King 🔸 32

9.3K 813 58
                                    

Paris' POV

PUMASOK na ang physics teacher namin. Siya si Ms. Balthazar, ang homeroom teacher ng special class. Hindi siya nakangiting pumasok at hindi rin kami binati. Hindi ito kagaya ng mga naunang mga teacher na agad na bumabati at nakangiti. It looks like she's not in the mood.

"Class monitor, kunin mo itong mga test paper at ibigay mo sa mga may ari," saad nito at may halong disgusto ang boses nito. She frowned while handing the stack of papers over to Yuri.

Agad naman na sumunod si Yuri at kinuha ang mga test paper. Akala ko magtetest na kaagad kami, ngunit mga test pala ito last week at ngayon ibinigay.

Bawat kaklase ko na nakakatanggap ng kanilang mga test results ay hindi magawang tumawa. Tila mga pinagbagsakan ng langit at lupa yung mga ekspresyon nila.

"Nakita niyo ang mga results niyo? Ang bababa. Sa palagay niyo, sa resulta niyong iyan, makakapasa kayo sa college entrance examination? I pity your parents. They are funding some useless bunch of kids," saad ni Ms. Balthazar na may halong pang-iinsulto.

Napakunot naman ang noo ko. Are teachers should insult students who have a slower capacity for learning than others? As a teacher, they should know that students are a group with individual differences. There are fast learners and slow learners. You can't teach slow learner students at a fast pace. They need a different way or method to teach them effectively.

You can't also teach a fast learner person, at a slow pace. It will only degenerate their brain. Teaching will always depend on your student's learning capacity and ability. Not because of how you like it.

"You are all tarnishing my reputation. A top teacher like me is teaching slow-witted students." May galit na saad nito at ibinagsak ang whiteboard eraser sa kanyang lamesa.

Biglang hindi ko na gusto ang physics teacher na ito. I respect teachers, but they should be respectful to their students as well. If they don't know how to respect, then they don't deserve respect at all.

Kaya itinuon ko na lang yung pansin ko sa bintana. This is a two-hour class and it will be very long.

Nagsimula nang magturo si Ms. Balthazar. Kahit hindi ko man gustohing makinig, naririnig ko pa rin iyon. The lesson is just simple. Kinuha ko na lang yung AirPods ko para nakinig ng music.

Hindi naman nila mapapansin kung nakaairpods ako dahil hindi naman nila makikita. Hindi ko na napansin ang mga pangyayari. Natapos yung klase at tsaka ko naman tinanggal yung AirPods sa tenga ko.

Napakurap naman si Yuri sa akin nang makita niya na ginagawa ko iyon.

"Nakikinig ka ng music habang nagtuturo si Ms. Balthazar?" Nanlalaki ang mga mata ni Yuri.

"I don't like her," tugon ko sa kanya. Wala naman mawawala sa akin kung hindi ako makinig sa teacher na yun. It's not like I will become smarter if I listen to her. Ni hindi bukal sa kalooban niya ang magturo.

"Kahit na. Paano ka matututo kung hindi ka makikinig?" Rason niya sa akin.

"May punto ka Yuri, pero sino ba ang may gustong makinig kung tinatawag niya tayo para pasagutin sa isang problem na hindi pa niya naituturo at ipapahiya tayo sa harap?" Reklamo naman ni Hannah. "Tsaka, hindi naman yun gagawin ni Paris kung sakaling hindi niya alam ang mga yun. Baka nakalimutan mo, sa special admission siya galing sa Harvard."

Kumunot ang noo ko. "She did what?"

"Paris, relax. Normal na sa kanya ang magpahiya ng mga estudyante na hindi umaabot sa standard niya. Pero wala naman kaming magawa dahil siya ang pinakamagaling na physics teacher dito sa Academy." Paliwanag sa akin ni Hannah. "Yung klase natin ang lagi niyang kinakawawa. Hindi niya din tayo gusto dahil ang tingin niya sa last section ay mga patapon ng Academy." Kwento nito na may kasamang lungkot at sama ng loob.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon