon nila ang mga pitaka nila sa harap ng lalaki. Iilan lang yun dahil hindi naman marami ang pasahero ng tren. Inilabas ko ang aking coin purse at itinapon iyon sa harap ngunit biglang natuon ang pansin niya sa akin.
"You!" Sigaw ng lalaki at mas lalo lang natakot ang iba. Nagkasigawan na sa kabilang cabin habang kami ay pigil ang hininga namin. Nakatingin sa akin ang lalaki na nanlilisik ang mga mata. "Come here!"
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko naipagkakaila na natatakot ako. Ito ang kauna-unahang sitwasyon na nangyari sa akin at hindi ko alam kung paano ito lulutasin ng walang nasasaktan.
Kahit natatakot ako ay pilit kong tumayo at humakbang papalapit sa lalaki. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin.
"Pack those purses and you come with me." Utos sa akin ng hostage taker.
Hindi ko siya gustong sundin ngunit napapatingin naman ako sa babaeng hawak niya ngayon ay hindi lang sakal sakal, nakatutok na sa kanya ang patalim. Kung wala lang sanang hostage ito ay mas magiging madali ang lahat. I know a thing or two about self-defense. Nakapag-aral ako ng martial arts noon 4 years old ako. Kahit hindi iyon nagtagal ay may natutunan pa rin naman ako.
Tahimik na sinunod ko ang utos ng lalaki at kinuha ko ang mga pitaka doon at ipinasok sa bag na itinapon niya para lagayan ng mga pitaka.
"Faster!" Bulyaw nito sa akin.
Binilisan ko naman ang kilos ko at natapos na iyon. Ibibigay ko na sana sa lalaki ang bag ngunit biglang hinila niya ako at pinakawalan ang babae. Ngunit bago pa kami nagkapalit ng posisyon ay agad kong binali ang kanyang pulso na may hawak ng patalim na nakatutok sa akin. Abot kamay ko lang iyon kaya madali ko iyon nagawa.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...