Paris' POV
"GOOD job everyone! Mataas ang mga nakuha niyo sa quiz. Keep up the good work!" Bati ni Mr. Donovan sa amin.
Ibinigay na sa amin pabalik yung quiz paper namin kahapon. I got a perfect score and a lot of my classmates are getting high scores as well.
"Syempre, sir!" Mayabang na tugon naman ni Logan.
Tumawa naman ang mga kaklase ko at napapailing na lang ako. Mabuti pa itong si Mr. Donovan, chill lang kahit mukhang istrikto.
"Sana ganyan din kayo sa exam. Alright, pwede na kayong maglunch." Release niya sa amin.
"Goodbye, sir!" Masayang saad ng lahat.
"Paris, sasama ka sa cafeteria?" Tanong ni Yuri sa akin.
"Hmmm," tugon ko naman sa kanya at tsaka tumayo na ako dala-dala ang bag ko.
"Tara, lunch na tayo," saad naman ni Logan.
Lumabas na kami ng classroom ngunit may humarang sa dinadaanan namin. Hindi ko sila kilala pero nakasuot sila ng damit na kapareho sa amin kaya malamang, mga schoolmates ko sila. Pareho din na 3rd-year dahil magkakulay kami ng bato ribbon.
"Ikaw ba si de Luca?" Tanong ng babae na nasa gitna. May kailitan ito, mas maliit ito kumpara sa akin kaya nakatingala siyang nakatingin habang nakapameywang.
"Bakit?" Tanong ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung anong kailangan niya ngunit base sa tono niya, hindi maganda ang hatid niya.
"Iba ka rin no? Kabago-bago mo pa lang dito, ang lakas na ng loob mong gumawa ng gulo." Masama ang tingin niya sa akin at pati tono niya ay nang-uuyam.
Natatingin ako sa kanya sa pababa. Ayoko sa mga taong ganito na kahit wala kang ginagawa sa kanila. Nakikisawsaw.
"Sa palagay mo, sino ang gumagawa ng gulo ngayon? Miss, hindi kita kilala at wala akong ginawa sayo para magpapansin ka," tugon ko sa kanya.
Tumawa naman ito ng mahina. "De Luca, sa palagay mo, ililigtas ka niyang mukha mo? Ang kapal ng mukha mo para pagbintangan si Ms. Balthazar na wala ka naman alam? Bakit hindi mo na lang aminin na bobo ka?!" Asik niya sa akin. "Kaya ka nga inilagay sa last section kasi kagaya ka rin ng iba na maliliit ang utak at bobo!" Sigaw niya.
"Hoy, gago ka ba? Ikaw ba si Ms. Balthazar para magpuputak ka diyan? Di ba ikaw si Xyra Kerrigan? Yung aso ni Arabella nakawala sa tali." Sarkastikong saad ni Hannah. "Bilib din ako sa tapang mo, Xyra. Alam mo naman na last section kami. Kilala mo naman ang reputasyon ng aming section at ang lakas ng loob mong bumangga sa amin. Ibig sabihin nun, hindi kami umuurong kung hahamonin kami. Kaya sabihin mo, gusto mo bang hindi makapasok sa Academy ng isang buwan? Pagbibigyan kita." Banta niya.
Nakita ko naman kung paanong namutla ang babaeng tinawag na Xyra.
Ngumiti naman ako. "Sigurado ka ba na nandito ka para kay Ms. Balthazar o nandito ka para gumawa ng gulo at para may dahilan ang special class na mag request ng expulsion laban sa akin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
It's easy to read this girl. I can tell that someone sent her here to mess up with me. Kapag nagkataon na magaan ang kamay ko o kaya ay bayolente ako, siguradong pwede akong ma expel lalo na at may sitwasyon ako ngayon laban kay Ms. Balthazar. I can be violent if I want to, pero hindi ako pumapatol sa mga puppet na ginagamit lang ng mga mastermind.
"A-Anong sinasabi mo diyan? Pumunta ako dito dahil gusto ko! Ipinaglalaban ko ang karapatan ni Ms. Balthazar!" Asik niya sa akin.
"Hmmm... alright. Kung yan ang hinihingi mo, pagbibigyan kita. First, kakalbuhin kita. Sisiguradohin ko na walang buhok na matitira diyan sa ulo mo. Second, hindi ka naman mamamatay kung bali yan kamay mo. Okay lang naman dahil expulsion lang naman yung consequence. Kaya lulubusin ko—"
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...