King 🔸 39

10.9K 844 92
                                    

Paris' POV

INILAPAG ko ang wine glass na wala ng laman sa lamesa. Ang mga taong nasa paligid ko na nakakita sa ginawa ko ay gulat na gulat pa rin at hindi magawang magsalita. The room became a pin-dropping silence. Everyone's eyes are on me and even my Mom was gapping.

"Sorry about that, my hand slipped," saad ko at ipinadama ko na hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. I smiled at everyone and they were enchanted for a few seconds.

Doon lang nakahuma si Robert at pati na ang mga tao sa paligid. Si Logan naman ay napatakip ng bibig dahil sa gulat.

"Anong ginawa mo?! Anong karapatan mo na sabuyan ako? Hindi mo ba ako kilala?" Galit na saad ni Robert na halos sumugod na niya ako ngunit nagpipigil lang. Mukhang mamahalin ang three-piece suit nito kaya mas lalo itong nagagalit dahil sa laki ng mantsa sa damit niya.

"Your mouth is dirty and you're spitting trash all over. I thought you need to cleanse your stinking mouth so I helped you by washing it with an expensive wine. I guess, trash will always be trash no matter how you clean them." I look at him with arrogance. My eyes are like hawks eyeing their prey. It is not yet the time that I should be facing any of them, but it seems it came earlier than expected.

I remember exactly that he was extremely unkind to me before. Lagi niyang pinapamukha sa akin noon na kung wala ang mga de Luca ay kung saang pusali na ako pupulotin. I was too naive back then and dependent. Natatakot ako noon na abandonahin nila kaya tiniis ko lahat para huwag lang nila akong iwan.

Ngunit iba na ngayon. Hindi na ako natatakot sa kanila. Hindi ako natatakot sa maaari nilang gawin dahil kaya ko nang tapatan ang kung ano man ang meron sila.

I am now richer than them. Imperial State is a war of rich people.

"Wala kang modo! Sino ka? Sabihin mo sa akin kung sino ka dahil pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" Halos pumutok na sa galit si Robert. He threw this tie on the floor.

"Robert, this is my party and you're ruining it," malamig na saad ni Uncle Abraham. Tahimik siya kanina at magpipigi dahil sa business partner niya ito. Ngunit tila hindi na siguro nito mapigilan dahil sa mga pinangagawa ni Robert.

"Abraham, I am not the one ruining your party but them! Anong klaseng kaibigan ka? You invited that woman, a disgusting woman who was abandoned. Now, some stupid white girl—"

"Shut up, kuya!" Tumayo si Mama at biglang natakot naman ako dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya. "Para malaman mo may karapatan ang anak ko na ibalik sayo ang lahat nang pambabastos na ginawa mo. Yes, she's my daughter, the one that you are calling names. You deserve what she did. Matanda ka na, ugaling walang pinag-aralan ka pa rin!" Galit na saad ni Mama dito. Her hands are shaking from anger.

Hinawakan naman ni auntie Ophelia si Mama bilang suporta.

"Ha! So anak mo pala yan! Magaling! Magaling! Sisiguradohin ko na mapapalayas kayo dito sa Metropolitan at kahit saan man dito sa Imperial State!" Galit na galit nitong sigaw sa amin.

Pinatay na ang music kaya dinig na dinig ng lahat ang mga pinagsasabi niya.

Robert Tyrion de Luca. The crazy second child at wala itong pakialam kung magkalat man ito sa publiko. Kahit si Lolo noon ay nagagalit sa kanya dahil sa mga problemang hatid nito.

He can't control his temper and he will insult anyone he found annoying no matter where he is. His attitude is disgusting na tila may tililing na ito sa utak.

"Mr. de Luca, don't overestimate yourself. Hindi ito Divine City para magawa mo ang kung ano man ang gustohin mo. Nasa Metropolitan tayo at wala kang kapangyarihan dito. But I dare you if you can. Subukan mo na paalisin kami kung kaya mo. Show us your ability nang magkakilanlan tayo," matigas na saad ko sa kanya at si Mama naman ay napalingon sa akin tila nag-aalala.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon