King 🔸 33

9.5K 834 118
                                    

Paris' POV

TINAHAK ko na ang papuntang principal's office. Nakasalubong ko sa corridor yung assistant ng principal.

Nakabukas ang pintuan ng principal's office kaya pumasok na ako doon. Narinig ko naman si Ms. Balthazar na nagrereklamo at umiyak pa. Gusto ko naman matawa dahil sa ginagawa niya. She's exaggerating things and magnifying the 'damage'.

Pagkapasok ko, napatingin naman ang mga tao sa loob. Lahat sila ay napatigil sa ginagawa habang nakatingin sa akin. Madalas sa kanila, sinuyod ako mula ulo hanggang paa.

"Ms. de Luca, please have a seat," saad ng principal sa akin. He sounds partial at least.

"Yes, Sir," tugon ko at tsaka umupo ako sa kabilang bakanteng upuan. Sa kabila naman ay si Ms. Balthazar.

Nandito na sa loob ang assistant ay may isa pa na hindi ko kilala. Hindi ko alam kung ano ang kanyang posisyon dito sa Academy.

"Ms. de Luca, alam mo ba ang dahilan kung bakit kita ipinatawag?" Tanong niya sa akin.

"I can guess," tugon ko sa kanya at tsaka tinapunan ng tingin si Ms. Balthazar.

Huminga naman ng malalim ang principal. "We received a complaint from your subject teacher. Ang sabi niya, kinukwestyon mo daw ang kanyang kakayahan na magturo." Mahinahon na saad ng principal. "I'm not taking any side and being partial on this situation. Hindi ako magpapataw ng hindi naririnig ang magkabilang panig.

I look at the principal with a passive look in my eyes.

"Sir, I was looking forward to studying in your Academy. Yesterday, based on the teachers before the physics subject, it was all well. Tinatrato ng mabuti ang mga kaklase ko. Ngunit kahapon, pagkapasok pa lang ni Ms. Balthazar, hindi na maganda yung pakikitungo niya. Ibinigay niya ang mga test results sa mga kaklase ko at ininsulto sila dahil sa mababa ang kanilang mga result. The test was easy, but the students from the last section, they are having difficulty solving it. I also observed my classmates. They are decent for an average student. Nakakaintinde naman sila sa Math at nakakasagot. Kaya ngayon, pinakinggan ko ang discussion ni Ms. Balthazar." Tinginan ko si Ms. Balthazar at ibinalik ko ang tingin ko sa principal. "Mali ang prosesong itinuro niya sa mga kaklase ko na sa palagay ko ay dahilan kung bakit laging hirap sila sa Physics. I called her out because her explanation and formulation does not match. Doon na mimislead ang mga kaklase ko. But instead of admitting her mistake, sinabi niya na bakit hindi na lang daw ako ang magturo kung mas magaling pa ako sa kanya. It was condescending and sarcastic. Sir, you know that all students who are admitted to this Academy are above average. It would be impossible for them to fail a small test on Physics," mahabang saad ko. Ito na yata ang pinakamahabang paliwanag na nagawa ko sa buong buhay ko.

"Hindi ko ginawa yun!" Asik ni Ms. Balthazar. "Sinisisi mo ba sa akin kung mahina ang kakayahan niyo? Sinusubukan mo bang sirain ako kahit hindi ko naman kasalanan?"

Tumaas naman ang kilay ko dahil sinusubukan niyang ibahin ang mga pangyayari. Hindi ba siya nag-iisip na maraming witness sa kanyang ginawa?

"Ms. Balthazar, walang estudyante na mahina. Kaya nga may mga guro para turuan ang mga walang alam. Pero kung ang itinuturo mo naman ay mali, wala na sa estudyante ang problema, ikaw na yung problema. Those students are paying their astronomical tuition fees and you earn your living from their money," kalmadong saad ko sa kanya. Tumingin naman ako sa principal. "Is this the first time that there is a complaint about her, Sir?" Tanong ko.

Kumunot ang noo ng principal. "This is the first time...I heard about this."

Ngumiti ako. "Sir, there were already complaints before. But somehow, laging nababasura yung complaints at na-e-expell yung estudyante."

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon