Paris' POV
"SIGURADO ka ba na nagawa nilang ipinamigay ito sa isang raffle promo lang?" Ulit ni Mama matapos ang house tour na nangyari.
Kahit ako na nakita na mismo ang blueprint ay hindi makapaniwala nang makita ko na ito sa personal. It was even bigger and grander than my imagination. I hired people who did some renovation in this house at dahil sa naging abala ako, hindi ko na ito nacheck kung kumusta na. Ang alam ko, natapos na ang renovation. Ang inisip ko ay katulad pa rin ito ng orihinal na itsura at ni-repaint lang. Hindi ko alam na marami silang binago na mas lalong ikinaganda ng bahay.
Ngayon, mas mahirap paniwalaan na napanalunan ko lang ito sa isang raffle jackpot. Ngunit walang magagawa si Mama kundi ang paniwalaan ako dahil wala naman siyang maiisip na dahilan para magkaroon ako ng pera at mabili ko ito.
"Opo Ma'am. Mga taga America ang may-ari ng lote, pinagawan nila ng bahay. Dapat ay titirhan nila ito ngunit hindi sila natuloy dahil biglang binawi yung invitation para makapasok sila sa bansa. Kaya ibinenta nila ang property at nabili ito ng isa din Amerikano. Nalaman na namin na inilagay ito raffle sa isang seminar sa US at si Ma'am Paris nga po ang nanalo sa property." Kwento ni Daniel.
Tunog kapani-paniwala itong si Daniel. Ilang beses kaya niyang prinaktis ito para maging kapanipaniwala siya? In reality, no one will put this property as a jackpot price of a raffle promo dahil masyadong malaki ang value ng lupa at bahay. Ngunit hindi iyon alam ni Mama.
Tumingin naman si Mama sa akin. "Paris, this house is too big. This is considered a mansion! How are we going to clean it?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
Kahit ako ay ganoon din. Noon una, 3 bedrooms lang din ang alam ko sa bahay na ito. Yun pala, hindi nailagay na may anim na guest room dito kaya siyam lahat ng kwarto dito. From a sprawling villa, it went up to a grand mansion real quick.
"I hired some helpers, Mom," sagot ko sa kanya. May agency naman dito na nagbibigay ng mga qualified housekeepers. Dumating na sila kanina pa ngunit hindi pa sila lumalabas.
I also bought two cars at may driver din na magtatrabaho. I don't have a license yet and I don't know how to drive a car kaya kakailanganin namin ng driver. I also don't have the plan to learn how to drive dahil may takot ako na magmaneho ng sasakyan. I don't trust myself when it comes to vehicles.
"Ma'am Paris, I'll go ahead. I hope you'll like the house." Paalam naman ni Daniel sa akin at umalis na ito.
"Paris, aren't we spending too much money on this? This house might be for free but we are spending more for the helpers." Bakas ang pag-aalala ni Mama dahil sa mga gastusin. "Considering that this house has a lot of electricity and water needed."
Ngumiti naman ako sa kanya. "Mom, remember that I now work with BRI. I am paid monthly for more than we can spend in the entire month," tugon ko naman sa kanya.
Sinabi ko sa kanya na $20,000 ang sinasahod ko sa BRI kahit higit pa doon ang natatanggap ko. I am getting paid even though I will work here in Imperial State.
My exact salary in BRI is $50,000, that's around $2,250,000 EMP. Naging ganyan kataas ang sahod ko buwan buwan dahil na rin sa pagtaas ng value ni S.A Light. Everyone will kill to know who is S.A Light. Every company will do everything to hire S.A. Light. Kaya ang BRI na siyang pinagtatrabahuan ko ay pinahalagahan nila ang value ko. Kaya binigyan ako ng salary increase na naaayon sa market value ko.
Kahit wala akong ginagawa, sumasahod pa rin ako. We are not yet talking about the money paid by NASA and Pentagon. Plus my dividend with De'Longhi's annually.
I'm only doing all of this so the de Lucas won't be able to trample me and my Mom down. They are rich, and so are we.
"If that will make you happy. But I would like to stay in one of the rooms downstairs. You use the primary room," turan ni Mama sa akin.

BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Viễn tưởng|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...