King 🔸 52

9.7K 930 124
                                    

Paris' POV

"SIR?" Ulit ko nang ilang beses siyang kumurap.

"T-Tubig." Unang katagang binitawan niya. Napangiwi siya pagkatapos magsalita. Mukhang masakit ang kanyang lalamunan dahil kinulang ito ng tubig na dumadaan sa kanyang lalamunan.

"Makakabangon po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

Tumango ito at kahit mahina ay pilit na bumangon ito. Mabilis na kinuha ko ang isang baso na walang laman at nilagyan ko iyon ng warm water. Nilagyan no na rin ito ng honey para gumaan ang pakiramdam niya sa kanyang lalamunan.

Kaagad na ibinigay ko sa kanya ang baso na may warm water at honey. Nanginginig ang kanyang mga kamay na tinanggap ang baso. Ininom niya ang laman nito na halos tatlong lagok lang. Uhaw na uhaw siya na kinaya niyang inumin yun ng ganoon kabilis.

"Kumusta po ang pakiramdam niyo ngayon?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang uminom. Kinuha ko naman ang baso mula sa kamay niya at inilagay ko iyon sa side table.

"Ang huling ala-ala ko ay kumakain ako sa labas kasama ng kabusiness deal ko. Pagkatapos ay wala na akong matandaan," aniya. He's confused about what happened.

He probably fell unconscious immediately. That's the ability of the drug. Hindi ito katulad ng usual comatose patient na nagigising ang diwa at nakakarinig kahit hindi ito nakakagalaw o nakakapagsalita.

His consciousness was sleeping completely and he will not be able to hear anything kaya wala siyang recollection. This drug is scary.

"Mr. De'Longhi, na-comatose po kayo ng ilang araw. May alam po ba kayo na mga kaaway niyo na posibleng gagawa ng masama sa inyo?" Tanong ko sa kanya. Sa palagay ko, matindi ang galit ng taong may gawa nito sa kanya. The drug cost billions and they paid for it to poison him. But I already have doubts about who could be the culprit. I always trust my instinct and I am also not blind. I can read people. Ngunit hindi pa naman ako sigurado kung siya ba talaga. It could also be different and I  just being cautious.

Hindi ko alam kung ano ang motibo nito. If they want to kill him as the successor of the De'Longhi Conglomerate, there are still people who will replace him. De'Longhi is not short of people who can replace the successor.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa naisip ko. De'Longhi clan is a big family. Usually, the successor will be coming from the direct bloodline. But if all the direct descendants are unable to succeed, a successor can be taken from the branch family.

Posible ba kaya na ito ang dahilan? Is it about succession? Or is it something different?

"Marami akong kalaban sa larangan ng negosyo. I will do an investigation about this," aniya na malalim ang pagkakakunot noo. "What is this smell?" Napapatingin ito sa sarili at inamoy pa nito yung damit niya. "I smell so bad," komento niya.

"Mr. De'Longhi, those are the toxic impurities na lumabas through excessive sweating. Kaya kayo nagising dahil lumabas na sila. You were poisoned by a newly developed drug who will make you fall asleep nonstop and your body will be similar to a comatose patient. I suggest to be careful from now on. This drug is colorless and tasteless. Hindi rin ito kayang i-detect ng mga laboratory testing. Kaya mag-ingat kayo. Anyone can feed you this drug and you will not notice it," babala ko sa kanya.

This drug will be a menace for only a short period. Ang alam ko, matitimbog ang laboratoryo nito at mahihinto ang pagawa ng mga droga. It was one of the biggest accomplishments of the century lalo na at nagbigay ito ng terror sa mga mamamayan noon.

"Are you a new doctor?" Biglang tanong niya sa akin. Siguro ay naisip niya na kanina pa kami nag-uusap ngunit hindi niya ako kilala.

"Hindi po. Nagkataon lang po na nanghingi ng tulong sa akin ang inyong Ama dahil hindi kayo kayang gamutin sa ngayon ng mga doctor. I happened to have a medicine that can eliminate the effects of the drug," sagot ko sa kanya. "Lalabas lang po ako at tatawagin ko po yung Ama niyo." Paalam ko.

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon