King 🔸 37

10.1K 921 55
                                    

Paris' POV

"TUMAWAG kayo ng ambulansya!" Malakas na sigaw ng kasama nitong matanda. Agad na marami ang lumapit at tumulong. Hindi ginagalaw ang matandang nakahandusay.

Mabilis din akong lumapit at tiningnan ang matanda. Hindi siya hinimatay ngunit tila apoy ang pulang ilaw nito sa dibdib at kumakalat yun.

Anong ibig sabihin nito? Am I seeing how a person is having a heart attack with this light? Isiniksik ko ang sarili ko hanggang sa nakalapit ako sa matanda at nahawakan ko siya.

I need to help him. He's not dying but if I won't do anything, he will be.

"Anong gagawin mo sa kanya?!" Sigaw ng kasama niyang matanda sa akin.

Nakita niya akong nakahawak sa matanda at malamang dahil hindi maipagkakaila na bata pa ako ay agad na kukwestyonin kung ano ang gagawin ako.

"Sir, alam ko kung paano mag first aid. Please hayaan mo po akong tulungan siya," tugon ko sa kanya.

Mas lalong sumama ang timpla ng matanda. "Hindi ito practical school para pagpraktisan mo ang kaibigan ko!"

"Sir, hindi ako gagawa ng ikakasama sa kanya. Please hayaan mo ako. Marami ang nakatingin at kung may mangyari man masama sa kanya ay hindi ako aatras sa responsibilidad ko." Paliwanag ko sa kanya.

Alam ko na natatakot lang siya lalo na at walang eksperto sa kanila kung paano magbigay ng first aid.

"Sige. Pero mananagot ka kapag may mangyaring masama sa kaibigan ko." Banta niya sa akin. Masama ang tingin na ibinigay niya. Ngunit kahit ako ang nasa sitwasyon niya ay ganoon din ang mararamdaman ko.

Tumango naman ako sa kanya. Pagkatapos ay tiningnan ko na ang matanda. Tumagos ang tingin ko sa katawan niya. Nakita ko na ang puso niya ay hindi maayos. Mahina na ang kanyang puso. Yung dugo naman niya ay mas denser at mas mabilis. Mukhang high blood pressure ang sanhi at yung puso niya ang natatamaan dahil sa pagbobomba ng dugo.

Nagkunwari akong may kinuha sa mini bag ko na inilagay ko sa beywang. A pill came out from my hand. Oo, tama. Alam ko na kung paano kontrolin ito. Kaya noon na tuwing nagigising ako sa umaga ay maraming mga crystal pill ang nasa higaan dahil mga excess yun sa dimensyon na nakikita ko na punong puno ng mga tila bituin. Kailangan kong bawasan iyon araw araw dahil napupuno ito at kapag hindi ko nagawa iyon, lumalabas sila sa pagtulog ko kung kailan ay hindi ko kontrolado ang katawan ko.

Agad na ipinainom ko ang pill sa matanda. He's still conscious and able to swallow pero hindi na siya makagalaw at makapagsalita.

"Ano yung ipinakain mo sa kanya?" Mabilis na tanong ng matandang kasama niya. Hinawakan niya ang pulsohan ko at halos magkapasa iyon dahil sa higpit.

"Isang special pill, Sir. Inaatake siya ng high blood pressure at humihina na ang puso niya kaya siya natumba," tugon ko sa kanya. "This pill will stabilize his heart and the pressure of the blood." Paliwanag ko.

Nagulat naman ang matanda. Mukhang natumbok ko ang sakit ng kaibigan niya. Ilang segundo lang, napansin ko na ang ilaw sa bandang dibdib nito ay unti-unting nagiging puti at hindi na ito gaanong maliwanag. Ngunit hindi ito namamatay. Nanlaki naman ang aking mga mata nang ang ilaw na tila apoy kanina ay kusang dumadaloy iyon patungo sa akin. Nagiging puti ang pulaw ilaw at pumapasok sa katawan ko.

Kinabahan ako bigla dahil baka sa akin lumipat ang sakit ng matanda ngunit wala naman akong nararamdaman na kakaiba ngunit tila mas sumigla ako. Are those red flares turned white and became an energy and my body is absorbing it? This is just a hypothesis that is not proved yet. Isinawalng bahala ko muna ito.

Tiningnan ko ulit ang estado ng matanda. Napangiti ako dahil yung puso niya ay higit na mas matibay kaysa kanina. It means he's recovering and he's healing. He just needs to take two more medicine and he will be completely free from his illness.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon