Paris' POV
THE game ended successfully pero hindi ko na napansin na marami ang naglive stream habang pinapanood ang laro namin ni Macy. Hindi ako nahilig magsocial media kaya hindi ko iyon napansin. Hindi ko lang din nakasanayan ang social media dahil sa abala ako sa mga sariling interes ko sa buhay.
I have facebook account, but the last time that I remember opening it was—2 years ago? Hindi na ako sigurado dahil sa tagal.
Bumaba na ako mula sa kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Ngunit pagkababa ko pa lang at hindi pa ako nakakapasok sa kusina ay bumukas na ang pintuan at pumasok si Mama.
Napatingin ako sa wall clock kung anong oras na. Napakunot ang noo ko dahil masyado pang maaga pero nakauwi na si Mama. Gusto kong magtanong ngunit naalala ko na hindi nga pala kami nagkikibuan. Kaya imbes na gusto kong magtanong ay hindi na lang ako nagsalita.
Tiningnan din ako ni Mama at halata ang pagod sa kanyang mga mata.
Nag-iwas ako ng tingin at pumasok ako sa kusina. Alam ko na hindi maganda ang asal na ipinapakita ko. Ngunit nasanay na ako na kung ayaw kong makipag-usap ay iiwas ako ng tahimik.
Kumuha ako ng wheat bread at peanut butter para palaman. Tahimik na nagpapahid ako ng peanut butter sa wheat bread nang maulingan ko na pumasok si Mama sa kusina.
"I just want to let you know that I found someone who can help you with the hypnosis." Biglang saad ni Mama sa akin.
Nahinto ang galaw ko sa pagpapahid ng palaman. Unti-unti akong pumihit paharap kay Mama at nakita ko ang hapong katawan niya.
"When would you like to go?" Tanong niya sa akin.
"Mom..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Akala ko ipipilit niya pa rin ang kagustohan niya.
Bumuntong hininga naman si Mama. "I have given thought to what you said. I understand why you prefer to have the shortest route to get treated even though it's risky. If I keep insisting on what I want, I'm more afraid that you will get a random person to perform the hypnosis and..." natahimik siya saglit. "So I looked for someone reliable that has no means to hurt you."
"M-Mom...I'm sorry..." hindi ko mapigilan na saad. Ilang araw kaming hindi nag-iimikan. Tama nga ang sinabi niya na kung hindi siya papayag, ako ang hahanap ng pwedeng gumawa sa akin ng hypnosis.
I wish I could tell her the reason why I am being difficult and insistent about hypnosis. Pero kung sasabihin ko sa kanya, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan. Iisipin niya lang na kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko lalo na at may mental health issue ako. It's always that way. Iisipin nila na imahenasyon lang ang lahat.
No one will believe to this supernatural phenomenon, not unless they experience it themselves.
"It's fine. I took a leave for tomorrow. We can go tomorrow to start your treatment." Sagot niya sa akin. "I'm a bit hungry, can you spare me a sandwich?"
"Hmmm." Tugon ko naman at tumalikod ulit ako para dagdagan ang sandwich na ginagawa ko.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay naging maayos na kami ni Mama. Ngunit alam ko na labag pa rin sa kalooban niya ang desisyon ko ngunit hindi na siya nagsalita patungkol doon.
•••
ISANG malaking apartment complex ang nasa harap namin ngayon. Dinala ako ni Mama kung saan nakatira ang magpeperform ng hypnosis sa akin.
I'm a bit doubtful about it because there is no official office. May mga professional naman sa larangan na ito, kagaya ng mga doctor na nag-specialize ng hypnotism. Why would Mom find something suspicious like this?

BINABASA MO ANG
Eternal King |The Eternal Series One|
Fantasy|COMPLETE| Paris has never thought that fate is cruel to her. She was a genius and a giver. After her mother's death, the de Lucas-her mother's family took her in. For her to be welcomed and accepted, she did not hesitate to share her crafts and mad...