King 🔸 38

11K 884 101
                                    

Paris' POV

NASA labas na kami ng hotel kung saan ay idadaos ang banquet ng kaibigan ni Mama. May isang malaking ballroom dito at iyon ang ginamit. This is a high-end hotel at ngayon lang ako nakapasok dito.

Wala naman magugulong tao sa labas ngunit may mga nakakasabayan kami na mukhang imbetado din sa party. Madalas ay napapatingin sila sa akin. Hindi na ako nagtaka dahil kahit ako ay nagandahan sa sarili ko ngayon na naayusan ako.

"Paris, I will introduce you to some of my friends today. Be good to them. In the future, you can rely on them," mahinang saad ni Mama sa akin.

Biglang nawala naman ang excitement na nararamdaman ko. Her words sounds like it was her last will. Pero wala akong magagawa kundi ang pagbigyan siya dahil kahit balibaliktarin man ang katotohanan, ganoon pa rin ang patutungohan.

"I will, Mom," mahinang tugon ko sa kanya.

Nasa harap na kami ng entrada at ibinigay ni Mama yung invitation. Pinapasok naman kami at agad na bumungad sa amin ang maliwanag na paligid. Hindi masyadong maingay sa loob pero makikita ang lahat na mag-uusap.

All of the people invited here are from the middle to Elite society. Banquets are made to make connections with powerful people, for business expansions, and favors.

Ngunit bigla na lang akong nailang nang biglang nagtinginan ang mga panauhin sa amin ni Mama. Pinilit ko na ignorahin ang mga tingin na ipinukol sa akin ng karamihan.

"Mommy, is she a fairy?" Tanong ng isang bata sa 'di kalayuan.

"No baby, but she's a very beautiful girl," mahinang tugon ng ina ng bata na ngayon ay tinakpan ang bibig ng anak. Ngunit natatawa ito dahil sa sinasabi ng anak.

Hindi sila naririnig ni Mama dahil walang kakayahan siya na katulad sa akin.

"No! She's a fairy! Fairies must look like her." Nagalit ang bata.

Parang gusto ko naman lumayo. Why would a kid label me as a fairy? Ang nakikita kong fairy sa mga pelikula ay malilit at may pakpak. I'm sure I don't have wings and I'm not small.

"I'm sorry, he's not like this the usual." Hingi naman ng babae sa mga kasama nito.

"Hindi mo masisisi ang bata. Sobrang ganda ng babaeng kakapasok pa lang. She's extremely white and her hair is also pale blonde. I guess she has albinism." Dinig kong saad ng isa.

Hindi ko sila tiningnan at nakasunod lang ako kay Mama.

"Wow, this is the first time I've seen one. Are all albinos look like that? Sobrang ganda niya."

"Mostly sa mga albinos, kakaiba ang itsura nila. They have this facial structure na maliliit ang mga mata at laging tila nasisilaw kung tumingin. I guess she's one of the rare ones that albinism was perfectly fitted on her."

Ako na ang pinag-uusapan ng karamihan. They are all whispering ngunit dinig na dinig ko sila.

Nakuha na lang ang atensyon ko nang may sumalubong kay Mama na isang magandang babae. She's around my Mom's age, but she looks a lot younger than my mother. Of course, Mom lost a lot of weight because of her condition.

"Celestine! Natutuwa talaga ako at pumunta ka. Akala ko talaga hindi ka sisipot," nakangusong saad ng babae kay Mama. I guess she's my Mom's best friend.

"Ophelia, sinabi ko sayo kahapon na pupunta ako. By the way, ito pala ang anak ko," tugon ni Mama sabay lingon sa akin. "Paris, this is your auntie Ophelia."

"Hello..." bati ko sa kanya.

Lumiwanag naman ang mukha ni auntie Ophelia.

"Oh dear, call me Auntie Ophelia," tuwang tuwa na saad nito at tumingin ulit kay Mama. "Hindi mo man lang nasabi na napakaganda ng anak mo. Nagtataka din ako kung sino siya dahil siya na ang usap-usapan ng mga bisita ko," natutuwang saad ni Auntie Ophelia.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon