Paris' POV
ARAW ng lunes at maaga akong nagising dahil hahanapin ko pa ang classroom ko. Pupunta din ako sa principal's office para ipakilala sa homeroom advisor ko.
Nakasuot na ako ng uniform. It is a white short sleeves blouse with a university collar. May ribbon ito sa harap, sa lagayan ng necktie. It's a small gray ribbon at may bato iyon na kulay pula. The stone is the identification of what year I am.
Red is for seniors, blue is for juniors, and yellow is for freshmen. Ang skirt naman ay hindi katulad ng expectation ko. It's not a plated skirt, but it's a pencil-cut skirt na kulay gray. 4 inches above na knee ko ang haba ng skirt. Nagmumukha itong mas maikli sa akin dahil likas na mahahaba ang binti ko.
The uniform fits really well, na parang isinukat iyon para sa akin. Isinuot ko na ang white runners ko na may kaunting design na lines na kulay brown.
Nakamedyas ako ng maikli na halos matabunan na iyon ng sapatos. Napapangiwi naman ako dahil yung balat ko, masyadong matingkad ang kulay. Ngunit wala naman akong magagawa dahil yun na talaga ang kulay ko.
Kinuha ko na ang backpack ko na kulay black. Nasa loob na ang iPad ko at mga notes. I look in the mirror once again with satisfaction.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ako. Wala na sina Uriel, umuwi na sila kahapon dahil klase na niya ngayon doon sa Imperial University. Dumeretso na ako sa dining room at nakita ko naman na nakahanda na ang sandwich ko para sa agahan.
Agad ko iyon kinuha. Sa kotse na lang ako kakain. Hindi pa nagigising si Mama. Tulog pa ito ng mga ganitong oras. Dahil na rin ito sa kondisyon niya na mabilis nang mapagod at mas mahabang oras na ang kailangan niya sa pagpapahinga.
Nakita ko naman si Juancho na nagkakape at katatapos lang kumain.
"Miss Paris, sigurado ba kayo na hindi kayo magbabaon?" Tanong sa akin ni Cora na lumabas mula kusina at may hawak itong whisk.
"May cafeteria naman sa school," tugon ko sa kanya. Hindi rin ako sanay na nagbabaon sa school. I am used to eating lunch at the cafeteria so they can't make me bring a lunch box.
"Sige po Miss Paris. Pero kung sakali ay magbago ang isip niyo, magsabi lang po kayo," walang magawang usal ni Cora.
"Sure!" Tugon ko sa kanya at tsaka nginitian.
Nauna nang lumabas si Juancho. Binitbit ko naman ang tumbler para may lagayan ako ng tubig. Tiningnan ko naman ang kwarto ni Mama. Tulog pa siya at kasama nito ang kanyang private nurse na si Gale. Hindi na pwedeng iwan si Mama dahil madalas ang kanyang seizure.
Pagkatapos kong tingnan si Mama ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse. Agad naman na nagdrive si Juancho patungong Academy. Kahit maraming mga sasakyan sa kalsada, mabilis pa rin kaming nakarating sa Academy. Ngayon lunes na, nakita ko kung gaano karami ang sasakyan na nakapila para ibaba ang mga nakasakay na mga estudyante.
"Uncle, dito mo na lang ako ibaba. Masyadong mahaba ang pila," ani ko.
"Sige po, Miss Paris," sangayon naman niya.
Hindi ko na hinayaan si Juancho na pumila. Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad. Marami na din naglalakad na mga estudyante galing mismo sa gate.
"Sino siya?"
"Transferee?"
"Sabihin mo, may nakikita na akong anghel na maglalakad?"
"Totoong tao yun, gago! Sobrang ganda lang!"
"Ang tangkad niya!"
"She has killer legs. Sana ganyan din yung legs ko!"
"She has a fairy skin."
![](https://img.wattpad.com/cover/259879766-288-k415107.jpg)
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasi|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...