Paris' POV
"PARIS, you're fucking rich!" Bulalas ni Logan nang nakarating kami sa kwarto ko.
Iniwan namin ang mga adults sa baba dahil mag-mumuni-muni sila at mag-uusap tungkol kay Mama. I don't want to join them because they will only get too emotional about it.
"So what?" Napapailing na tugon ko. Kanina pa itong si Logan at hindi pa rin tapos.
"I'm poor. Kung hindi ako bibigyan ng allowance ni Dad, isa akong malaking hampaslupa. Habang ikaw, taga pagmana ka ng isang daan bilyon?! Paris, kahit hanggang sa pagtanda mo ay hindi ka maghihirap!" Pabagsak itong umupo sa pink sofa ko. "Ito yung kwarto mo? Kasing laki nato ng pinagsamang kwarto ng kapatid ko." Inilibot niya ang kanyang tingin sa kabuoan ng kwarto ko.
"Logan, stop it. Yes, I am rich and that's it. There is no need to fuss over it. Darating din ang panahon na ikaw naman ang yayaman," turan ko sa kanya dahil ayaw na nitong tumigil sa pagkamangha.
Somehow, I find it annoying when someone is praising me. Hindi ko naman sinabi na mahirap kami kaya bakit namamangha siya? Did he assume that I was poor?
"Fine! Fine! Patingin nitong kwarto mo ah." Tumayo naman ito at tumingin tingin sa gaming set ko at dalawang laptop.
Hindi na nagbigay ng komento paukol dito si Logan ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha. He's wondering why I do have 2 laptops, iPad, and a gaming set. Even the rich of our generation doesn't have multiple gadgets.
He doesn't have any idea that one of these laptops is for underground work. While the other is for normal student possession.
Pumasok naman si Sobel at naghatid ito ng snack. Tahimik lang si Sobel at hindi nagsasalita pero ramdam ko na sumama ang loob nito dahil sa mga pangyayari kanina kaya siya tahimik. Narinig ko kanina na nagagalit sila sa mga kamaganak ko na mga walang hiya. Mahihiya din siya dahil nagbilin ako na kung manggugulo ang darating na mga bisita dapat ay pinalayas na nila noon hindi pa ako dumating ngunit hindi nila nagawa.
Hindi ko naman sila masisisi. Hindi naman gumawa ng gulo sina grandpa at Robert noon hindi pa ako bumabalik. They seem to know their place. They only acted that way because they thought I am a pushover and young. They thought they can control me by showing a little attention. Do I look like a crave one? But I cannot deny that my old self was indeed craving a familiar love and I am emotionally dependent on them. But everything is different now that my eyes are wide open to the reality.
A person doesn't have to be with their family to be happy. Sometimes, we are far better off without them.
"Wow, meron kang realistic counterfeit ng Golden Plateau Awards kay S.A Light? Idolo mo siya?" Tanong niya na halos manigas naman ang leeg ko.
Nakalimutan ko ang tungkol dito. Hindi ko inakala na ididisplay ito ng mga kasambahay dito sa kwarto ko sa pag-aakalang disenyo lang ito sa kwarto ko.
"No," sagot ko sa kanya. I'm about to say that I am S.A Light dahil mukhang mapagkakatiwalaan ko naman si Logan ngunit naunahan na niya ako.
"Paris, huwag ka ngang magsinungaling. May counterfeit award ka ni S.A Light. Maraming ganito na naglabasan ngayon dahil pumutok yung balita na isang Empyrean pala si S.A Light at ngayon ay siya na ang pride ng buong Imperial State. Bumili nga din ako. Saan mo nabili 'tong sayo? Ang ganda ng pagkakagawa, parang totoong ginto talaga," saad niya na siyang dahilan kung bakit hindi ko na nagawang sabihin sa kanya.
I shut my mouth and decided not to tell him. Nagmukha pa akong ambisyosa dahil sa sinabi niya.
"Oh, it was just given to me," tugon ko na lang. Mas mabuti kung wala siyang alam.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...