King 🔸 9

12K 870 48
                                    

Paris' POV

MABILIS natapos ang kainan namin sa isang hotpot restaurant. Hindi iyon gaanong nagtagal dahil sa mga nangyari sa loob ng private room.

Habang nagkakasiyahan ang lahat, biglang dumating si Garwyn na nagpupuyos ng galit at dinuduro si Victor. Nawalan ng ganang kumain ang lahat dahil sa nagkasagutan si Garwyn at Victor. Garwyn was dragged outside by the security personnel in the restaurant.

Kahit nawala na si Garwyn, hindi na naibalik ang nawala namin gana sa pagkain kaya napagpasyahan na lang ng lahat na umuwi.

Si Victor na mismo ang naghatid sa akin pauwi. Nakauwi naman ako ng matiwasay. Hindi na nagawang nagtanong ni Mama kung saan ako galing dahil kailangan ko nang magpahinga.

Agad naman akong natulog nang gabing iyon. Taliwas sa pagkakaalam ko ang pagkayanig ng dalawang malaking pamilya sa Imperial City. Naayos na ang nagbabadyang pagbagsak ng kanilang stocks at nagsimula na ang imbestigasyon kung sino ang nangahas na atakihin ang Imperial State.

Nakarating sa dalawang makapangyarihang pamilya na taga US ang rumesolba sa problema ng Imperial State. Kaya ngayon may utang na loob ang bansa sa US. Ngunit hindi ipinaalam ang identity ng nakalutas ng problema nila.

The two families wanted to give a reward to the person who solved the problem. But the US government did not disclose my identity. They are afraid that Imperial State will lay their eyes on me and I will be taken away.

Gumising ako sa umaga na walang kaalam-alam sa mga nangyari habang tulog ako. Malimig ang umaga kahit mataas na ang sikat ng araw.

"Paris?" Tawag ni Mama sa akin habang kumakatok ito sa pintuan ng kwarto ko.

Pupungas pungas akong bumangon mula sa higaan at sinusubukan na maka adjust dahil sa liwanag na pumapasok mula sa bintana.

"Come in, Mom!" Tugon ko sa kanya at inayos ko ang magulo kong buhok. Hindi naman ganoon kagulo dahil matuwid naman ito ngunit hindi lang kagaya ng bagong suklay na buhok at maayos ang pagkakalugay.

Pumasok naman si Mama at may dala itong isang manila envelope. May nakatatak doon na Boston Research Institute.

"This came in the mail. What is this?" Nagtatakang tanong ni Mama at ibinigay niya sa akin ang envelope.

Wala akong naalala na may darating na delivery ngayon mula sa research institute. Dahil sa ayoko naman manghula, binuksan ko na ang envelope. I found a stack of paper for about 15 pages.

"What does it say?" Hindi mapigilan na tanong ni Mama sa akin.

"It's my internship contract." Tugon ko sa kanya at mas lalo lang nalito ang ekspresyon ni Mama. "I was accepted in Boston Research Institute for internship."

Nanlaki naman ang mga mata ni Mama. "Boston Research Institute?! How? The internship is for graduate students. You are still in high school, young lady." Hindi makapaniwala na saad ni Mama.

Kahit sino man ay hindi maniniwala. Walang internship sa High School at mas lalong hindi tumatanggap ng mga unqualified interns ang mga organisasyon. Being a high school student is already the number one disqualification.

"Hmmm. Mr. Vanderburg is the Chief of Boston Research Institute. He took me in even though I am still in High School," Sagot ko sa kanya. Hindi ko na ibinigay ang mga detalye.

"But he can't just bend the rules. You are more qualified than anybody here...but rules are rules." She sounded like she doesn't want me to go to the institute for some reason. Ngunit agad ko naman nahulaan ang iniisip niya.

"Mom, if you're thinking that I might not go back with you to Imperial State. Don't worry about it. I can continue my internship at Imperial State. We already talk about the arrangement. I told Mr. Vanderburg that we are going in 6 months." Paliwanag ko naman sa kanya.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon