King 🔸 14

11.4K 846 57
                                    

Paris' POV

MEDYO matagal din akong naghintay bago lumabas ang African Mine. Agad na napatuwid ako nang upo at nakapirmi na ang mga daliri ko sa bid button. In my past life, the old de Luca was able to attain this. Ibig lang sabihin nito ay hindi marami ang nag bid sa minahan o walang interesado dito kaya nakuha ito ng de Luca.

They won't be able to get it if someone else higher than them is interested in this mine.

"This is an abandoned mine where precious diamonds have been dug. But minerals are naturally formed in time and this abandoned mine has the best condition for best diamonds..." Paliwanag nang host at sinusubukan nitong bigyan ng magandang salita ang minahan.

Madalas sa subastahan, kahit hindi naman ganoon kaganda ang history ng item, pinapaganda nila ito sa pamamagitan ng mga salita. They can even sell a random bracelet from street-side vendors and make it an ancient item is worn by some pagan king or queen. That's how good they are but of course, all items in this underground auction are all authentic.

Ngunit wala masyadong magkaka-interes sa minahan dahil aabutin pa ng matagal na panahon bago manumbalik ang mineral sa loob nito. Minsan aabutin pa ng ilang daan taon bago mangyari iyon.

But what they don't know, beneath this mine are precious rocks that will surely change the life of the owner. That owner will be me.

Pipindot na sana ako ng bid button nang magsimula na ang subastahan para sa minahan ngunit biglang umilaw ang buy out at biglang 1 Trillion Empyrean Dollars ang nakalagay. May naunang magbid sa akin at agad na iyon ang presyo na inilagay.

"What the?!" Hindi ko mapigilan na mapasigaw dahil sa gulat at inis dahil wala man lang akong magawa. "But the buyout can..." napatigil ako dahil sa reyalisasyon. There are only a few people who can make a buyout without restriction or limit. People from the highest status. If they wanted to make sure to get what they want, they can offer the highest buy-out fee. But I never thought that they will buy it for 1 f*cking trillion Empyrean dollars!

Sa inis ko ay mabilis na tumipa ang mga daliri ko at sinubukan ko na i-hack kung sino man ang nagbid ng ganoon kalaking halaga. Ngunit hindi ko makita ito sa linya. Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa mismong lugar ng subastahan ang nagbid ng $1 Trillion Empyrean Dollars. It will be difficult to trace the transaction. But if I want it, it's possible.

Hindi ko magawang ngumiti at kahit sabihin na wala akong magagawa dahil hindi ganoon kadami yung pera ko ay nayayamot pa rin ako. Ang ibinayad nito para manalo sa subastahan ay bawing bawi sa yaman na matatagpuan nito sa ilalim ng minahan.

"It can't be the de Luca's right?" Imposibleng maging sila kahit pagsamahin ang buong yaman nila at sa akin ay hindi aabot ng isang trilyon ang pera. It has to be someone else and that someone else is crazy rich!

Sa sobrang yamot ko, nawalan na ako ng gana at nayayamot akong nagbid sa susunod na item. Ni hindi ko na napansin kung ano iyon. Doon ko na lang ibinuhos yung sama ng loob ko. Click lang ako nang click kapag may lumalaban.

Nagbid ako hanggang sa umabot iyon ng 300 Million Empyrean Dollars. Wala nang nagtaas ng bid kaya nanalo ako. Pagkatapos ma sold nito as international bidder dahil makikita nila ang lokasyon ko, agad na naka receive ako ng email.

Tinatamad na nayayamot kong binuksan ang email at binasa ko ang nilalaman.

Congratulations Mr/Ms. Paris Sereia Asherah de Luca for winning the 5% shares from De'Longhi's Conglomerate. The procedures are attached to this email.

Please process the necessary steps within 24 hours. Failure to process will void the contract.

Basa ko sa email. Nagulat pa ako na shares pala yung nakuha ko sa subastahan. Ni hindi ko na napansin iyon dahil sa yamot ko. Sino ba naman ang hindi mayayamot kung ganoon lang ang nangyari at nawala na ang pag-asa ko kaagad na makuha ang minahan? Ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagbid.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon