Paris' POV
"PARIS, anong ginawa sayo nina Arabella?" Tanong kaagad ni Logan. Saktong pagkalabas niya ay nakita niya kami nina Arabella at tsaka umalis ako sa harapan.
He wasn't able to hear anything kaya nagtataka siya kung bakit kausap ko sina Arabella.
"Nothing," tugon ko naman sa kanya. It's not worth talking about those pathetic beings. "I'm hungry," ani ko. Gusto kong ibahin ang usapan dahil ayokong pag-usapan ang mga walang kwentang tao lalo na sa day off ko.
"Nothing? Ang sama ng tingin nila sayo. Sigurado ka bang wala lang yun?" Tanong niya ulit. Siguro ay nakita nito na sinundan ako nang tingin ng tatlo lalo na at naasar ang mga iyon.
"They don't like me because I kicked their class advisor," tugon ko sa kanya. Nakita ko na sila Hannah. They are not in a private room at nasa general dining ang mga ito.
"Yung membership ko, hindi pwede sa private room. Pero kapag ikaw ang kukuha, sigurado akong mas mataas ang rank ng membership na makukuha mo," anito na tila nababasa ang iniisip ko.
"Does it matter? Ang importante ay nakakain pa rin naman yung mga pagkain," tugon ko naman sa kanya. This is what I don't understand with Empyrean heirs. Masyadong mahalaga sa kanila ang financial status na tila yun ang kanilang identity. The more membership you have, the better.
Nakita ako nina Hannah at kumaway sila sa akin. Hindi sila nagsigawan kagaya ng sa normal. Siguro ay nahihiya din sila lalo na at may mga kumakain din sa mga kalapit na table. This is an exclusive restaurant and they know well enough to act with class when needed.
Kumaway naman ako sa kanila. Agad na nakalapit ako at tsaka ako umupo sa isang bakanteng silya. Kasama nila si Amadeus at Tristan. Ngunit hindi nila kasama si Yuri na siyang ipinagtataka ko.
"Nasaan si Yuri?" Tanong ko naman. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ito kasama.
"Si Yuri? May part-time job siya every Saturday and Sunday kaya hindi siya nakakasama sa amin," tugon naman ni Hannah. They don't look like they are disgusted or disliked it. They just look like it's a normal thing.
I know that Yuri's family is not financially well. They are an example of the lower class. Hindi ko binigyan pansin ang status niya dahil hindi naman yun mahalaga. Matalino si Yuri kaya siya nakapag-aral sa Empyrean Academy dahil sa scholarship. Smart people deserve the scholarship.
"Part-time job? Saan yun?" Tanong ko naman sa kanila.
"Hindi namin alam. Hindi na din kami nagtanong dahil alam namin na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon," tugon ni Amadeus. "There's really nothing wrong with it. Ngunit madalas sa mga kaklase natin ay iba ang tingin sa kanya. They see her as someone who's a freeloader in the Academy."
Mahabang kwento ni Amadeus na medyo ikinagulat ko lalo na at hindi ko naman napapansin sa klase na may ganoon nangyayari."Yung tingin nila kay Yuri ay freeloader pero hindi naman nila kayang kalabanin kasi matalino si Yuri at student monitor din siya. Kaya silent lang yung mga kaklase natin," kwento ni Hannah.
"Wow..." naisaad ko na lang. Hindi ko talaga ma-gets yung mga idelohiya ng mga taga Imperial State. "I'll be having a part-time job too soon," saad ko naman sa kanila na ikinagulat nila lalo na si Logan.
"You what?! But you—aaaahhh!"
Malakas na inapakan ko ang kaliwang paa ni Logan. I don't want him to say anything about my status yet. It's better to let them think what I am.
"Magtatrabaho ka? Saan?" Agad na tanong ni Hannah at wala man lang itong tinatanong kung bakit gusto kong magtrabaho.
"Sa downtown lang din," tugon ko. I can't possibly say that I will work in IRI.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...