Paris' POV
HINDI na ako nagulat dahil alam ko na maganda ang relasyon ni Mama at ni Uncle. Ngunit hindi ko pa sila nakakasalamuha. I also remember that they seldom go to the mansion before my regression. Si Uriel lang ang nakasalamuha ko at lagi na rin akong nasa kwarto kaya walang pagkakataon na makasalamuha ko sila madalas.
Pumasok naman ako sa bahay at kaagad akong sinalubong ni Lara. Kinuha niya ang mga dala kong paper bags at inakyat niya sa itaas para ipasok sa kwarto ko.
Napalingon naman si Mama sa akin na ngayon ay masayang kausap ang kapatid niya. Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. They have no impact on me in my previous life. I don't have anything against them, I should be civil to them I guess.
"Paris, halika dito. You need to meet your uncle." Masayang tawag ni Mama sa akin. Her face is radiant with happiness.
Sumunod naman ako at naglakad sa kanilang direksyon. Walang emosyon akong tumingin sa may edad na lalaki. It's undeniable that de Luca's bloodline has beautiful genes. Ang babae naman katabi nito ay maganda. She has a gentle gaze. Si Uriel naman ay gulat na nakatingin sa akin. He still looks exactly the same as when I first saw him. Tall, handsome, and fashionable. He's the typical description of a boy next door.
Silang tatlo ay nakatingin sa akin na namamangha. Inilipat ko naman ang tingin ko kay Mama nang makalapit na ako sa kanila. She immediately held my arms like she was afraid I will run away.
"Paris, siya ang uncle Rome mo na sinasabi ko sayo. Siya naman ang auntie Patricia mo, asawa ng uncle mo. At ito naman, siya si Uriel anak ng uncle mo. Pinsan mo siya." Pakilala ni Mama sa akin. "Siya si Paris. Pasensya na kung iba ang ugali niya. Hindi siya sanay sa kaugalian natin."
"Hi." Maikling bati ko sa kanila.
"Paris, halika dito." Tawag naman sa akin ni uncle Rome.
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin o sabihin kung bakit kailangan ko pang lumapit sa kanya. Pero ginawa ko na lang.
"Kay gandang bata..." Usal ni Auntie Patricia. Nangniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Hinawakan naman ako ni uncle Rome sa mukha na tila isang bata na sinisipat.
"Ang ganda-gandang bata. Nakikita lang kita noon baby ka pa. Palaging nagpapadala ang mama mo ng mga pictures, pinagyayabang niya na kay ganda daw ng pamangkin ko. Hindi nagkakamali ang Mama mo. Kay ganda mong bata," masayang turan ni uncle Rome.
Biglang nahiya naman ako dahil ramdam ko yung sinsiredad sa boses niya. They seem to be nice people. Hindi ko lang talaga sila nakasalamuha noon kaya hindi ko alam.
"Uriel, batiin mo ang pinsan mo." Usig naman ni auntie Patricia.
"Hello." Nahihiyang bati ni Uriel sa akin.
Tiningnan ko naman siya. I misunderstood him before. I really thought he was the villain. Kaya nginitian ko naman siya na ikinagulat niya at naging dahilan para mamula ang kanyang pisnge at yumuko. Ako naman yun nagulat dahil hindi mahiyain amg kilala kong Uriel. I always see him as a thick face boy.
"Paris, siya ang iyong nakakatandang pinsan. Kaya tawagin mo siyang Kuya," saad naman ni uncle Rome.
"Dad! Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko." Agap ni Uriel. Mukhang nahihiya itong tawagin siyang kuya.
"Hindi ko talaga maintindihan ang mga bata ngayon." Napapailing naman si auntie Patricia.
Bumalik naman ako sa tabi ni Mama pagkatapos gawin clay dough ni uncle yung mukha ko.
BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasi|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...