King 🔸 43

10K 909 182
                                    

Paris' POV

"AUNTIE Patty and Uncle Rome, thank you for coming." Bati ko sa dalawang nakilala ko na. Tumingin naman ako kina Auntie Ophelia. "Hello, Auntie Ophelia. Hello Uncle Abraham."

"Paris," saad ni Auntie Patty at lumapit ito sa akin at niyakap ako. "I'm sorry for your loss. Wala kaming ideya na may dinadala na pala si Celestine." Nalulungkot na saad sa akin ni Auntie Patty.

"She chose not to tell anyone, Auntie Patty. But I am glad that you were able to come," tugon ko naman sa kanya at kahit papaano ay ngumiti ako.

I may look like I have moved on but yes, I forced myself to move on. Wala akong ibang makakapitan kung patuloy kong ilulugmok ang sarili ko sa kalungkutan. My enemies will take advantage of me if they see me as vulnerable. Kaya hindi na ako iiyak at hindi ko ipapakita sa kanila ma mahina ako.

Lumapit naman sa akin si Auntie Ophelia. "Paris, Tinawagan ako ni Logan at tsaka ko lang nalaman ang nangyari. Ikinalulungkot ko ang mga nangyari," aniya. "It still feels so unreal. I hope you're coping well."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Thank you, Auntie Ophelia."

"Paris," untag naman sa akin ni Uncle Rome. Napatingin naman ako sa kanya. "You haven't met them yet but this is your Uncle Robert, Auntie Amanda, Auntie Lorraine, and Grandpa Antonius. They came together with me as soon as they heard the news of my sister's—your Mom's passing," saad niya sabay turo sa mga nagkumpulan na ngayon ay nakatingin sa akin.

Kaagad na dumapo ang tingin ko kay Robert at agad na bumigat ang pakiramdam ko. Kay Amanda na asawa niya na ambisyosa din at nakatingin sa akin na nakataas ang kilay. Si Auntie Lorraine na passive sa mga nangyari. She did not do any harm to me, but she did not do anything to help me as well in the past. Hindi niya kasama ang asawa niya. Dumako ang mga mata ko kay grandpa na ngayon ay nakatingin sa akin.

He was looking at me with a stern expression. I remember this expression. He still sees me as a token of humiliation. They will never change no matter what. Kahit sa ganitong sitwasyon ganoon pa rin ang isipan nila. I hate them so much.

"Hello," maikli kong bati sa kanilang lahat. "I hope you have a nice visit." I formally greeted them, treating them as a guest who will never come back. Tumingin naman ako kay Auntie Ophelia. "Auntie Ophelia, have you already eaten?"

"We have. We should be the ones asking if you're already hungry. You just came from school," tugon niya naman sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "I haven't but I will eat later on for dinner."

"Paris." Tawag sa akin ng isang boses na kilala ko.

Pinigilan ko ang sarili ko na sumama ang timpla ko. Why are they calling me like they are familiar with me?

"Yes?" Magalang na sagot ko.

"Ako ang iyong grandpa. Halika dito at mag-uusap tayo," saad niya sa akin at seryoso ang kanyang ekspresyon.

I want to refuse but I need to hear what he wanted to say. Kaya naman ay naupo ako sa bakanteng sofa.

"What is it?" Tanong ko sa kanya.

Pansin nito na hindi ko siya tinatawag na grandpa kagaya ng gusto niya. We are not in a good relationship. They are strangers to me and I don't have the feeling of calling him grandpa.

"Nabanggit ba ako ng iyong Mama sayo?" Tanong nito sa akin.

I almost snorted. Why are they asking about it? What do they want to prove?

"No. She did not mention you before," tugon ko sa kanya. Kahit nabanggit naman talaga ni Mama pero sinabi ko na hindi. I want them to realize that they are not important to me, to us. "Ah, yeah, I remember she did. It's just one that I forgot about it."

Eternal King |The Eternal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon